2

548 5 0
                                    

Hindi ako halos nakatulog kagabi, sana pala tinanong ko din ang last name nya para ma-add ko sa FB at macheck ang info nya. (stalker)

Kung ano ano lang ang sinearch ko kagabi kay pareng Google.

1st yung keyword na  "crush", ngayon lang kasi ata ako nagka-
crush. Aral, TV, games lang kasi palagi ang naging buhay ko. Siguro ang mga crush ko lang is yung mga anime and game characters...
Kung gagawa siguro ako ng game sya ang protagonist. (See? All my topic.. Sya lahat ang pinatutunguhan)

Err.. 2nd keyword "Girl to Girl crush" kaso ng i-eenter ko na may suggestion na Girlxgirl, yuri, lesbian and so on.

Sa isang gabi lang nadagdagan ng napakadaming kaalaman ang utak ko.

--Lesbian kaya ako or Bi? Sya kasi ang una kong crush so hindi ko alam kung attracted ako sa lalaki. Nung bata kasi ako, mahilig ako sa manika at baril barilan.. So I'm somewhere in the middle? Kasalanan lahat ito ng mabait na samaritana.  Sana talaga 4th year nadin sya. At sana section A din sya gaya ko.

Hindi ko pa pala nagagalaw yung Pocky ko. Ayoko sana kainin, parang gusto ko nalang na ipreserve for a century. Pero since isa lang to and I cant last a day without it, okay.. Ibabaon ko na.

Kasalukuyan akong nasa labas ng classroom ko. Pangalawa ako sa pinaka maaga, may nauna saking nerd girl.  Time check 6AM.

Time check 7am, tapos na ang Flag Ceremony. Tinignan ko kanina kung andun ba si Alexandria kaso wala eh. Hindi kaya isa sya sa laging late sa klase???

Andito na kami sa loob ng classroom. Chineck ko uli yung paper sa pader with the teacher and student's names.  Quick scan and wala talagang Alexandria. Nalungkot naman ako.

First day palang pero ang ingay na nila, sabagay 4th year na pala to and mukhang lahat naman sila eh magkakakilala. Yung iba napapatingin sakin.

"Class, fourth year na kayo, please have some manners. Next room lang ang meeting ng teacher." Biglang may pumasok na teacher.

Sya ang adviser namin. Tumahimik naman.. Ng konti.

Time check: 7:45 Am hay, inaantok na ako. Sana gaya ni Mama may night shift din sa high school. Hindi ka maiinitan.

Nagulat nalang ako ng pumasok si Alexandria na naka uniform at tumabi sakin. Ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko. "Hey, its good to see you." Sabi nya.

Parang slow motion ang lahat ng nasa background nya. Gosh! I want to hug and kiss her, pwede ba?

"Uhhh, I aint food but why is your saliva pouring out?" WTF! NAKAKAHIYA!!

Kumuha sya ng panyo at dahan dahang idinampi saakin.

Oookay... Nakakahiya, pero minsan lang mangyari na matitigan ko sya up close..

"Is this a dream?"

"No honey, but you were dreaming of something habang tumutulo ang laway mo"  Si Alex ba ang nagsabi noon?

Binuksan ko ang mga mata ko.

OMFG! My eyes wide opened, nakatulog na pala ako. A quick scan sa paligid, all eyes are on me. And when I look at the one who is in front of me.... 

"Alexandria?" Tapos na syang punasan ang laway ko. Pero iba ata ang itsura nya sa panaginip ko..

"It's Miss De Guzman, Miss Salosa." She smirked.

First Love ko si Mam ( Girlxgirl Lesbian GL GxG ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon