1

806 4 0
                                    

"Lillia aalis na ako. Wag ka ng palabas labas at gabi na." Si Elizabeth ang aking Mama. Night Shift sya palagi bilang Manager sa isang kumpanya.

"Yes Ma ingat ka. Baka pag uwi mo bukas di mo na ko maabutan."

Kakalipat lang namin sa Laguna, mas mataas kasi ang offer ng bagong kumpanya ni Mama. 3 days palang kami dito. Mabait naman ang mga kapit bahay. Unlike sa previous place namin.

Kasalukuyan akong nanonood ng anime. Ang corny kasi ng mga drama sa TV.  Ubos na pala yung Pocky ko. Dapat siguro bumili nalang ako ng 1 week na supply nun.

So.. Eto kelangan kong pumunta sa pinakamalapit na convenience store. Walking distance lang naman.

Pag pasok ko.. Oh no! Isa nalang yung stock nila. Pero buti nang meron kesa wala. Magbabayad na sana ako ng...

"Mam, wala na po ba kayong smaller bill o barya." Si kuya sa counter.

"Ay sorry, isang libo lang talaga ang dala ko."  Pangiti kong sabi kay kuya.

"Eh mam kasi wala kaming pang sukli, buo na po lahat. Baka kung may exact sana..."

"So ano na ngayon ang gagawin ko?"

"Eh, hindi na po namin kayo mabebentahan, pasensya na po talaga."

OMFG! Hindi ko pa mabibili to tsk. Ayoko namang ubusin ang 1k ko dito sa store na to. Sayang din at wala na kong ibang maisip bilhin.

"Kuya ako ng magbabayad" Huh, sino ang mabait na nagsabi, May mababait pa palang tao ngayon.

Nagkatinginan kami. Babae pala, parang mag kasing edad lang kami. Ang ganda nya! Siguro artista o model sya. Nahiya naman tuloy ako bigla.

"Nako wag na po, salamat nalang."  Nakakahiya naman talaga.

"Hindi sige ok lang." Ngumiti sya sakin, paano ba naman ako hihindi.

"Th-thank you!" I stuttered.

Inaabot na pala sakin ni kuya ang paperbag kaso hindi ko sya napapansin. Para kasing may staring contest kami ni ate.

"Ngayon ka lang ba nagawan ng maganda ng iyong kapwa?" Natawa si ateng maganda at sya na ang nag abot sakin ng paper bag.

"Ah -- ngayon lang maganda ang kapwa." Oh my, mali ata nasabi ko.

"Ang cute mong bata ka." Natawa sya.

"Salamat po uli." Honestly, ngayon lang ako nakaranas ng ganto. I wonder kung ano to, parang sa sobrang ganda nya napuno ng intimidation ang katawan ko.

"Yep, nangyari na kasi sakin kaya alam kong nakakainis. You're a student right? Saan kang school?"

"Ah oo! Kakalipat lang namin dito. Sa Woodbridge High ako papasok."

Gusto ko sanang pahabain pa ang paguusap kaso na lagay na agad ni kuya sa paper bag ang binili ni ate.

"Mam P192.50 po." Sabi ni kuya sa counter.

Exact amount ang binigay ni ate, napangiti sya sakin.

"Naranasan ko na din kasi dati mag cashier, mahirap talaga pag kulang ang pang sukli." There is really something in her smile.

Sabay na din kaming lumabas.

7pm na pala, kelangan ko ding matulog ng maaga dahil first day of classes bukas.

"Sa Woodbridge din ako, so we'll be seeing each other a lot. Dont forget to always say hi."  Sabi nya.

Ohh my! Sana magka year kami. Sana maging magkaklase kami, tapos friends and then forever best friends  (I guess?)

"By the way, I'm Alexandria and you are?.."

"Oh, my name is Lillia!" Tense na tense talaga akong kausapin sya.

"Such a nice name, well.. Till we meet again." She smiled and alas my heart melted one last time for tonight.

Oh my, pwede ko ba syang sundan para malaman ang bahay nya? Opposite ways kasi kami. Parang bagay na bagay sakin ngayon yung kantang Wherever you will go.

If I could, then I would, I'll go wherever you will go, way up high or down low, I'll go whereve you will go. --

Hindi ko maalis ang ngiti ko. Oh my, I've never been so crazy like this before. Iba ang epekto nya.. I dont know if its a good thing kung iiwasan ko nalang sya sa school.

So nakangiti lang ako buong magdamag habang naglalakad pauwi.

At nang makauwi na, wala na akong gana manuod ng anime at natulog na----

Aw, hindi pala ako makatulog. Damn! May pasok pa ko bukas.... Tsk.

First Love ko si Mam ( Girlxgirl Lesbian GL GxG ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon