2Time

59.2K 191 2
                                    


"Hindi ko na kayang itago sayo ang nararamdaman ko. Mahal kita higit pa sa best friend."

Gulat ang naramdaman ko sa lahat ng sinabi nya.
Best friend ko si Mark.
Sometimes, higit din sa best friend ang nararamdaman ko. Pero hindi ko inaakalang, ganon din sya sakin.

"S-sigurado ka ba?"

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot? Pero kapag nagkataon, masisira ang Friendship namin.

"J-just give me a chance... Mahal kita higit pa sa kaibigan Anreign."

Tinitigan ko sya matapos nyang sabihin yon.
Nagagalak akong malaman yon at marinig sa kanya ang nararamdaman nya sakin.

Feeling ko ako na ang pinaka swerteng babae.


Ako si Anreign Comandante. At naging boy friend ko ang best friend ko.

Masaya kami at walang away ang hindi kami nagbabati. Mahirap din minsan kasi hindi kami legal sa pamilya namin.

Pero kahit ganon ay mahal namin ang isa't isa. Pinili kong maglihim at magsinungaling sa pamilya ko para lamang maipagpatuloy ang masaya naman naming pagsasama.

Lumipas ang mga bwan na masaya pa rin kami.

"Hindi mo ba talaga sya ipapakilala sa parents mo Anreign?" Tanong ni Riz. Ang best friend ko.

"Natatakot kasi ako... Baka hindi nila magustuhan si Mark para sakin ... At paghiwalayin kami. Di ko naman kaya yon." Sagot ko sa kanya.

Nagulat nalang ako ng yakapin ako ni Mark mula sa likod, amoy na amoy ko pa ang pabango nyang gustong gusto ko.

"Alam mo baby, kahit naman hindi nila ako magustuhan ang mahalaga ay gusto mo ako. At kaya kong patunayan ang sarili ko sa pamilya mo" sabi nya na ikinangiti ko naman.

Mabait si Mark, matalino din, gwapo na din, hehe




Dumating ang ikalimang bwan ng relasyon namin. Nagpasya akong ipakilala na si Mark sa mga magulang ko.

Masaya ko syang kinontak pero nagulat at nagtaka akong busy ang line ng phone nya?

[Now Playing// Scared to Death by KZ Tandingan]

Lumipas ang mga araw.

Nakatulala ako sa mga bituin sa taas. Nagbibilang ng bituin kung saan gusto kong lumipas na ang gabi at araw.
Akala ko, kapag masaya na kayo, perpekto na ang lahat. Sa mga pagsubok ay magkasama kayo. Na tanging ibang tao lang talaga ang sisira sa samahan nyo. Pero, mali lahat ng paniniwala ko.

"Sila ni Krizel, mga 3 months na. Sabi nya pa nga samin ay break na kayo?"

Halos manginig ang buong katawan ko sa mga nalaman ko.
Matagal na akong niloloko ni Mark.
Dalawa kami sa puso nya. Pero sino samin ang mahal nya? Ako na nauna? O ang isinabay nya?

Then I realize,
"Kung mahal ka nya, di na sya hahanap pa ng iba."
"Kung mahal ka nya, di na kayang saktan ka."
"Kung mahal ka nya, dapat nakuntento sya"

Na dissapoint ako sa kanya at lalo na sa sarili ko.
Our friendship and our relationship ruined because of him.

Hindi sya nakuntento sa pagmamahal na meron ako sa kanya. Pero, nagkulang ba ako para punan ng iba ang pagmamahal na gusto nya pa?

Simula noon ay lumayo ako kay Mark. Hindi na kami nag usap. At ni paliwanag ay hindi naging maliwanag sakin.

Si Mark na akala kong matalino, gwapo at mabait ay isa palang two timer, manloloko, at di marunong makuntento. Sapat na lahat ng narealize ko para lang hindi na sya paniwalaan.

"Mahal kita Anreign. Maniwala ka."

"Mahal? Hindi mo alam ang sinasabi mo kaya pwede ba? Humanap ka nalang ng maloloko mo."

I left him.

And now, I am fixing myself.






Lesson learned, hindi lahat ng akala mo ay maayos ay hindi magugulo at hindi lahat ng magulo ay naayos.

Moreyna's ONE SHOTWhere stories live. Discover now