4: The Sound of the Violin

100 1 1
                                    

Sa loob ng guest house, may maliit na bar at doon dumiretso si Luca at Reece.

10 years na silang magkaibigan pero ngayon lang niya nakitang ganito si Luca..

Hindi naman ito pala-inom, pero ngayon kulang na lang laklakin niya ang bote nang whisky..

"Luca, tama na", saway ni Reece dito..

Lasing na kasi ito...

"Alam mo, kasalanan ko kung bakit nagkakaganyan si Henri.."

"Lasing ka na Luca, halika na sa villa", awat sa kanya ni Reece..

"Ipinagluluksa niya ang isang taong hindi naman karapat dapat ipagluksa.. Kasi masamang tao yun, at hindi naman patay yun.. Pinalabas lang namin na patay na  pero ang totoo, sumama lang siya sa iba..  Ang mga walanghiyang yun, na nanakit kay Henri.. Mapapatay ko sila".. umiiyak habang nagsasalita si Luca..

Iniisip ni Reece na dahil sa sobrang kalasingan hindi na alam ni Luca ang pinagsasabi..

"Tama na Luca", awat ni Reece dahil kumuha na naman ito nang isa pang bote nang alak..

"It's all my fault. I brought that woman here. I should be the one protecting Henri, I should be the one taking care of my cousin. But, I am the main reason for Henri's pain and agony. I am!", sigaw ni Luca habang humahagulgol.

At sa sobrang kalasingan, nakatulog na ito..

Reece's POV:

SO, babae pala ang dahilan kung bakit ganun si "The Violinist".. Si Henri pala..

Mahal na mahal siguro niya ang babaeng yun..

Pero, sabi ni Luca, hindi naman patay at sumama lang sa iba.

Nagluluksa nga ba si Henri dahil akala niya eh patay na ito o alam niyang sumama sa iba ang kasintahan niya..

Haisst, ang buhay nga naman..

***

Inaalalayan na ni Reece si Luca papasok nang Villa nang makita sila ni Yaya Meding..

"Naku naman ang batang to, naglasing na naman... Ano bang nangyayari sa magpinsan na to", maluha luha na si Yaya Meding..

"Yaya, magdala nga po kayo nang maligamgam na tubig at bimpo sa kuwarto ni Luca", utos ni Reece sa matanda..

Tumalima naman kaagad ito..

Pagkalapag niya kay Luca sa kama nito.. Siya naman dating ni Yaya Meding..

"Salamat Reece ha.. Pagpasensyahan mo na itong magpinsan".. paumanhin nang matanda..

"Huwag ho kayong mag-alala Ya, matagal ko naman na pong kaibigan itong si Luca. Pero nagtataka lang po talaga ako. Ngayon ko lang po siya nakitang ganito"..

Naging mailap bigla ang mata ni Yaya Meding.. "Mas maigi sigurong kay Luca mo na lang malaman ang buong kuwento".. sagot nang matanda.

Hindi na rin nagpumilit si Reece..

"Ako nang bahala kay Luca.. Magpahinga ka na", utos nang matanda sa kanya..

Yun lang at lumabas na rin siya nang kuwarto..

Papasok na siya sa kuwarto niya nang marinig niyang tumutugtog ulit si "The Violinist"...

Gaya nang dati, napakalungkot na musika at may piano accompaniment pa.. 

Pero nauunawaan na ngayon ni Reece kung bakit ganoon ang mga tinutugtog nito.

Iniisip nito na sobra siguro ang pagmamahal niya sa babaeng tinutukoy ni Luca..

At hindi pa rin niya matanggap na wala na ito sa buhay niya..

Curiosity kicks in. Reece wants to know who's playing that lonely tune.. At hindi na namalayan ni Reece na sinusundan na niya kung saan nanggagaling ang tunog nang violin.

Nasa kabilang hall ang tunog ..

May mga nadaanan siyang mga kuwarto..

And the sound of the violin keeps getting louder and louder..

Hanggang ssa may maaninag siyang liwanag.

Naglakad pa siya at 5 metro mula sa kinatatayuan niya, kitang kita niya ang "The Violinist"..

Pero ibang-iba  ito sa na-iimagine niya..

youtube: thanks to thaSparkaZ

THE VIOLINIST (filipino-english) On HiatusWhere stories live. Discover now