Chapter 5 A: Carmina

61 9 0
                                    

Carmina's Pov

Ako si Carmina 17 years old na ako. May tatlo akong kapatid si Joe,Mark at Gallileo. si Joe ay 16 Years old , si Mark naman 17 at si gallileo 17 din.  Si Joe ay may sakit na AIDS nakuha niya siguro ito sa aking mga magulang. napakapayat nito at halos di na makatayo. ganun din ang kalagayan ni Mark at gallileo. hindi naman sila ganun dati at napakalakas nila at napaka kulit. wala kaming pera pampagamot sa kanila kaya ako palagi nagtratrabaho at iniiwan ko sila sa kaibigan kong si Hana.

Inabanduna kami ng aming mga magulang at walang nagaalaga saamin kundi ako. ako ang tumayong nanay at tatay sa aking mga kapatid. Nangangalakal kami sa kalsada ng bigla kaming kunin ng mga armadong lalaki. Hinablot nila ang aking buhok at tinakpan ng panyo na may kakaibang amoy agad ko namang pinatakbo sila Mark,Joe at Gallileo ngunit madali naman silng nahabol ng mga armadong lalaki. Biglang bumigat ang aking mga mata at bigla akong inantok at nakatulog.

Paggising ko bumungad agad saaking harapan ang isang napakaliwanag na ilaw. binalak ko sanang tumayo ngunit napansin kong nakagapos ang aking parehong kamay at paa.nakahiga ako ngayon saisang matigas na kama. Nilibot ko ang aking mga mata at nakita ko ang mga kapatid ko na nakagapos din. 

 "Tulong!! tulong!!" sigaw ko.

Ngunit walang nakakarinig saakin dahil kulob na kulob ang lugar na ito. nagising bigla ang mga kapatid ko.

Nakita ko naman sa mata ni joe na nagaalala siya. Biglang may pumasok  na 4 na tao sa kwarto na kung saaan kami naroroon. naka puti sila at may helmet na suot at may mask pa silang suot. hindi namin makita ang kanilang mukha dahil balot na balot sila simula ulo hanggang paa. Bigla nila kami tinurukan ng kung ano at bigla ulet kaming nakatulog.

Paggising ko para bang may nakasuot na helmet sa aking ulo at nang nilibot ko ang aking mata napansin ko na pati kaptid ko may suot din na ganito.

"Ang suot ninyo ngayon ay ang tinatawag na Nerve Gear. isa lamang kayo sa mga dalawang libong nasa loob ng facility na ito na may suot niyan."

"Sino kayo baket ninyo kami kinuha?!! ano ang gagawin ninyo samin??"

"Wag kayong matakot. ang gagawin niyo lamang ay maglaro ng game at papakawalan na namin kayo."

"pakawalan ninyo ang mga kapatid ko wag niyo na sila idamay"

"dapat nga ay magpasalamat ka saamin dahil ito ang makakatulong sa mga kapatid mo. hindi na sila magtitiis sa sakit dahil may pain killer ang helmet na iyan at maari pa silang gumaling"

"ano ba ang kailangan ninyo saamin?"

"simple lang maglaro kayo ng game na tinatawag na Game of death"

Game of Death (GOD) Where stories live. Discover now