Chapter 4: I love you

79 12 9
                                    


Pagkagising na pagkagising namin sa umaga Buong araw kami naghunt at level 27-29 na sila ako naman 36  Napakasaya ko simula ng sumali ako sa kanila. Ngayon lang ako ulet sumaya simula ng mapunta ako sa Game na ito.  Naisip isip ko na proprotektahan ko sila kahit anong mangyari. Gabi na at napagpasyahan na naming magpahinga sa yosehn.

"Thank you Riex ah dahil sayo sumaya ang aming grupo"  sabi sakin ni carmina

"Walang anumansalamat din sa inyo kasi napakasaya ninyo kasamang lahat"

Bigla ako niyakap ni carmina.  Nagulat naman ako sa ginawa niya g iyon

"Para saan iyon?"  Tanong ko sa kanya

"Wala lang"  bigla siyang lumayo saakin at nakita kong namumula siya.

"Goodnight"

Natulog na kaming lahat.

Silang lahat pala

Di ako makatulog dahil napakalakas ng hilik ni mark

"Nyaaaaaarrghhkrkrkkkshhh!!"

Nagtakip ako ng tenga

"Nyaarrkkkkghhkksshhh!!" 

Natawa na lang ako dahil hindi basta basta ang hilik ni mark.  Parang baboy na ewan. Lumabas ako at kumuha na lang ng isa pang kwarto.

Kinabukasan

Naghanda na kami dahil maghuhunt ulet kami.  Napagpasyahan namin na maghunt ng mas matataas na level ng monsters para mas mabilis kami maglevel.

"Wag ninyo kakalimuta ang inyong teleportation crystal ah"

"Opo!!,"  Sigaw nila sakin.

Ang Teleportation crystal ay ginagamit tuwing emergency lamang.  Kapag ginamit mo ito magteteleport ka agad sa town o sa safe zone.

Pumunta kami sa Mountain of Pain.  Sabi sabi na punong puno ng monsters doon ngunit laking pagtataka namin nang wala kaming nadatnan kahit isang monster.  May nakitang kweba si mark at dali dali naman namin itong pinasok.  Napansin ko na may kakaiba

"Magingat kayo!"  Sigaw ko sa kanila.

Biglang nagsara lahat ng lagusan aa kweba at nabalutan ito ng isang crimson red na kulay ng barrier.  Nagsilabasan ang lvl 40 monsters wala kaming laban sa kanila.  Malalaki silang golem na kulay gold. Isa silang halimaw na gawa sa bato ang katawan at ulo nito. 

Nag defense formation kami.  Pinalibutan namin si carmina nasa harap ako nasa kanan naman si gallileo nasa kaliwa si mark at sa likod si joe.  Ako ang bahala sa pag atake at sila mark, gallileo, joe naman ang bahala sa depensa kailangan naming protektahan si carmina.

Sumugod ang isa sa golem sa akin at inatake ko naman ito.  Mahina ang damage ko dahil level 36 pa lang ako at level 40 naman ang golem.  Sinubukan kong hatiin ang bintk nito ngunit masyado itong matigas para mahati.  Sumugod naman ang isa pang golem kila carmina unti unting nasisira ang formation nila at nagkahiwalay hiwalay kami.  Inatake ng isa sa golem si mark at namatay naman ito agad. 

Unti unting naubos ang mga kasamahan ko

"Ako na ang bahala sayo carmina" sabi ni gallileo habang prinoprotektahan si carmina

sumugod ang golem kay gallileo at tulad ng aking iniisip walang laban sj gallileo

"patawad carmina hindi kita naprotektahan ng maayos Riex ikaw na bahala kay carmina protektahan mo siya"

nawala si gallileo na parang abo at unti unti nang tumulo ang luha sa aking mga mata habang pinagmamasdang mamatay ang lahat sa aking mga kaibigan. ni hindi
Ako makapatay ng isang golem dahil napakahina ko at ng mga weapon ko. Lalapit sana si carmina sakin nang bigla kong makita na aatakihin siya ng golem.  Agad ko naman siyang prinotektahan. 

"Patay na si Gallileo, si mark at si joe tayong dalawa na lang ang natitira" sabi ni carmina saakin nakita kong umiiyak na din siya

"Akong bahala sayo carmina proprotektahan kita"

Naramdaman kong may inilabas na item si carmina at napakalaki nito

"Tanggapin mo ang aming regalo sayo Riex"

Naglabas si carmina ng isang malaking espada na kulay itim napakabigat nito at may bungo ang hawakan nito

"Saan ninyo nakuha ang weapon na itoNapakamahal nito ah"  tanong ko kay carmina habang naka alerto pa din sa pagsugod ng golem

"Binili namin ito para sa'yo. Lahat ng perang nalikom natin sa pag hunt ng mga monsters ginamit namin pambili ng epadang ito pasasalamat namin ito sa'yo"

Biglang sumugod ng sabay sabay ang tatlong golem.  Inatake nito si carmina at ako naman ay tumalsik.  Nakita ko mismo sa aking dalawang mata na nawala na parang abo si carmina. Bago siya umalis may sinabi siya ngunit di ko narinig ang tanging nakita ko lamang ay ang buka ng kanyang bibig.  Unti unti naramdaman kong nandilim ang aking paningin sumugod ako sa mga golem na umatake kay carmina ngunit walang epekto ang atake ko dahil sa mahina kong espada.
Dali dali akong tumakbo at kinuha ang espadang binigay ni carmina.  Nagwala ako sa loob ng kweba inatake ko lahat ng golem at wala akong tinira kahit isa.  Kahit tumalsik ako sa atake ng golem dali dali naman akong tumatayo at pinapatay ang mga ito. 

Napatay ko na lahat ng golem at naalala ko bigla ang pagkamatay ng aking mga kaibigan.1% na lang ang natira sa hp ko at 0 mp naman.  Nanghina ako ng sobra sa mga nangyari at bigla akong hinimatay.

Pagkagising ko tumayo agad ako sa aking pagkakahiga at kinuha ang espada at inilagay ito sa aking likod. Chineck ko ang status ng level ko.  Level 74 na ako.  Ngunit wala akong maramdamang kahit konting saya.  Bagkus nalungkot ako ng makita ko ang aking level umiyak ako ng umiyak.  Pumunta ako sa isang lugar na kung saan madaming bulaklak at lumuhod ako doon at nagdasal

"Patawarin ninyo akong lahat kung hindi ko kayo naprotektahan"  sinutok suntok ko ang lupa hanggang sa magdugo ang aking kamay. Umiyak lang ako ng umiyak at nagluksa.

Naalala ko bigla ang sinabi ni Carmina.  Naalala ko yung buka ng kanyang bibig

"I Love You"  yun ng natatandaan kong sinabi ni carmina saakin

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako at antukin. Simula noon napagpasyahan ko na hindi na ako ulet sasali sa kahit anong guild para hindi ko na maramdaman ang ganong sakit ulet

A/n sana po nagustuhan ninyo ang update ko sa story. 

Don't forget to vote and comment
You can also add me on facebook
Mux watty is thy name.  Kung may reklamo ka or tanong sakin pm nyo ako ASAP at aayusin natin ito

Game of Death (GOD) Where stories live. Discover now