Starting over again [EXO Luhan Fanfiic]

254 3 0
                                    

Prologue:

"Dalian mo baka mahaba na yung pila sa bar, Saturday night pa naman ngayon sigurado madaming gigimik" sabi ng kaibigan kong si Trisha

"Sandali lang, eh kasi bakit kailangan pang mag dress kung pwede naman palang mag simpleng shirt and jeans lang" sagot ko naman sakanya

"Eh paano ka makakahanap ng boylet kung daig mo pa ang tibo kung pumorma? Kaya walang nagtatangkang manligaw sayo eh kasi akala nila tibursyo (tibo) ka" pagdadahilan naman nya sakin

"So maghintay ka dyan kung kelan ako matatapos" pagtataray ko naman sakanya

Ako nga pala si Michelle, 23 years old isang simpleng babae na pinipilit maging malandi ng mga barkada ko, joke lang, wala kasi akong panahon mag ayos ng sarili o bumili ng kahit anu mang pampanganda sa mukha kasi naniniwala ako na kung maganda ka talaga hindi mo na kailangan ng kahit anong kaetchosan sa mukha para maka agaw ng pansin ng iba , grabe may pinag lalaban lang ako .. Hahahaha

"Matagal ka pa ba ha Mich? Sabihin mo lang para iwan na kita, sumunod ka nalang sa bar" pag mamaktol padin ni Trisha

"Eto na pababa na, sobrang excited naman parang first time maka punta ng bar" sabi ko habang pababa ng hagdan

Habang pababa ako napansin ko na nakatulala sakin si Trisha

"Grabe ka naman makatingin, panget ba tong suot ko?" tanong ko sakanya

"Hindi naman, pero grabe tinalbugan mo ang beauty ko teh, ginagawa mo akong tibo eh" papuri naman ni Trisha

"Tse, sorry ka wala akong pera hindi kita malilibre ng entrance, KKB (kanya-kanyang bayad) tayo ngayon" pagbibiro ko sakanya

"Ikaw na nga pinupuri ikaw pa pilosopo dyan hmp! Saka tingin mo sakin walang pera?" Maktol nya

"Medyo, tara na nga kanina nagmamadali ka tapos ngayon hindi ka na gumagalaw dyan sa kinatatayuan mo" sabi ko sakanya habang tumatawa kasi kanina pa syang nakatitig sakin eh

Habang nasa byahe hindi kami nagkikibuan, pano ako may nakalagay na headset tapos sya naman may kausap sa phone mga bar promoters daw na mag aassist samin pagdating namin dun sa bar

***SA LABAS NG BAR***

Kanina pa kami sa labas ng sinasabi nyang bar pero wala padin yung mga "bar promoters" na sinasabi nyang mag aassist samin

"Anu ba matagal pa yan Trish? Nakakangalay kaya, baka nakakalimutan mong naka heels tayo?" pagrereklamo ko

"Sandali lang hindi nagrereply eh" sagot nya sakin habang hindi ako nililingon dahil busy sa kakapindot sa cellphone nya

Biglang may lumapit samin isang tibo

"Hi Miss, gigimik ba kayo?" tanong nya, grabe tong tibong ito boses lalake

"Hindi, magsasagala kami, kaya nga kami nandito eh" pambabara ko naman sakanya, sorry sya, sya yung napagbalingan ko ng galit ko kasi pagod na ako kakatayo dahil kanina pa kami dito

"Sorry miss ha, gusto ko lang naman kayo i-assist if ever, bar promoter kasi ako dito, ako nga pala si Luhan under SMEnt Production" pagpapakilala nya sakin

"Ah ganun ba? Sorry kung tinarayan kita ha? Kasi nakakapagod tumayo dito eh, ang tagal nung bar promoter na kino-contact nitong kaibigan ko eh, Ako nga pala si Michelle pero Mich nalang itawag mo sakin" paghingi ko ng tawad sakanya at pagpapakilala ko na din

"So ilalagay ko na ba kayo sa guestlist ko para maassist ko na kayo? Kasi mukhang matatagalan kayo dito" sabay tingin nya kay Trisha na hanggang ngayon nag tetext padin

Starting over again [EXO Luhan Fanfiic]Where stories live. Discover now