Chapter Nine: His Presence

Start from the beginning
                                    

                I'm trying to move on. But I know it takes time bago ko iyon tuluyan magawa. Ang sabi nga nila, ang healing process ng broken hearted ay hindi nangyayari ng overnight lang. Kung hanggang kailan? No one knows. Pero umaasa ako na darating din amg panahon na hindi na ako masasaktan sa tuwing maaalala ko siya.

                Nanlalabo na ang mga mata ko sa katututok sa monitor. Ilang minuto na lang bago mag-uwian. Konti na lang at malapit ko nang matapos ang ginagawa.

                "Rhyme, daan muna tayo sa mall bago umuwi. May bibilhin lang ako," sabi ni Apple nang mapadaan sa table ko.

                Tumango lang ako. Wala sa loob na umangat ang kamay ko para sana hawiin ang buhok na tumabing sa aking mukha. Ngunit aksidenteng natusok ng lapis ang kaliwa kong mata. Napahiyaw ako sa sakit.

                "Rhyme!" Napasugod sa akin ang kaibigan nang makita niyang sapu-sapo ko ng palad ang mata. "Anong nangyari?"

                Hindi ako makasagot. Ni hindi ko nga magawang dumilat. Natatakot ako nang mga oras na iyon dahil sa posibilidad na baka mabulag ako.

                "It is likely that you will have eye discomfort, or the sensation of something being stuck inside it. But don't worry, it will usually heal within twenty four to seventy twohours."

                Saka lamang ako nakahinga ng maluwag sa sinabi ng doktor. Buong akala ko talaga ay mabubulag ako. Ganon na lamang ang takot ko na halos mag-panic at mag-iiyak ako kanina nang isugod ako ng mga kasamahan sa ospital.

                "For awhile tatakpan muna natin ang kaliwang mata mo para na rin maiwasan ang possibility ng infection. And you will need to return to me after twenty hour, so that we can check if your eye is healing properly," pagpapatuloy ng doktor. Pagkatapos ay niresetahan niya ako ng eye drops at oral analgesia.

                "Tinakot mo ako doon, Rhyme," nag-aalalang sabi ni Apple sa tabi ko. "Kung makaiyak ka naman kasi wagas. Pati tuloy ako nagpanic," bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit. "Ang dami mo naman kasing tutusukin iyan mata mo pa. Paano na lang kung nabulag ka? Eh, di ako na lang makakakita ng guwapo."

                "Sira!" Nangingiti na bumitiw ako sa kanya. Mabuti na lang at hindi niya ako iniwanan. Nanatili siya sa tabi ko sa kabila ng phobia niya ospital.

                "Speaking of guwapo..." Si Apple ulit. "Alam mo ba may nakita akong guwapong doktor kanina sa labas. Gravity, ang guwapo-guwapo niya talaga," nanlalaki pa ang kanyang mga mata habang nagkukuwento. "Kung hindi nga lang ako nag-aalala sayo baka nilapitan ko na siya."

                "Nakakita ka lang ng guwapo nakalimutan mo na ang phobia mo."

                Napanguso ang kaibigan. "Hindi kaya. Nakalimutan ko ang phobia ko dahil sa sobrang nerbiyos sayo."

You Belong To Me (Published under LIB)Where stories live. Discover now