Chapter 2: Secret's Out

Start from the beginning
                                    

"Is it safe now?" tanong ko sa kaniya.

"Yup, matatagalan pang makabalik 'yan. Akala siguro ng helicopter ay kasama ka sa mga nag-evacuate."

"Thank god!" Sa wakas ay nakahinga na rin ako nang maluwag.

"Sumama ka sa'kin, dadalhin na kita sa kaibigan mo." Tumayo na siya at sumunod naman ako sa kaniya.

"Y-Yes, sir!"

Of course, we didn't go by foot anymore. Nagnakaw naman siya ng motor ngayon. Aba! Parang normal lang sa kaniya ang magnakaw ng mga kung ano-anong sasakyan. Sino ba talaga 'to?

***

I couldn't believe my eyes when we arrived at a club. May masama ba siyang balak sa'kin? Gusto niya ba munang magpalipas ng oras habang alalang-alala ako sa kaibigan ko? Kung hindi niya mapigilan ang kaniyang pagnanais na makahanap ng aliw, huwag niya 'kong idamay!

"Don't play with me! Kailangan kong makita si Charm!" Hinatak ko ang suot niyang damit.

"Why would I even bother playing with you?" Tiningnan niya 'ko from head to foot. "Tsk. You're not my type."

Pagkasabi no'n ay hinila niya na 'ko papasok. Ouch, ang sakit niyang magsalita. May mali ba sa pangangatawan ko?!

Pagpasok sa loob, nilagpasan namin ang mga lamesa at ang mga nagsasayawan sa dance floor. May ilang mga babaeng nakapansin sa kasama ko at sinubukan siyang akitin. Medyo napangisi ako nang itulak niyang palayo ang mga lumalandi sa kaniya. Pumasok kami sa isang pintuan sa may dulo ng club.

"Saan mo ba 'ko dadalhin?" I have so many questions in my head but he's not giving me any answer.

"Sa kaibigan mo, ang kulit mo rin, 'no? Kanina ka pa nagtatanong!" he hissed at me, obviously annoyed. Siya itong nag-offerng tulong, pero parang siya pa ang napipilitan.

Sumakay kami sa isang elevator. Habang nasa loob, naisipan kong magpakilala sa kaniya, baka sakali ay gumaan ang loob namin sa isa't isa dahil wala na kaming ibang ginawa kung hindi magbangayan.

I started to introduce myself. "By the way, my name is—"

"Freesia Fammie Fernandez. Triple F for short." Siya na ang nagtuloy ng sasabihin ko. Paano niya nalaman ang full name ko? Weird! Bakas sa mukha ko 'yong pagtataka pero ngumisi lamang siya.

"How about you? Ano'ng pangalan mo?" I tried to be civil despite his insult.

Tiningnan niya 'ko at sabay sabing, "Guess."

What? Ano 'to, game show?

"Figure it out by yourself. I'm not telling you," kaniyang idineklara.

Napaka-unfriendly naman ng nilalang na 'to. Pinagdamutan ba 'to ng lambing noong bata siya?

Pagbukas ng pintuan ng elevator, nasa harapan ko ang isang napakalaking gusali. "No way..." were the words that came out of my mouth. En grande ang hitsura ng buong lugar. Mataas ang kisame at makikinang ang mga palamuti sa paligid.

"Puwede mo 'tong tawaging secret hideout," banggit niya.

"Wow! Ang ganda!" bukambibig ko.

Ngumiti siya sa'kin at nagsalita. "By the way, pagmamay-ari mo lahat 'to."

What? I wasn't able to respond right away to the nonsense he just mentioned.

"Sila na siguro ang bahalang magpaliwanag sa'yo," he said with a smirk.

Pagpasok namin sa isang malaking silid, nakita ko si Charm na nakahiga sa isang puting kama. May mga nars sa kaniyang paligid na nagmo-monitor sa kalagayan niya.

Trapped in a CandyWhere stories live. Discover now