Chapter 2: Secret's Out

25K 1.2K 461
                                    


"Faster!" The stranger's voice echoed inside my ear. Sunod-sunod ang mga pagsabog at pinagbabaril na nila 'yong sasakyan.

"Ah!" I jumped out of the car and landed on his arms. Sumabog na nang tuluyan ang kotse na kani-kanina lang ay sinasakyan namin. Nakakakilabot.

"Get up, will you?" singhal niya. Nakapatong pa pala ako sa kaniya, at parehas kaming nasa sahig.

"S-Sorry," bulong ko.

"Yet you're still not getting up," reklamo nito. "I need your feet on the ground and not over me, lady."

"Sorry..." Agad akong tumayo. Bakit ba wala na 'kong ibang sinabi sa kaniya kung hindi sorry? Hinawakan niya ang kamay ko at tumakbo kami paalis.

"Wait!" hiyaw ko.

"There's no time to wait!"

"'Yong heels ko, hindi ako makatakbo nang maayos," sambit ko. Tiningnan niya ang suot kong sandals. Aba, Aldo yata 'yan.

"No!" Halos maiyak kong sigaw no'ng kinuha niya ang sandals ko at tinapon ito sa kung saan. "Five thousand pesos 'yon! Ilang 'irasshaimase' ang hiniyaw ko sa Tokyo Tokyo para lang mabili ang tinapon mong sandals. Bayaran mo sa'kin 'yon!"

"Wala akong pakialam kung ga'no kamahal 'yon!"

"Ay!" Binuhat niya 'ko sa mga braso niya. Iyong karga na bridal style, nasa harapan ako at nakapalibot ang mga braso ko sa leeg niya. Gosh, a while ago I was just imagining how this would feel like!

T-Teka, bakit niya tinapon ang sandals ko kung kakargahin niya naman pala ako? Kairita!

Habang tumatakbo siya na karga ako, I had the chance to take a close look at his body. Fine chiseled muscles all over! Wow, hindi ako pervert pero they sure look hard.

Nakalimutan ko yatang banggitin ang patuloy na pagsabog ng mga bagay sa paligid namin. Naisipan niyang lumiko at pumasok kami sa isang clothing store na malapit.

"Find some clothes that will fit you and make it fast!" marahas niyang bigkas.

"S-sandali lang! Huwag mo akong madaliin, nakaka-pressure, ha?"

Wala ng mga tao rito sa tindahan. Nag-evacuate na ang lahat dahil sa maraming pagsabog na nagaganap kahit saan kami magpunta.

"Okay, let's see . . ." Pagbalik ko sa kaniya, may dala akong pink skirt at pink top.

Bigla namang nalukot 'yong mukha niya sa inis. "Palitan mo 'yan! Anything but pink!"

"I can't live without wearing something pink!" daing ko.

"Hindi mo ba naiintindihan 'yong dahilan kung bakit tayo narito? We need to disguise you. Kaya kung papalitan mo ang damit mo, make sure hindi ka nila makikilala," kaniyang iginiit.

Eh 'di ano pa nga ba ang mga damit na isinuot ko? Black shirt with black jacket and a pair of black pants. "Gosh, this is so not me!" I sighed.

"Tapos ka na ba? Tara na!" nagmamadali niyang sabi.

"Wait!" Umalis ako sandali at bumalik na may suot na pink belt.

"You really can't live without wearing something pink, can you?!" singhal niya sa harap ng mukha ko.

Feeling his cold breath against my face made my heart pound. Ikinuyom ko na lamang ang aking kamao para pigilan ang kakaibang pananabik na naramdaman ko.

We went out of the shop and tried to blend ourselves in by hiding behind a park bench. Tiningnan namin 'yong helicopter na humahabol sa'min kanina. Mga ilang minuto na rin ang nakalipas simula nang malagpasan kami nito.

Trapped in a CandyWhere stories live. Discover now