unwanted

104 8 0
                                        

"I-I'm sorry M-Mom" pero hindi nya ko pinakinggan. Lagi naman e. Buong buhay ko ni minsan hindi ko nadama ang pagmamahal niya, ang pagmamahal ng isang ina.

"What did you do this time?!" Sigaw sakin ni Mommy. Ang mata nya na puno ng galit. Ano pa nga ba ang bago. Lagi namang ganyan, ni wala pa nga akong ginagawa galit na yan.

"It's n-not what you t-think" sabi ko pero hindi nya ko pinansin at patuloy na tinatahan ang kapatid ko.

Hindi ko naman kasi talaga kasalanan eh. Nasa kusina ako at kukuha sana ng maiinom pero bigla nya kong hinarap sakanya at sinampal.

"Ang landi mo rin ano? Alam mo namang may gusto ako sakanya pero pilit mo syang inaagaw" mahina ngunit pabulyaw nyang sabi dahil ayaw nyang may makarinig ng iba.

Buong buhay ko palagi nalang akong sumusunod sa nais nila. Paano naman ako?

"Hindi ko sya inaakit. Ang sabihin mo mas maganda ako sayo at ako ang napapasin nya HINDI IKAW!" Mataray ko ring sabi. Tinutukoy nya yung boyfriend ko. For once lalaban ako kasi napagtanto ko na masama din pala maging mabait minsan kasi inaabuso na nila.

"Aba sumasag--" bago pa nya matapos ang sasabihin nya umupo sya bigla sa sahig at umiyak. Nanlaki ang aking mata at bago ko pa sya malapitan may bigla sumigaw.

"ANONG NANGYAYARI DITO?!" Sigaw ni mama at linapitan si Trisha.

"Kaya pala" mahinang bulong ko. Kahit kailan napaka husay talagang umarte nito daig pa mga artista kung maka arte.

"Mom she slap and push me" tinuro nya pa ako habang humikbi. I mentally rolled my eyes.

" ANO WALA KA NA BANG GAGAWING MATINO HA?! BAKIT MO NANAMAN SINAKTAN ANG KAPATID MO?! WALA KA NG GINAWANG TAMA!"Sigaw sakin ni Mommy. Linapitan ko sya at hahawakan sana ang kamay nya ngunit bago ko pa mahawakan ang kanyang kamay bigla nya kong tinulak sabay sabing "wag mo kong mahawak hawakan" bulyaw nya. Wala na akong magawa kundi umiyak at magkulong sa kwarto, si Mommy yon eh.

Sakanya lang ako hindi lumalaban at tumitiklop kasi mahal na mahal ko siya. Pero never nyang pinakinggan ang side ko. Lagi nalang si Trisha.

"Paano naman ako Ma, anak nyo rin po ako..."

PAGKAGISING ko palang nakangiti na ako dahil eto ako ngayon katabi ang mahal ko, ang kaisa isang nakaka intindi sa akin. Binigay ko na sakanya lahat  wala eh, mahal na mahal ko sya. Tinitigan at hinaplos ko ng bahagya ang kanyang mukha ng bigla syang magising, nginitian ko sya ng pagkalaki laki ngunit tinabig nya lang ang kamay ko at siniksik ang kanyang mukha sa unan at muling natulog. Nasaktan ako don pero hindi ko na pinansin at ipinag sa walang bahala ko na lamang ito at agad na tumayo para maligo at umuwi na sa aming bahay.


Pagdating ko sa bahay akala ko may magtatanong kung saan ako galing. Kung okay lang ba ako. Kung bakit hindi ako umuwi ng bahay. Akala ko may sasalubong sakin sa pinto upang tanungin ako pero wala. HAHAHA ano nga bang bago? Tumulo ang aking luha pero agad ko iyong pinunasan at ngumiti ulit ng parang walang nangyari.

LUMIPAS ang mga araw hindi ko namalayan isang linggo na pala ng huli naming pagkikita ng lalaking pinaka mamahal ko pero hindi ko alam kung bakit wala man lang syang tawag o di kaya'y text man lang. Kinakabahan ako ngayon ewan ko kung bakit. Kaarawan ko nga pala ngayon muntik ko ng makalimutan. Wala man lang naka alala...

"Ahh baka may surprise lang sya sa akin kaya hindi sya tumatawag" napangiti na lang ako at inisip na iyon ang dahilan kung bakit ako kinakabahan.

Ilang sandali matapos kong mag ayos bumaba na ako at naabutan ko sila Mommy sa kusina.

"Good morninggg!" Masayang bati ko pero hindi man lang nya inalis ang tingin nya sa kanyang binabasang magazine.

The Life Of Being UNWANTED Stories to obsess over. Discover now