I-tres

114 5 0
                                    

***

Sabado ngayon. Wala akong trabaho. Pero pupunta ako kila kapmang. Kukunin ko lang yung sweldo ko. Pero yung mga tip saakin yun. Sa tingin ko naka 100k ako.





"Oh Stella. Andito ka na pala." Sabi niya at bumeso saakin.





"Yes kapmang. Medyo kailangan ko ng budget eh. Para naman makapag-aral na ako ulet." Sabi ko.





"Ah oo nga pala. Bakit hindi ka kumuha ng scholarship. Eh tutal namang matalino kang bata." Sabi niya.





"Kapmang naman. Syempre kukuha ako ng scholarship. Eh diba malay mo magkasakit or maaksidente. Para diba sa mga pwedeng mangyari ba." Sabi ko.





"Oh siya siya. Mukha naman wala akong magagawa. Alam ko namang madiskarte kang bata." Sabi niya at inayos na ang sweldo ko.





Pagkaabot sakin ng sweldo ko ay agad akong nagpaalam. Gusto ko na rin kasing makapagpahinga. Hanggang sa may tumawag sakin.





"Hello sino 'to?" Tanong ko sa kabilang linya.






"Anak... Stella..." Nagulat ako ng biglang tumawag ang babaeng inabanduna ako.






Hindi ako sumasagot at pinakinggan ko lang siya.






"Anak, wag mo na munang ibaba ito. Kahit hindi ka sumagot basta makinig ka lang anak. Stella, matanda na ako at may sakit. Nagkaroon ako ng anak sa naging asawa ko. Yung european. Alagaan mo siya anak. Siya si Louvelle. Anak magkita tayo. Isend mo saakin ang address mo. Kami ng kapatid mo ang pupunta diyan." Sabi niya. At ibinaba ko ang telepono.






Halos mapunit ko ang envelope na may lamang pera. Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung magagalit ba ako, maiiyak, magwawala. Gusto ko murahin siya, saktan siya, at higit sa lahat ibato lahat ng bagay na pinaghirapan ko.






Pero hindi ko magagawa yun. Baligtarin man ang mundo. Ina ko parin siya. Sa tingin ko ay panahon na upang maging malaya na ang puso sa pighati at kalimutan na ang nakaraan.






Oras na para mag-usap kami ng mommy ko. Agad ko ng ibinigay ang address ng bahay ko.







"Weema!" Sigaw ko. Siya ang kasama ko dito sa bahay. Ang naging ina ko all the way. Alam naman niya ang trabaho ko.






"Bakit, Stella?" Tanong niya.






"Maghanda ka ng maraming pagkain. Dadating ang mommy ko at ang half sister ko." Sabi ko.






"Talaga? Okay sige. Mabuti naman at magiging maayos na kayo. Ihahanda ko ang mg specialty ko." Sabi niya at dumiretso na sa kitchen.






"Nga pala Weema." Pahabol ko.






"Ano 'yun?" Tanong niya.






"Huwag kang magsasalita tungkol sa trabaho ko ha." Sabi ko.






"Wala problema nak." Sabi niya at tuloy-tuloy ng nagluto.






Inaayos ko ang guest room ng bahay ko. Simple lang naman ang bahay ko up and down pero may 4 na kwarto 4 cr. At dalawang sala. Yan ang mga naipundar ko. Pero may kulang sa mga disenyo ang bahay ko. Ang graduation pic ko ng kolehiyo. Gustong-gusto ko na talagang magaral ulit. At bumitaw na sa maduming trabaho na ginugusto ko rin naman.






"Tao po.....Tao po......" Narinig ko nanaman ang boses ng nanay ko. Nakaramadam ako ng takot at saya.






"Ako na magbubukas ng gate." Sabi ni Weema.






"Hindi, Weema. Mag handa ka na ng pagkain alam kong gutom sila." Sabi ko.






At agad akong dumiretso sa gate. Nakita ko siya bitbit ang kapatid ko. Pagbukas ko ay agad akong sinalubong ng mainit na yakap ng nanay ko.






"Napakatagal ko nangulila sa yakap mo mommy." Sabi ko at di ko namalayan na may pumatak na luha sa mga mata ko.






"Ate....." Napatingin ako kay Luovelle at agad ko siyang binuhat at niyakap.






"Stella. Pumasok ba muna kayo kumain na muna tayo alam kong napagod ang nanay mo at ang kapatid mo." Napalingon ako nasa pintuan lang pala si Weema.






Agad na kaming pumasok sa loob ng bahay ko at dumiretso na sa dinning area.






"Anak, napakarami naman nito." Sabi ni mommy.






"Okay lang yan mommy alam ko pagod kayo. Kumain na tayo." Sabi ko at kumain na kami.







Mga ilang minuto lang ay unang natapos ang kapatid ko at si Weema. Nagbigay ako ng senyas kay Weema at agad niya namang nakuha.






"Louvelle tara igala na muna kita kwarto mo you want?" Tanong ni Weema.






"Mommy? Can I go with Weema?" Tanong ni Tiffany.






"Sure anak sige." Sagot naman ni mommy. Pagaakyat nina i cut the silence between us.






"Mommy." Sabi ko.






"Anak. Una sa lahat. Patawarin mo ko. Napaka laki ng pagkakamali ko sa iyo lalong-lalo na sa daddy mo. Anak I'm very sorry." Sabi ni mommy na napaluha.






"Mommy, pinapatawad na kita. Tama na yun. Past is past. We really need to wake up na. Itigil nanatin ang sama ng loob." Sabi ko.






Niyakap ulit ako ng mahigpit ni mommy. Na napaluha nanaman ako. Ayaw ko na talaga. Pero ang ayaw ko lang na malaman nila ang trabaho ko.






"Mommy dito na kayo tumira." Sabi ko.






"Naku anak maraming salamat. Nasunugan din kasi kami ng bahay. Kaya humingi ako ng tulong sa iyo." Sabi ko.






"Mommy wala naman problema saakin yun. Basta safe kayo sa poder ko." Sabi ko.






Ngayong kasama ko na ang ina ko. Magiging masaya na ako. Para may gumabay sa lahat ng gagawin ko. At ngayon naman mas masaya dahil may kapatid akong gagabayan.






🔚

END OF CHAPTER 1


mishteryus 💋

Blood in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon