I-uno

147 5 2
                                    

Stella POV











Ako si Stella Baltazar. 22 years old. Maganda. Sexy. (Witwiw) Matalino. Pero hindi nakapagtapos. Ganito kasi yun.





"Umalis na kayo!" Sigaw ni mommy.






"Tiffany? Ano bang nangyayari sayo at pinapaalis mo kami ng anak mo?" Naiiyak na talaga ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.






Biruin niyo sa edad kong ito 15 years old na nangyari iyon. Iiwan kami ni papa. Para saan pa? Ayoko na lang sumagot baka maging suwail pa kong anak.






"Wala na tayong dapat pag-usapan pa Roberto. Sawang-sawa na ako." Sabi naman ni mama.







"Bakit Tifanny? San ba ko nagkulang? TEKA NGA! Porket ikaw ang may magandang trabaho dito wag mo kong maliitin." Sumbat naman ni Papa.







"Pwede ba Roberto! Nakakahiya ka sa mga kabitbahay natin. Wag ka ngang sumigaw." Sagot naman ni mama.







"Bakit hindi ako sisigaw dito na parang ulaga? Pinapalayas mo ko sa bahay na ipinundar ko para sakin. Para satin at kay Stella." Naiiyak na sabi ni pala. Ako hagulgol lang. Habang dinadampot ang mga gamit namin ni papa.







"Tumigil ka na!!!" Sigaw naman ni mama.









"Hindi ako titigil hangga't di mo sinasabi sakin kung bakit mo kami pinapalayas ng anak mo!" Sigaw ni papa habang may paturo turo pa.







"GUSTO MO TALAGA HA? AYAW MONG TUMIGIL. AY----"







"Honey come over here."






Narinig namin ang isang european accent. Lumabas ang isang maputi at may itsurang lalaki at halatang nakasteroids na lalaki.











"Ah yan pala ang pinagkakaabalahan mo. Yang kano mo? Kaya mo kami pinapaalis ng anak mo?! ANG KAPAL NG MUKHA MO." Sigaw ni papa.







"Hey! Whoever you are please get out. You're just bothering our precious time." Sabi ng kano.






Gulat na gulat ako na may kabit pala ang nanay ko. Hindi ako makapaniwala. Porket siya ang laging nagaasikaso ng lahat. Si papa kasi tanod lang dito sa barangay namin.












Blood in LoveWhere stories live. Discover now