Kabanata 13

346 10 4
                                    


Kabanata 13

Napaupo na lamang ako sa buhanginan nang makaramdam ako ng pagod dahil sa haba ng aking nilakad. Pinananuod ko ang pag-uunahan ng alon papunta sa dalampasigan at ang mga taong nasa daga't nagkakasiyahan. Karamihan ay foreigners ang nandito sa mga oras na 'to. Malayo-layo na rin ako mula sa hotel building namin kaya makakapagliwali ako ng konti kasama ang aking sarili. Halos ayokong magpakita sa kanila... Ewan ko, pero ang laswa sa pakiramdam. Kahit ako lang naman talaga ang nakakaalam sa feelings ko pero hindi, e, ang awkward at nakakahiya... Paano ko naisip na gusto nga talaga ako ni Marcos? Bakit ako kumagat ng gano'n-gano'n na lang? Nakakahiya... Siguro tawang-tawa si Marcos at Kuya habang pinagmamasdan ako't kinikilig. Wala naman silang kasalanan, e. Culture na siguro nila 'yung pag-trippan ang mga babae at dapat ako 'yung nag-adjust para sa kanila dahil bagong salta lang ako dito sa Maynila. Baka gan'tong klase nga talaga ang games para sa kanila. At kung iisipin... Hindi naman gano'n karami ang nagawa ni Marcos sa akin, e. Ako lang talaga 'tong assumera. I really feel bad for myself 'ayt now. Halos gusto ko na lamang magpalamon sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan.

Matapos ang iilang sandali ay napagdesisyonan ko rin'g tumayo para bumalik sa hotel suite. I don't have the right to act disappointed and mad at all. May kasalanan din naman si Marcos, but who am I kidding? Unang-una pa lang talaga ako 'tong isip nang isip ng mga bagay-bagay dahil sa maliliit na gesture nya. Kasalanan ko naman talaga at bakit sa kanya ko pa napiling i-divert ang atensyon ko mula kay Kim... All I have to do right now is to shrug this all off. Act normal and as much as possible, don't assume. Paano ako makakasurvive dito sa Maynila kung kay Marcos pa lang tiklop na ako? Frexie, kaya mo pa. Malakas ka at matalino... You can do this.

I was about to enter the hotel's building when I encountered Marcos along the entrance of the building. Hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon, pero nakaya kong ngitian sya like nothing happened. Well, wala naman talagang nangyari sa'min. Ako lang 'tong may problema.

"Saan ka pumunta?" he said in his serious tone. Even his eyes and expression are really serious. What's wrong, Marcos? Why did you have to make me feel so uneasy just by staring at my eyes? This is hopeless.

"May binili lang. Ikaw? Saan ka pupunta?" I casually replied. I'm always been good at acting. I won't be named as the Best Roleplayer of the School's Roleplay for nothing.

"I was about to find you," sagot nya at marahan'g ginulo ang kanyang buhok. I swear to heavens... He should haven't done that... Not now, not here, not in front of me! Damn you, Marcos Suarez!

"Why would you?" I said and laughed a li'l bit. Trying to act normal when in fact, I'm almost near on peeing on my fucking pants just by staring at his brown dazzling eyes. His freaking scent isn't helping at all! I am going nuts! Crush na crush na crush ko na talaga 'tong mukong na 'to!

"What do you mean? You acted so strange there—"

"It was nothing. At h'wag ka nga inglis nang inglis! Nahahawa na ako sa inyo!" and I laughed out. Sobrang galing ko talagang umarte! Grabe! I saw how a small pout formed on his lips while staring at me. He's really playing the game, and he just aced it.

"Nasan sina Ate?" tanong ko. Mas lalo lang kasing lumalalim ang tingin nya sa akin. He's like trying to have a glimpse on my soul. I really don't get him. I'd probably never gonna understand him, like ever. He's like the deepest poetry that nobody could understand, it takes a very fortunate person to go through it and could possibly touch him spontaneously. Parang ang hirap-hirap nya abotin...

"Having breakfast," sagot nya. Napatango na lamang ako at nilampasan sya. I needed to get a way. Mas binilisan ko ang paglalakad papunta sa elevator at nang pipindutin ko na sana ang floor number namin ay agad syang pumasok at sya na ang pumindot niyon. Isinirado nya agad ang elevator and there, I'm stuck with this tall guy and his undying scent. Nasa medyo unahan ko sya pero pinili ko pa rin'g yumuko dahil alam kong nakikita nya ako through the mirror-like surrounding namin. Nagkunwari akong inaayos ang suot kong relos.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Leaving Him ScarsWhere stories live. Discover now