Kabanata 2

137 5 3
                                    

Kabanata 2

Bahagya akong napatawa nang tumakbo si Kuya Gino papunta sa court nang dumating si Kuya Marcos. Labag man sa loob kong tawaging Kuya si Marcos pero dahil kay Ate Sheena, kailangan. Sobrang appropriate kasi ni Ate, hiyang-hiya naman ako 'pag nagpaka-badass ako dito.

Nagtilian ang mga babaeng nakikinuod rin ng first try out ng basketball team nang pumasok si Marcos sa gymnasium. Sikat nga talaga sya. Pinanuod ko ang paglingon ni Kim sa kanya. Kalmado lang sya na para bang hindi captain ng team ang dumating. Ganyan naman sya palagi, e, chill lang. Hindi ko alam kung napapansin nya na ba ako dito, pero sa tingin ko'y hindi pa. Medyo malayo din kasi ako sa kanila and knowing him, wala s'yang pinapansin 'pag nasa loob na sya ng court. Hindi pa rin naman ako handang kausapin muna sya... Nakakaatras 'yung mga ngiting nakikita ko sa kanya. Ewan ko, pero pakiramdam ko'y masisira ko ang mga ngiting 'yun kapag nagpakita ako sa kanya... Mukhang okay na rin naman kasi sya.

Nanatili akong nakaupo sa hindi kalayuang bleacher mula sa kanila habang isa-isang binabatikus ng mga players ang mag tra-try-out. Hindi ko alam kung matatawa ako kay Kuya Gino o ano... Si Kim kasi talaga 'yung binabalik-balikan nya at kinakausap. Nakita ko naman ang pagtawa ni Kim sa sinabi ni Kuya Gino sa kanya, bigla na lamang akong nakaramdam ng nerbyos dahil do'n. Oh, come on, Kuya!

Napahinga ako ng maluwag nang makitang hindi lumingon si Kim sa gawi ko, bagkus ay kininditan ako ni Kuya Gino. Itinaas ko ang aking kamao sa kanya sa ere, tumawa lamang sya.

Nakatutuk lang ang aking tingin kay Kim sa buong panahon. Wala naman'g masyadong nagbago sa kanya... Sya pa rin 'yung lalaking mahal na mahal ko, 'yung matangkad at may nakakatunaw na ngiti... sya pa rin iyon.

"Unexpectedly, pumasok sya." Sabi ni Kuya Gino nang makalapit na ulit ito sa akin. Tapos na ang try-out at nag-aayos na rin sina Kim para umalis, hanggang ngayon ay wala pa rin s'yang kaalam-alam na nandito ako. Hindi ko alam kung ikakagalak ko ba 'yun o ikakadismaya...

"He's obviously good out there, ano'ng unexpected?" Nakataas kilay kong tanong kay Kuya. Napatawa naman sya at umupo sa aking tabi. "I asked him if he have a girlfriend..." Agad akong napalingon sa kanya. "A-Ano raw?" Nauutal kong saad. Nakarinig ako ng maliliit na tawa mula kay Kuya.

"He's taken—for granted daw." Natatawang sagot ni Kuya Gino. Agad akong nakaramdam ng pagsikip sa aking dibdib... Kaya pala tumawa silang dalawa kanina... Did I really took him for granted?

"Well... You're still too young pa rin naman, Frex. Don't take it seriously." Sabi ni Kuya Gino at naramdaman ko ang paghawak nya sa aking balikat. Kung sana ay gano'n lang ka dali ang lahat diba? 'Yung isang sabi lang na 'move on na' mawawala agad lahat ng sakit... pero hindi, e.

"You're my cousin, you should be like me. I never cried over a girl—"

"I'm Ate Sheena's cousin, too." Putol ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nya sa akin. "Sheena's too kind and formal! You want to be like her? She's boring." Aniya na para bang nandidiri sa ugali ng kapatid nya. Tinaasan ko naman sya ng kilay. "Ate's cool. She's sporty and pretty and smart!" Depensa ko kay Ate. Bakit ganyan sya sa kanyang kapatid? Ang swerte-swerte nya kaya kay Ate. Ate's almost perfect.

"I tell you, don't be like her. She's a masochist! She's insanely in love with someone who's obviously won't love her back." Naiiling na sabi ni Kuya. Napatingin naman ako sa kanya. "What?" Nagugulohan kong batid.

"Nevermind. We've been fighting over it for the last years, I just—don't wanna talk about it anymore. Ang tigas-tigas ng ulo nya," Sabi ni Kuya Gino at ginulo ng konti ang kanyang buhok. Nanatiling nakakunot ang noo ko... Is it possible? I mean, ang ganda kaya ni Ate tapos meron pa palang hindi magkakagusto do'n?

Leaving Him ScarsWhere stories live. Discover now