Kabanata 7

105 4 0
                                    

Kabanata 7

Pinanatili ko ang iilang metro'ng gap namin ni Marcos. Halos lahat kasi ng babae ay napapalingon sa higanteng naka-pink shirt na nasa aking tabi. Hindi ko alam pero kung ibang lalaki siguro ang nagsuot ng pink shirt ay magmumukhang bakla, pero ba't sa kanya ang cool tingnan? Mas naging attractive sya sa mata ng lahat. Mas lumayo lang ako lalo sa kanya nang magsimulang magsidagsaan ang mga babae't bakla sa kanya. Nakita ko ang pagsama ng tingin nya sa akin. Ngumisi lang ako ng pilit sa kanya.

Ang sabi nya kasi kanina sa akin ay h'wag na kaming pumasok sa mall, at maghanap na lang kami ng resto sa labas, pero mapilit talaga ako, e, hindi naman kasi sumagi sa utak ko na dahil pala 'to dito... Na dadagsain sya.

Bahagya akong napatawa nang nakawan sya ng halik ng isang bakla. Gusto ko sana'ng humalakhak ng bonggang-bongga pero baka sabunutan ako ng bakla kaya mahinang tawa lang ang magagawa ko. Matapos nya'ng i-entertain ang iilang fans nya ay nag excuse na sya sa mga 'to at lumapit sa akin. Nagulat naman ako do'n at agad na nagtago ng mukha mula sa mga fans nya. "Labas na tayo," Mahinang sabi nya sa akin at nauna nang maglakad, mabilis naman akong sumunod sa kanya.

He looks pissed. Baka dahil 'yun sa halik ng bakla o ano...

"If it's not for Sheena, I'll never agree in this fucking sports ambassador thing," Rinig kong sabi nya habang naka-igting ang panga.

"So, bakit ka pumayag?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa parking lot papunta sa kanyang sasakyan.

"She's a med student but she's insane about sports and so she entered this bullshit and it's kinda of Sports Management and it includes athletes na magiging ambassadors nila. We need to be a good example to everyone and it includes invading our—somehow, our personal lives... Her agency knew about our connections and they fucking use it for getting me. Hindi nga ako pumayag sa ex ko dati tapos ito, napasubo ako."

Nakita kong pinagbuksan nya ako ng pinto sa sasakyan. Napakunot ang noo ko. Ba't ang bait nya ata ngayon? I watched him as he jog towards the driver's seat.

His car's scent is obviously his smell. You could easily determine it at mapapasabi ka na lang talaga "Ah, kay Marcos 'to," May signature smell kasi sya sa lahat ng bagay na pagmamay-ari nya. He's really an organize man.

"Ano'ng sport ba ang nilalaro ni Ate?" tanong ko sa kanya. He started the engine in a swift.

"You mean sports? She plays a lot,"

"Ano-ano?" Mas lalo ko lang ni-admire si Ate dahil do'n. She's a dean's lister—uno lahat ng grades nya, maganda, sexy, matangkad, mabait... Ano pa ba ang wala sa kanya?

"Badminton, volleyball, tennis, golf, and who knows what else more," Napatango-tango naman ako habang ini-imagine si Ate na nilalaro ang mga 'yon. Tulo-laway siguro ang mga boys.

"Isn't she the hottest?" Bigla ko na lamang tanong kay Marcos. Narinig ko naman ang paghalakhak nya.

"I would rather—coolest." Natatawang wika nya.

"Alam kong medyo weird... Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang real name ng mga pinsan ko, nakakalimutan ko kasing i-tanong tapos wala pa silang facebook account," I said while pouting. I saw how Marcos raised his right eyebrows at me.

"Well... Gino's legitimate name is Genius, Sheenuile for Sheena. Get now?" Nakangising sabi ni Marcos. Napatango-tango naman ako at "Ang astig pala ng real name nila? Ang akala ko talaga totoo 'yung Gino at Sheena,"

"Gino didn't like his name since he's not brilliant naman daw, at 'yung kay Sheena naman ay parang shortcut, kaya ayan,"

"I don't know if it's okay to ask this... Pero saan nyo nakukuha ang pera nyo? Ang alam ko lang ay kano 'yung daddy nina Ate pero sobrang yaman naman ata? Pati kayo ang yaman nyo rin! Halos lahat naman ata na nasa subdivision'g iyon ay mayayaman. Nakahukay ba ng gold ang pamilya nyo?" Dire-diretso kong tanong habang nakatingin sa kanya ng seryoso. Nakita ko ang pagkunot ng noo nya pero unti-unti din itong humalagpak sa tawa. "Ay, baliw," kumento ko.

Leaving Him ScarsWhere stories live. Discover now