8. Raven

23.7K 1K 250
                                    

Cassy's Point of View

Cassy's Point of View

JUST as what I thought. Pero papaano napunta ang isang ogre sa lugar na ito? This is too far from their usual habitat. At isa pa, kung may ogre na namamalagi rito, nalaman at nakita na sana ito ng academy. Darn, paano ba talaga napunta rito ang halimaw na 'to? Na-alerto ako nang humakbang ito palapit sa amin. Kaagad kong iniharang ang magkabilang kamay ko para protektahan ang mga kasama ko.

"Stand back, idiots, I'll handle this one."

Alleyn took a step forward and held my wrist. "You're sealed, Cassy, it's too risky. Let's just run and ask for some help."

Inalis ko ang kaniyang kamay. "Run? Where? Where do you want to run, Alleyn? We have nowhere to run, because we are lost in the first place."

"Bahala na kung maligaw tayo, basta ang importante ay makalayo tayo sa ogre na 'yan," sabat naman ni Evagne, na ngayon ay kitang-kita na ang takot sa kaniyang mga naluluhang mga mata.

"We can't run. Kung gusto n'yo talaga, then go, but I will stay here. Haharapin ko ang halimaw na 'yan with or without mana." Hindi ko na sila pinansin at naghanap na ako ng maaaring gamitin para ipanlaban sa halimaw. Pero natigilan ako nang hablutin ni Evagne ang kamay ko.

"C-Cassy, t-tara na!" His voice cracked and beads of water started rolling down from his eyes. "P-Papatayin tayo ng halimaw na 'yan!"

"Shit! May issue nga pala si Evagne sa mga ogre!" sabat ni Sapphire. "Please, Cassy, tara na!"

"I will stay," matigas kong sambit. "Idiots!" kaagad kong pinulot ang sanga ng puno. Puwede na 'to. "Tumakbo kayo kung gusto n'yo, but I will stay here and that's final." Damn you, idiots, bakit ba hindi n'yo makuha ang gusto kong sabihin? I want to buy you some fuckin' time to escape!

"Tara na," sabat ni Cristof. "Naiintindihan ko na kung ano ang gustong ipahiwatig ni Cassy," dagdag niya bago hinila ang iba.

"Ano bang gusto niyang ipahiwatig?" kunot-noong tanong ni Sapphire.

"She wants to buy us enough time to escape," sagot nito. "She's saving us."

Lihim akong napangiti. Sa wakas, may nakakuha rin ng point ko. "Save your ass. Huwag kayong mag-assume. I just want to test kung kaya ko bang patumbahin ang halimaw na iyan kahit na wala akong mana," pagsisinungaling ko. "Now, run, dahil magiging pabigat lang kayo."

The ogre growled and started walking toward us. Napahigpit ang hawak ko sa sanga. "RUN!"

Wala silang nagawa kundi ang tumakbo, dahil hinila nina Cristof at Evagne ang dalawang babae. Nang mawala sila sa paningin ko ay pinagmasdan kong muli ang ogre. Kanina pa ako nagtataka sa ikinikilos nito. Natural na mabagsik ito, pero ngayon, it seems like it's scanning and observing me.

Itinutok ko sa kaniya ang sangang hawak ko nang muli itong umatungal. "Let's see who will fall on the ground." I was about to attack it, when someone popped out in front of me and pushed me away. Darn, I almost kissed the ground! Tiningnan ko kung sino ito at napataas ang kilay ko nang maramdaman ko ang kakaibang lakas nito. I scanned the back of this tall and masculine man standing in front of me who has this pale complexion that compliments his silvery hair.

"I'll handle this," malamig nitong sambit.

"No. I will," I insisted. I was about to take a step forward when a big luminous white magic circle appeared from where he is standing. Naglabas ito ng malakas na aura dahilan para bahagyang humangin sa palibot namin. Who is this man?

Light of Darkness Where stories live. Discover now