Huminga ako nang malalim. Nandito na naman kami sa usaping ito. Ito talaga nakakawala ng pagkamasiyahin ko, e. "Alleyn, kahit na tumalino man tayo nang sobra, hindi pa rin tayo aangat dahil mahina ang mana natin. Ilang beses na 'yang isinaksak sa kokote natin ng ibang estudyante." Tumingin ako sa labas bago ngumiti. "Tanggapin na lang natin ang katotohanan na mahina talaga tayo."

"That's pure bullshit," sabat ni Cassy na ikinabigla naming lahat. "Just because people tell you you're weak, it doesn't mean its true."

"Totoo 'yon, Cassy," sambit ni Sapphire na parang iiyak na.

"No it's not. Everyone starts from being weak," sagot niya bago kami tiningnan isa-isa sa mata. "Mages like us have the ability to absorb the magic particles in the air. That's what makes us special compared to normalises who don't have that ability."

"Anong gusto mong sabihin?" tanong ko.

"You lack proper training. Since you are in the last section, instructors tend to ignore training you," aniya. "What you need to do is to improve your ability to absorb magic particles. And after that, I'll teach you how to weild mana properly."

Hindi ko maintindihan pero bigla na lang nag-init ang sulok ng mga mata ko. Putangina lang, naiyak na ako nang tuluyan nang umiyak si Sapphire.

"Cassy! Salamat!" ngumangawang sambit nito at halos yakapin na si Cassy.

"Tss. Don't you ever dare think that I care for you. Because if you do, I'll kill you."

Natawa na lang kami sa sinabi niya, dahilan para mainis siya at ituon ang atensyon sa labas habang mahina kaming minumura.

"I really like the way you care for us, Cassy," sambit ni Alleyn bago hinawakan ang kamay niya.

Nabigla naman si Cassy at inilayo ang kamay nito. "I-I d-dont care for you, idiots. Y-You just look pathetic and stupid, and I hate stupid people! And you stupid people, being my classmates, will surely make my life hell, that is why I am getting rid of your stupidity!"

"Sabi mo, e," naiiling at nakangiting sambit ni Cristof.

"Sinabing wala akong pakialam sa inyo!" namumulang sambit niya bago namuo sa palad niya ang maliit na kulay lilang bola na pinapalibutan ng itim na kidlat. "Shut up or I'll hit you with this!"

Nagtawanan lang kami sa inakto niya. Hindi man niya sabihin, nakikita naman namin na napapalapit na siya sa amin. Iba ka talaga, Fifth Honor.

✂---

"ANG ganda!" sabay naming sambit ni Sapphite habang nakatingin sa Naian Lake. Puno ang lawa ng mga kumikinang na lotus na naglalabas ng puting alikabok. Sobrang linaw rin ng tubig, dahilan para makita namin ang mga isdang malayang lumalangoy sa tubig.

"Mamaya na 'yan. Tinatawag na tayo para sa final instruction," sambit ni Alleyn bago ako hinila palayo sa lake. Dinala niya ako papasok sa gubat kung nasaan ang iba pang estudyante.

"Dito!" tawag sa amin ni Cristof.

Nang makalapit kami ay nagsimula nang magsalita ang head instructor namin. Lahat sila ay seryosong nakikinig. Pero wala akong pakialam sa dinadada ng instructor namin. Hindi ko naman iyon naiintidihan.

Light of Darkness Where stories live. Discover now