Chapter 40: Peelist Phyllis!

Zacznij od początku
                                    

"By the way, I'm Phyllis" nakipagshake hands naman ako nang bigla naman nanlaki ang mga mata ko. Kasabay naman ang mga kasama ko. Bigla rin naman namin nalapit ang mga mukha namin sakanya. As in Phyllis din yung name niya? Weird?

"Kidding! Pervist Vince! That's me" kindat naman niya samin at napatango naman kami. Akala ko ba naman Phyllis number two ito. Pero ugali palang Phyllis na Phyllis na.

Hinigitan naman ng tatlo ng tingin itong si Pervist na parang ihohot seat ata siya.

"Ikaw yung Captain ng basketball team diba?"

"Top swimmer sa swimming team?"

"Tapos janitor ka? Na may kotse?"

As in tadtad na tadtad ang katanungan sa Pervist na 'to. Kahit ako may gusto akong idagdag e. Pero nasagot na niya yung hinahanap kong sagot mula sakanya. Pero sino naman kaya yung target na sinasabi niya?

"Sure bros. Yes yes and yes! Ako nga yung tinutukoy niyo" ang hangin naman niyang tingnan. Ewan ko ba pero para kasing may mali sa lalaking 'to e? Yun bang halatang pinagpractisan yung pagkakausap niya samin. Nako tapos ang feeling close pa! Para bang may tinatago. "Ahh bakit ka pala nakaputi kanina na parang power rangers?" bigla naman kaming titig na titig sakanya. Ayun yung hinahanap pa naming sagot kanina e.

"Ah yun ba----- Kas----"

"Phil bro anu ba? Wag mo nang hanapin yung Pervist na yon?!"

"Hindi e! Humanda sakin yon" muli naman kaming napatingin sa narinig naming sigawan mula kay Phyllis at Exodus. Pero napatingin din samin ang dalawa. Masyado atang nagpapadalos dalos si Phyllis. Pero nagulat naman ako dahil imbis na bubugbugin niya yung si Pervist ay bigla nalang niyang hinalikan! OMYGAD! Yung mata ko! Mas lalo naman nanlaki yung mata ko sa nakita ko.

"Skype! Tulala ka ata diyan!?" nagulat naman ako nang bigla akong binatukan ni Phyllis. Este ni Pervist. Masyado naman talagang FC 'tong lalake to. Bakit ba siya ganito? Pero mas nagulat ako nung nakita ko si Phyllis dito sa harap namin. Nandito nga talaga siya, naiimagine ko lang yung kiss thingy errrr! Bakit ba ang absent minded ko ngayon? Magulatin din ako ngayon? Anong meron?

"Hoy wag na wag mong sinasaktan 'tong patatas ko" ayos makapossessive 'tong si Phyllis ah? Bigla ba naman akong akbayan matapos akong ipagtanggol. Loko talaga 'tong Phyllis na 'to. Nagpapakaauthentic na nga talaga 'tong Peeler Jerk na ito. Bigla namang bubugbugin ni Phyllis sana si Pervist pero bigla ko naman siyang hinarangan kaya ouch!

"Bakit mo 'ko sinapak? Ang sakit nun ah?!" sigaw ko. Alam ko naman ang sasabihin niya sakin e.

"Paharang harang ka kasi e!" see? nabasa na ata niya yung isip ko. ANg sakit kasi talaga. Tapos mukhang dumugo pa ata yung labi ko. Ang sakit talaga. Pero ito namang Pervist na 'to tumawa pa. Nakakawalang gana naman ata 'tong lalakeng 'to. Tawanan ba naman kaming dalawa ni Phyllis?!

"Hoy tigilan mo yang kakatawa mo----" napakatigas na ata niya yung kamandag nito ngayon. Ano bang problema nitong lalakeng 'to ngayon? Wala naman akong nagawa kundi gumawa ng paraan. Arrrrgh! I hate to do this but----

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz