52. Undetected

Magsimula sa umpisa
                                    

Humakbang ako palapit sa circular platform. Nagsimula nang uminit ang gilid ng mga mata ko. Ilang metro bago ako makapasok sa mas malaking circular layer ng platform ay tumakbo palapit saakin sina Brit at Zia kasunod sina Sheryl, Allen at Reid. The kids were crying but Allen and princess Kristell managed to take them. General Rumac tapped my back and gave me a condoling stare. Nayakap din ako ni Reid na naluluha at ni Souk na hindi na napigilang umiyak.

"It's been a pleasure fighting with you Allison," Souk sadly uttered as she wiped her tears.

Humagulgol naman si Sheryl habang pahigpit na pahigpit na yumakap saakin. I know how painful it is for her to let go of me especially that she has considered me as her sister. "Ate, please live. Please..."

"I wish I could Sheryl. I wish I could. If I do not manage to survive this annihilation, can you promise me to take care of the kids. Look after them. Protect them from any harm?"

Tumango si Sheryl saka muling yumakap. "I promise."

"Allison," muling tawag ni Charles mula sa platform. May lungkot sa boses ng binatang prinsipe na marahil ay naiintindihan din ang pagluluksa ng karamihan.

Humakbang ako pasulong nang tuluyan nang kumawala ang umiiyak na si Sheryl mula sa aking yakap. Pakiramdam ko'y bumibigat ang mga binti ko habang papalapit ako ng papalapit sa platform. My chest. My chest can no longer feel pain as it was choked by the sorrow and lament that lingered inside it. Sinubukan kong bumuga ng hangin para maibsan ang paninikip ng dibdib ko pero walang nangyari. 

Isang hakbang bago ako tuluyang makapasok sa unang layer ng circular area ay humarang saakin ang isang bulto ng lalaking nakasuot ng itim na jacket. Bagsak ang mga balikat nitong humarap saakin. 

His scent told me it was Levi. Malungkot ang mga mata nitong nakatitig saakin nang tanawin ko siya. His hands managed to hold my shoulders. I felt his heavy breathing on my face. "I will ask you once Allison, are you sure you are doing this?"

Napapikit ng mariin ang mga mata ko. Alam kong sa oras na ibigay ko sa kanya ang desisyon ko'y wala na itong magagawa kundi sundin iyon. Nang imulat ko ang mga mata ko'y nakayuko ito at nakapikit ang mga mata. "This is what should be done Levi. For the kids. For your father. For the greater good." Napaawang ang mga labi ko. I heaved a heavy breathing. "I am sorry I broke your heart. I'm so sorry."

"It's still broken Allison. It was never your fault for loving Alec." He twitched his lips as he began to cry again. A tear fell from his left eye and rolled down his handsome cheeks. "I admit you broke my heart once... Now you're crushing it and that leaves me nothing but pain"

I wept then whispered, "Please take care of the kids."

He released a deep sigh. Then he let go of my shoulders and step aside making way for me. To my death. "I will." He said shortly.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako humakbang papasok ng circular platform. Pagdapo ng mga paa ko sa bilog na metal na 'yon ay kuminang ang mga bahagi nito na parang isang makinang biglang nagkabuhay dahil sa kuryente. Seryosong nakatingin saakin ang mga channels. Naramdaman ko ang paghigop ng lupa sa kalamnan ko lalo na nang makapasok ako sa ikalawang circular layer.

Gumapang ang mga kuryente sa paligid ng platform. Tuluyang nagliwanag ang bawat bahagi ng deportation area. Nagmistulang isang malaking makina ang mga metal na bahagi ng deportation area. Lumindol ng bahagya kahit hindi pa man ako nakakadapo sa dark plate na nasa sentro ng platform.

The channels started feeling heavy as I started taking steps towards the center. Nagulat ang lahat nang hilain ng circular plate na kinatatayuan ni Rachelle ang kakambal nitong si Russell. The circular plate made the twin share one silver plate leaving one plate vacant. Nagsimulang umugong ang platform na parang isang makinaryang pinagana ng malakas na enerhiya.

Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon