10. Split Emotions

32.9K 1.5K 142
                                    

Natapos ang pagpapakilala sa limang bagong recruits ng kaharian ng Claremur. Pagkatapos ng nakakagulat na paglitaw ni Brit ay parang hindi ko na alam kung paano paplanuhin ang pagtakas sa kaharian kasama si Pea.

Nagbago ang plano at hindi ko alam kung magugustuhan ito ni Pea.

Ang unang balak talaga namin ay makapasok sa isa sa pinakamalakas na kaharian. Mas malakas, mas malaki ang tsansang mabuhay pagkatapos ng quarterly clash. Ang Bartsville, Chelsee at Waguner, ayon kay Pea ang tatlo sa pinalamalalakas na kaharian ngayon. Wala sa nabanggit ang Claremur kung saan kami napadpad. Handa na kaming planuhin ang tangkang paglalayas sa kaharian pagkatapos ng gabing ito pero sa biglaang pagsulpot ni Brit, tila umatras lahat ng tapang ko at nagulo ang planong dapat sana'y magsasalba saamin.

Anong gagawin ko? Paano ko maitatakas si Brit ng hindi siya nasasaktan? Paano kung ayaw umalis ng bata dahil parang isa siyang prinsesa kung ituring ng buong kaharian? Papaano ko ipapaliwanag kay Pea na nagbago na ang plano?

Napakaraming tanong, wala ni isang siguradong sagot.

Napasinghap ako ng hangin habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid sa may veranda ng bulwagan kung saan ginanap ang pagdiriwang. Saktong uulitin ko pa sana ang paglanghap sa sariwang hangin nang makarinig ako ng mga papalapit na yabag.

Mula sa gilid ng aking kanang balikat ay pasimple kong tinanaw kung sino ang dumating. Si Alec, na may hawak na basong may laman ng red wine. Hinahangin ang buhok nito at nakatanaw sa malayo na tila sinusuri kung anong tanawin ang nagpapaabala saakin sa oras na 'yon.

"You suddenly disappeared from the crowd," he sounded bemused. Hinuha ko'y lumagok ito sa baso ng alak bago nagpatuloy. "The masters are looking for you. Hindi ka na nila nakita pagkatapos kang ma-introduce."

Napakapit ako sa sinasandalang bato, saka bumuga ng hanging kanina pa bikig sa aking lalamunan bago nagsalita. "I needed some fresh air. We all need air when we feel like choking."

He chuckled, soft and alarming. "That sarcasm you bear is charming, in a way, I'm drawn to it," natatawa nitong sabi saka pinaikot-ikot ang natitirang alak sa kanyang baso bago nilagok. He let his tongue brushed his own lips for the wine's aftertaste. Napansin ko iyon nang sinulyapan ko siya ng mabilisan. "Nobody wants to be choking dead if there is freedom. Hindi madaling mabuhay dito, but no one has a choice," he paused, "you changed plans because of Brit?"

Nagulat ako sa huli nitong sinabi. Bigla akong napatingin sa kinatatayuan nito at sumalubong saakin ang mga titig niyang nangingilatis. Hindi ako nakapagsalita. His gaze kept me frozen.

"I can't read minds Ali but I can tell how much I intimidate you. I can also tell how much you're attracted to me and how hard you hide that attraction. I can tell how bad you are at lying. Peatrice told me all your plans," he paused again, his face almost covered with total disappointment. "I tortured her, yes. It's my job to keep the best people for this kingdom."

"Walang hiya ka!" napasigaw ako. Pinilit kong kontrolin ang galit ko pero pakiramdam ko'y nakita 'yon sa namumula kong mukha.

"Pea is fine. Wala siyang galos. Kahit tignan mo pa." Inilahad pa nito ang kaliwang bisig patungong bulwagan para masilayan kung nasaan si Pea. "She just needs to learn her lesson. And you..."

"What? Anong binabalak mo saakin? Where is Brit?"

"You need to get inside," utos nito. "Brit might be sleeping now. Maaga siyang dinismiss. She needs to grow fast."

Katahimikan.

"Anong plano niyo kay Brit? She's not supposed to be here," angil ko. Hindi ako sumunod sa kagustuhan nitong pumasok na sa bulwagan.

Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]Where stories live. Discover now