43. The Lucas Journal

17.8K 925 95
                                    

Naiwan ako sa puntod ni Pea habang ang iba'y paalis na. Magpapatuloy na kami papuntang Claremur kung saan naghihintay sina Alec at ang mga bata. Pinahid ko ang mga luhang kanina pa walang tigil na umaagos sa aking pisngi saka ako nagpaalam sa kaibigan ko, "Pea, I feel bad you did not mean what you promised before. That we should stick together. Masakit na iniwan mo kami, without a sight of what's going to happen -if your sacrifices were worth it. Patawarin mo ako kung napagdudahan kita. Hindi ako perpektong nilalang at hindi ako perpektong kaibigan; pero yung pagmamahal ko sa'yo, hindi 'yon nabawasan simula no'ng naging magkaibigan tayo. I wish you forgive me," Napasinghay ako ng malalim. Bagsak pa rin ang balikat ko habang nakaharap sa puntod nito na pinatungan ng mga bato at wild flowers. 

"Alison!" tawag saakin ni Allen na ilang metro na ang layo saakin. Sumenyas itong sumunod na ako. 

Tumango ako saka muling bumaling kay Pea, "Since you're gone, I promise to do everything para hindi masayang ang sakripisyo mo. What shall be done must be done Pea. I swear on your grave."

 Tahimik kong tinahak ang kagubatan kasunod ng aking mga kasamahan. Tumatakbo pa rin sa utak ko ang mga kaganapan simula nang makilala ko si Pea. Nasagi ng memorya ko ang mga huling sinabi ng babae, ang libro at ang kasagutan sa lahat ng mga katanungan. Kinapa ko ang journal na nasa bag ni Pea. 

Minabuti kong buksan iyon at simulan nang basahin. 'Alison Irina', kinilabutan ako habang binabakas ang mga guhit ng letra sa aking pangalan. Iba na ang dulot nito saakin dahil sa nangyari ang sinabi ng yumaong si Peatrice. Unang pahina pa lamang ay halos manginig na ako kahit na ang nakasulat lamang doon ay ang katagang 'The Lucas Journal'. Naalala ko si amang Lucas kaibayo ng nerbyos ko. 

Sa pangalawang pahina ay isang hand-written article mula kay amang Lucas na nagpapaliwanag kung ano ang mga alius at kung papaano sila nagmula. Ang pinakaunang mga alius at kung paano sila namuhay ng sikreto sa pamahalaan ng Alpha. Nabasa ko ang pangalan ni King Peter III at ang pamumuno nito sa Alpha, Beta, Cappa at Delta.

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa mga sumunod na pahina. Doon isinalaysay ang pagdakip sa hari at ang umusbong na rebolusyon ng mga taga Alpha. Naitala din sa mga pahinang ito ang mga nadakip na alius, ang kanilang mapanganib na mga kakayahan at kung paano sila pinaslang. 

Dahil sa naging interesado ang gobyerno ng Alpha sa kakayahan at katauhan ng mga alius o mga nilalang na may pambihirang kakayahan, gumawa ng isang malaking eksperimento ang Alpha gamit ang genetics ng mga unang henerasyon ng Alpha. Daan-daang genetically modified organism na may anyo at kakayahang mag-isip gaya ng mga tao at alius ang inimbento. Lahat ng mga ito ay ipinadala sa lumulutang na isla ng Delta upang ipakita sa mga mamamayan ng Alpha na naroon na ang mga alius at hindi na sila makakapaminsala pa sa lower ground. 

Ang mga mamamayan ng Delta ay bahagi ng imbensyon ng Alpha? Ibig sabihin ay hindi sila totoong tao o alius? Pero bakit?

Nasagot naman ang katanungan ko sa mga sumunod na talata. Ayon sa sinulat ni amang Lucas, nagsimulang pagkakitaan ng gobyerno ng Alpha ang isla ng Delta. Taon-taon ay nagpapadala sila ng mga criminal at mga nahuling tunay na alius upang maging bahagi sa quarterly clash kung saan magpapatayan at mag-uubusan ang anim na kaharian. Pinapalabas sa telebisyon ng bawat mamayan ang mga kaganapan sa digmaan sa Delta. Bahagi ng sinisingil sa buwis ng mga mamamayan ang pagpapalabas ng patayan. Kada quarterly clash ay sapilitang pinapupusta ang bawat pamilya kung saang kaharian sila pabor na manalo. Sa madaling salita ay naging sabungan at pasugalan ang Delta. 

Isang grupo ng mga nagtatagong alius sa Alpha kasama ako ay bumuo ng isang plano para pabagsakin ang Delta. Mula sa salinlahi ni King Peter III, nakabuo ang grupo ng mga scientist na pinangungunahan ni Dr. Gramaj ng anim na nilalang na makakasira sa buong isla. Tinawag silang channels and core. Ang mga channels ay mga alius na may kakayahang wasakin ang bawat sulok ng Delta, nasa kanila ang dugo at kakayahan ng mga sinaunang alius. Sa tulong ng nag-iisang core na nagmula sa lahi ng sinaunang alius na si King Peter III, matatapos na ang patayan sa Delta.  

Napakapit ako sa punong nasa harapan ko dahil sa nalaman. Hindi ko makontrol ang paghinga ko. Mukhang tama ang panaginip ko. Mukhang mangyayari ang nasa panaginip ko. Kadugo ko si King Peter III, si Dr. Gramaj at si General Carlisle Gramaj? Kaya ba ako tinawag na destruction? 

The core and the channels were soon discovered by the Alpha government. Kaya mas nagpursigi silang tugisin ang mga natititirang alius sa lower ground. Naging quarterly clash living trophy din ang mga channels at core para masigurong lahat sila ay mamamatay sa bawat digmaan upang hindi na makapaminsala sa lahat ng plano. 

I silently read the next part of the journal, si Alison Irina ang pinakahuling core mula sa lahi ni King Peter III. Sa oras na mabuo niya ang limang channels ngayong taon ay malaki ang chansang maisasagawa na ang planong ilang dekada at ilang ulit nang isinusulong. Ang deportation are kung saan nakalagak ang main c-

 Hindi ko na naituloy ang babasahin ko dahil sa biglang pagtakip sa bibig ko ng isang estranghero. Pumalag ako at nanlaban pero nang marinig ko ang boses nito'y kusa akong tumigil. 

"Alison, it's me." tipid na untag ng lalaki habang nakayakap ang isa nitong bisig mula sa aking likuran. "It's me, you're safe." malambing nitong bulong sa puno ng aking tainga. 

"Levi!" tawag ko saka umikot para harapin siya. Halos magdikit ang aming mga mukha sa sobrang lapit niya. Napatitig ako sa mukha nito. Makisig pa rin ang itsura nito. 

"You should not go Alison." seryoso nitong sambit. Nagsimulang bumakas ang pangamba sa mukha nito. "I don't want you to go."

Naguluhan ako sa sinabi ng lalaki. Napakunot ang noo ko habang sinusubukang intindihin kung ano ba talaga ang nais niyang tumbukin. Naisuksok ko ang journal sa bag ni Pea bago nagsalita, "Levi, anong gusto mong sabihin? Hindi kita maintindihan."

Umiling-iling ito. Natampal nito ng bahagya ang pisngi. Marahil ay gulong-gulo ito kaya halos hindi madiretso ang sasabihin. "Come with me. Please? Just for a while. Kailangan lang kitang masolo kahit saglit lang. Sasamahan kita pabalik ng Claremur."

Kilala ko ang lalaki. Mukhang mahalaga nga ang sasabihin nito. Naisip ko ang mga kasama kong ilang metro lang ang layo sa unahan. "We are headed to Claremur with the other channels Levi. Nahanap ko na ang mga sagot. Malapit nang matapos ang lahat."

"Yon na nga Alison. Pea is dead and many of us will be. That's why I need to talk to you and you need to come with me. Kahit saglit lang! Run your chains to your channel and tell them you're with me. That you're safe with me kung 'yan ang inaalala mo."

Pinanood ako nito pagkatapos. Gulong-gulo man ay sinunod ko ang sinabi nito. My chains travelled like bullets reaching the channels, Reid and Allen. Noong una'y tumutol pa si Charles at Quattro pero nang sabihin ko ang dahilan ay naunawaan naman nila. Hinayaan nila akong sumama kay Levi pansamantala. 

Nang matapos ang pakikipag-usap ko sa mga kasamahan ko ay saka ko muling bumaling sa balisang si Levi. Hindi matanggal sa mga mata nito ang mukha ko. Muli itong umiling ng marahan. 

"So what now Levi?"

Muli itong lumapit saakin at mabilis na hinawakan ang magkabila kong balikat. He riveted his gaze on me like it's the last moment he can afford. He rubbed my shoulders and began to speak. "You can't go with the channels Alison. I won't let you do what you're ought to do."

"What? Why?"

"You can't die. I can't let you die."

###

Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن