1. Banished

100K 2.4K 289
                                    

Normal ang pamumuhay ng lahat noong si King Peter III pa ang namumuno sa apat na rehiyon ng Lotus: ang Alpha, Beta, Cappa at Delta.  Payapang nabubuhay ang mga tao kasama ang mga alius o mga nilalang na biniyayaan ng pambihirang kakayahan. Tanda ko 'yan noong musmos pa ako. Malaya akong nakakapaglaro kasama ang mga normal na bata. Tahimik ang pamumuhay nàamin ng aking ina.

Ngunit.

Nagbago ang lahat nang nagkaroon ng rebolusyon ang mga taga-Alpha at sapilitang pinatalsik ang dating hari ng Lotus. Biglang nawalang parang bula ang hari at ang pamilya nito. Napalitan ng bagong pinuno ang supreme land na Alpha. 

Kasabay ng pagbabagong iyon ang pagtugis sa mga katulad namin. Tinuring kaming panganib sa buhay ng mga mortal. Karamihan sa mga nanlaban saamin ay pinaslang. Ang ibang sumuko sa bagong gobyerno ng Alpha ay ipinadala sa floating island na tinatawag nilang Delta -ang lupain ipinangako para sa mga deathbound na katulad ko. Isang lupaing hindi ko pinangarap puntahan...

LOTUS Island 707, an isolated island of the city Alpha

"How did we exist? Bakit sa kasalukuyan ay hinahabol at tinutugis tayo ng Alpha?" 

Pagpapatuloy ko sa kalagitnaan ng discussion sa harap ng limang bata na edad apat hanggang walo ang tinuturuan ko. Mga bagong alius na naligtas na naman ni amang Lucas mula sa mapagmalupit na kawal ng Alpha. Kahit papano, sa loob ng dalawang buwang paninirahan nila sa tagong isla ay napamahal na ang mga ito saakin.

A powerful earthquake produces a substance that can change and evolve the human brain. Someone with a specific brain mutation becomes remarkable. So they might employ more of their cognitive power than planned.

The alius, or first-generation, were deadly and posed a threat to humanity. The government developed anti-alius weaponry. Because the alius still outnumbered the ordinary, the first through fifth generations were exiled to the city of death known as Delta.

"Alison? Ba't di na lang tayo dito tumira? Mababait naman tayo ah?" little girl Zia asked. 

Kulot ang buhok nito na pinahaba ng apat taon. She has dark brown eyes that can manipulate the movements of every single matter. Naunang kinakitaan ito ng specialized telekinesis nang sanggol pa lang at itinapon ng magulang sa takot na baka pati sila ay tugisin ng mga Alpha army. Napulot ito ni Amang Lucas sa isang ilog malapit sa islang kinalalagyan namin.

"We can live here. Basta walang lalabas sa islang 'to, lahat tayo ay ligtas." I faked a smile. 

Alam kong isa na naman yung kasinungalingan. Napansin kong nakamasid si Levi, ang nag-iisang anak ni amang Lucas na kababata ko rin. He seemed disappointed. Marahil ay ayaw nitong pinapaasa ko ang limang bata sa aking klase na maari kaming mabuhay ng normal kasama ang mga taga Alpha.

"Teacher Ali, who are the first generation alius? Anong ginawa nila at nagalit ang Alpha government kaya sila pinatapon sa Delta?" Seven year old Ivy asked. 

Isa siyang batang may singkit na mata. Mausisa ito, matalino, at may kakayahang kausapin at utusan ang mga makina. Isa na itong ulilang lubos matapos sunugin ng mga kawal ng Alpha ang buo niyang pamilya noong ito'y sanggol pa. 

Luckily she survived the fire when her parents hid her inside the refrigerator. How did she survive? It's her unique ability that saved her from freezing. She can manipulate every machine with a single touch.

Which is the exact opposite of her brother's power. Zack is a ten-year-old boy who can talk to animals -from the most dangerous to the smallest specie of animals. He can even manipulate them through powerful empathy. 

Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]Where stories live. Discover now