Chapter 8

187 13 2
                                    

"Ano ba, Bria! Ang kulit!" hinampas ng mahina ni Kim ang kamay ko na nakatakip na naman sa dibdib ko. "Hindi mo naman ikamamatay kung magpakita ka ng konting balat." sabi pa nito sa akin bago umakla sa braso ko.




"Konti? Konting balat lang ito para sa'yo?" e halos hubad na nga ako sa suot kong two piece. Pakiramdam ko konting galaw ko lang mahuhubad na ito sa akin.





"Parang ganon na nga," bumuntong hininga nalang ako. Gustuhin ko mang magsisi dahil sa pagpayag kong magsuot nito ay wala na rin namang halaga. Siguradong hindi nila ako papayagang magpalit kaya ganon nalang kung kumapit si Kim sa braso ko. Buti na nga lang at pinayagan nila akong magdala ng see through summer dress na hanggang kalahati ng hita ko ang haba.





"Ayun sila Liam!" bigla akong nanigas at kung hindi lang ako hawak ni Kim ay baka napatakbo na ako pabalik sa room namin. Nawala ang konting self confidence na meron ako nang banggitin ni Coleen ang pangalan nya. Ayokong makita ang reaksyon nya kapag nakita nya ang suot ko. Or will he even bother to look at me? I don't think so. Baka nga kahit nakahubad ako sa harapan nya ay hindi nya pa rin ako papansinin.





"Doon na tayo!" biglang turo ko sa cottage. Iniwas ko rin ang tingin ko sa direksyon na tinuro ni Coleen. Ayoko syang makita.






"Puntahan natin sila Kaizer," narinig kong sabi ni Alex.





"W-Wag na. Pupuntahan naman nila tayo doon." sabi ko nalang at nauna na akong naglakad kasama si Kim na nakakapit pa rin sa braso ko. Buti nga at hindi sya umangal.





Pagkarating namin sa cottage agad kong natanaw sila Kaizer. Halos manliit ako nang makita ko 'yung babaeng nabunggo ko kanina na kasama ni Liam. Ang sexy nya sa suot nyang red two piece. Ngayon ko lang natitigan ang mukha nya at aaminin kong ang ganda nga nya. The way she walks, napaka classy. Para syang supermodel. Napahawak ako ng mahigpit sa summer dress na dala ko nang kumapit sya sa braso ni Liam. Kahit na maraming beses ko na syang nakita na may kasamang babae, hindi ko pa rin magawang masanay. Nasasaktan pa rin ako.





"Tara na, Bri!" halos mapatalon ako sa gulat nang tawagin ako ni Alex.





Gusto kong matawa sa mga itsura nila dahil mukha silang mga bata na excited maligo sa dagat. Pero mas lumamang ang pagkaguilty dahil hindi ko kayang sabayan ang trip nila ngayon. I don't know but I just can't.


"Mauna na kayo," sabi ko na nakapagpakunot ng noo nilang apat.





Bumuntong hininga muna ako bago ulit nagsalita. "Just go." tinitigan pa muna nila ako pero maya maya'y tumango din.






"Sumunod ka, ah!" Sigaw ni Kim bago sila tuluyang tumakbo papuntang dagat.





Hindi nalang ako sumagot dahil ayokong mangako na susunod nga ako dahil wala naman talaga akong balak na sumunod. Lalo na kung nandoon rin sila Liam kasama 'yung babae. Magagawa ko ba syang harapin lalo na sa suot ko ngayon? Kaya mabilis kong sinuot ang summer dress na hawak ko at naglakad papa-alis. Alam kong hahanapin ako nila Kim pero hindi ko talaga kayang humarap kay Liam. Binilisan ko nalang ang lakad ko para hindi nila ako mapansin.





Naglakad lakad ako habang iniisip ko kung saan ba ako pupunta. And then my eyes caught it. Dumeretso ako ng lakad papasok sa bar. Naupo ako sa isang stool at umorder ng tequila. Wala naman akong balak na maglasing, I just need an alcohol inside me right now. I stopped after four shots. I keep telling myself that's already enough, pero gusto ko pang uminom. Gusto kong pagkatapos nito ay makatulog nalang ako agad. Ayoko na muna syang isipin.





The Womanizer's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon