Chapter 7

296 24 11
                                    

"Briababeeees~"




Tinanggal ko ang pagkakatalukbong ko ng kumot tsaka ko nakita si Coleen at Kim na kakapasok lang ng kwarto.





"Tapos na kayong mag-swimming?" takhang tanong ko.






Kabababa palang kasi nila pero heto't nandito na agad sila. Nagpaiwan kasi ako dito sa room dahil wala pa ako sa mood maligo sa dagat. Ang aga kasi naming bumyahe kanina at feeling ko puyat na puyat ako. Hindi naman din kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil naninibago ako sa higaan. Sa loob kasi ng tatlong taon sa master bedroom ako natutulog tapos ngayon biglang lipat naman sa kabilang kwarto.






"Hindi pa kami tapos hehe."
sagot ni Coleen tsaka ako nginitian. Ngiting kabisadong kabisado ko na.





"No. Hindi. Ayoko."
Sabi ko kaagad tsaka ulit nagtalukbong ng kumot.






Ang kulit! Sinabi na ngang ayokong maligo at ayokong mag two piece! Hindi naman kasi ako sanay magsuot ng ganon. Hindi naman kasi ako nagsusuot ng mga damit na revealing at maisip ko palang ang sarili ko na naka two piece kinikilabutan na ako. Pakiramdam ko para na akong nakahubad non dahil sa kapirasong tela na nakatakip sa akin.






"Ngayon lang naman Bri! Pagbigyan mo na kami!" rinig kong sabi ni Kim kasabay ng paghatak sa kumot na nakatakip sa akin.





"Ayoko parin!" sagot ko habang pinipigilan ang pagtanggal nila ng kumot.






"Wag ka ngang KJ! Palagi ka nalang naming pinagbibigyan sa tshirt at short mo tuwing nagsuswimming tayo kaya ngayon kami naman ang pagbigyan mo!"





Tuluyan na nilang natanggal ang pagkakatakip ko ng kumot kaya wala na akong nagawa kundi ang bumangon sa pagkakahiga.





"Hindi ko nga kaya. Hindi ko kayang magsuot ng ganyan." turo ko sa suot nilang dalawa. Ni hindi ko ma-imagine ang sarili ko ng nakaganon. Nangingilabot talaga ako.






"So pa-demure ang peg mo ganon? Jusko Bri may asawa kana!"




"Ano namang koneksyon nun, Kim?"





"Basta may koneksyon 'yun. Pag-iisipin mo pa ako, eh!"





Ang kulit kulit! Paano ko ba sila mapipilit nito?





"Sige na kasi, babes!" isa pa 'tong si Coleen na ubod sa kulit!





*ting!*





"BRIANNA!!!!"





Bilisan mo, Bri! Wag kang magpapahuli!




Ayaw ko mang tumakbo no choice dahil ito lang ang naisip ko para takasan sila. Lahat na gagawin ko wag lang mapasuot ng two piece.






Mas binilisan ko pa ang takbo ko dahil naalala kong si Kim pala ang pinakamabilis tumakbo sa amin.





At kung suswertihan nga naman ako, saktong pasara palang ang elevator kaya nakapasok pa ako sa loob bago ito tuluyang magsara. Buti na lang nakapasok ako agad kundi nahuli na nila akong dalawa. Alam ko namang hindi dadaan ng hagdanan yung dalawa dahil nasa 19th floor ang room namin at hindi na nila ako maaabutan non.





Mabilis akong nakalabas ng hotel at buti nalang hindi ko nasalubong 'yung dalawa pa. Naglakad pa ako hanggang makarating ako sa mga souvenir shop na nandito sa resort. Buti nalang nasa bedside table lang ang wallet ko kaya nadampot ko agad. Pumasok ako sa isang shop tsaka bumili ng shades at summer hot para kahit papaano hindi ako makilala nung lima kung sakali mang hinahunting nila ako. Maglilibot libot na muna ako sa resort at babalik nalang ako sa hotel ng lunch.




The Womanizer's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon