Chapter 5

258 24 0
                                    

Pagkatapos kong mag-iiyak ng ilang minuto sa kwarto, naligo na ako at nag-ayos tsaka pumasok sa restobar.




Naabutan ko pa nga si nanay Adel sa sala kaya naitanong ko kung nasaan si Liam. Nasa garden daw ito kasama si Andrei kaya nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil hindi ko sya makakasalubong.






Nahihiya kasi ako sa kanya dahil sa ginagawa kong pagsagot. 'Yon ang unang beses na nangyari yun at maski ako hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin para magawa yun. Asawa ko parin sya kaya hindi tama yung ginawa ko. Magsosorry nalang siguro ako mamaya.




"Ma'am Bria?" bumalik ako sa realidad nang may kumatok sa pinto ng opisina ko.


"Come in," pumasok si Sarah, sekretarya ko, sa loob tsaka ako inabutan ng isang folder.




"Ayan na po 'yung hinihingi nyong report kay Leina." sagot nito tsaka bahagyang yumuko.




"Thank you, Sarah." ngumiti ito sa akin tsaka na lumabas ng opisina.




Ipinatong ko lang 'yung folder sa ibabaw ng lamesa tsaka sumandal sa swivel chair.




Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sinakop na naman ni Liam ang buong utak ko. Dapat nga ngayon nakakaramdam ako ng gutom dahil kagabi pa walang laman ang tyan ko bukod sa alak pero hindi sakit ng tyan ang nararamdaman ko. Sakit ng puso.





Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko tsaka huminga ng malalim. Tumayo ako sa pagkakaupo tsaka lumabas ng opisina.




As usual maraming tao sa restobar. Karamihan ay mga business man at may mga ka-meeting. Halos mabato ako sa kinatatayuan ko ng mahagip ng mga mata ko si Liam sa di kalayuang table na may kasamang dalawang business man at mukhang seryoso ang pinaguusapan nila dahil tutok na tutok sya sa dalawa nyang kausap.




Bakit naman dito pa, Liam?





Agad akong umiwas ng tingin tsaka pumasok sa kusina. Hindi naman nya siguro ako napansin diba?


Kalma, Bria. Si Liam lang 'yan. Sino bang niloko ko? At anong si Liam lang yan? Urgh! Masisiraan na ata ako ng ulo. Puro Liam, Liam, Liam--




"Ma'am?"


"Ay, Liam!"



Nanlaki ang mga mata ko ng maalala kong nasa kusina nga pala ako.




"I'm sorry. Ano 'yun?" sabi ko kay Linett na isa sa mga chef.





"Nakahinto lang po kasi kayo dyan, eh." see?




"May-iniisip lang." ngumiti ako sa kanya tsaka na tumalikod. Mabuting bumalik nalang ako sa opisina.





*Ring Ring*




Dinukot ko ang phone ko sa bulsa ng palda ko tsaka sinagot ang tawag. Ni hindi ko na nga tinignan kung sino ang caller.





"Hello?"



(Bri!)



"Coleen?"



(Uhuh. You're one and only gorgeous besfriend! Hahahahaha)




"Sabi mo, eh," tsaka ako tumawa ng mahina.



Sigurado akong nakapout na sya ngayon.


The Womanizer's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon