Kabanata f(x - 10)

Magsimula sa umpisa
                                    

Napalingon naman ako sa mga glass window ng mga store habang hawak-hawak pa din ni Sir Nathan ang wrist ko, nakita ko ang reflection naming dalawa sa salamin. Oh My Goodness! Mukha akong kabute!

Dahil sa pagiging praning ko kanina hindi na ko nakapag-ayos pa. At eto ang gulo-gulo ng buhok ko na brinaid ni Jen. At hindi rin maayos ang uniform ko. Mukha akong dugyot na elementary na nagpapabili ng cotton candy sa parents pagkatapos ng klase.

Habang si Sir Nathan naman ay fresh na fresh all the way, at ngayong magkatabi kami mukha akong spoiled na kinder na dinala ng kuya niya sa mall! Waaahh!

Napatigil naman sa paglalakad si Sir Nathan at naramdaman kong binitawan na niya ang wrist ko. "Magkamukha pala tayo" natatawa niyang tugon. Tss, for sure ang saya saya niya kasi ako ang mukhang muchacha at dehado pag pinagtabi kaming dalawa. Ugh.

Sabi nga nila, para lumabas ang iyong kagandahan at kagwapuhan tumabi ka sa panget para mag-shine ka. at eto mukhang effective pala, di naman ako aware na ako yung magiging dehado saming dalawa.

"Let's eat, nagugutom na ko" sabi pa niya, Whaaat? Wala akong dalang extrang pera! Mag-rereact na sana ako kaso natangay na niya ako. My gosh! ang taksil din ng mga paa ko, bakit sumunod agad dito kay Sir Nathan.







"Don't worry, may natira pa sa allowance na binigay ni Dean, pang-kain na lang natin yun" sabi pa niya habang nakatayo kami dito sa counter para pumili ng oorderin. Nasa isang café kami, dalawang cappuccino ang inorder ni Sir Nathan at tig-isa din kami ng slice ng blueberry cake.

Nakaupo na kami ngayon sa isang table na may 2 seats lang. nasa tabi din kami ng bintana kung saan kitang-kita ang view sa baba, nasa second floor kami ngayon. Papalubog na ang araw at nagsisimula nang dumilim ang kalangitan.

"Akala ko ba sir nagugutom ka, eh bakit dito tayo kumain" reklamo ko, ang liit lang kasi nung slice ng cake, hanggang lalamunan ko lang ata aabot yun. at isa pa tong kape, baka hindi na naman ako makatulog mamayang gabi.

Habang tumatagal din hindi ko alam kung bakit nagiging komportable na ko kay Sir Nathan, magaan kasi siya kasama, yun nga lang may times talaga na nagloloko ang puso ko kapag ngumingiti siya. isa pa tong puso ko taksil din. Wala na ba akong kakampi sa mga organs ko?

Ngumiti lang si Sir sabay inom sa cappuccino niya. My Goodness! ganito yung mga nakikita ko sa mga movies, may maiiwang mark ng cappuccino sa nguso ng bida tapos pupunasan iyon ng ka-date niya o kaya hahalikan.

Anong gagawin ko? pupunasan ko ba yung nguso ni Sir? O hahalikan?

Saan ko ba napanood yung---

Nagulat ako kasi pinunasan naman agad ni Sir yung naiwang cappuccino sa nguso niya bago siya nagsalita. Whew! Buti na lang hindi siguro nanonood ng mga cheesy movies to si Sir kaya hindi siya napapraning tulad ko. "If I told you, baka isipin mong feeling close na naman ako" tawa pa niya. Haays, narinig nga pala niya yung bulong ko sa sarili ko kanina. Bakit ba kasi kinakausap ko sarili ko ayan napahamak tuloy ako.

Ininom ko na lang yung cappuccino ko at agad kong pinunasan yung nguso ko kasi baka halikan niya ko charr!

"When I think of it, you're right... kaya siguro medyo naiilang ka pa sa'kin, hindi naman tayo magkakilala and lately niyo lang ako naging professor" patuloy niya pa at chill na chill siyang nakaupo sa upuan niya, samantalang ako eh mukhang tokneneng na hindi gumagalaw sa upuan.

"Let me share some details of myself----"

"I know you sir, 27 years old ka na, may lahi kang Spanish, kaka-aapply mo lang bilang prof sa school, and you're single and ready to mingle"

Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon