Special Chapter

3.1K 59 3
                                    

Erin's Pov

Agad kaming nilapitan ng mga resque at tulala padin ako habang tinitignan na hinihiga si lourdez at binuhat hindi ako makapaniwalang nangyayari ito .

" Erin? Ayos ka lang ba? " Natauhan naman ako ng marinig kong nag salita si shyra .

" Anong nangyari? " Takang tanong ko niyakap naman ako ni shyra at natulo nalang ang luha ko .

" Okay na ang lahat erin Shhh... " Sabi niya napasandal nalang ang ulo ko sa balikat niya pagod na ako pagod na pagod .

" Tita eryen? " Napalingon kaming lahat ng makita namin si mommy agad akong lumapit sakanya at niyakap siya Salamat god at hindi niyo pinabayaan si mommy thank you po .

" Mommy " Napahagolgol ako habang yakap si mommy .

" Shhh... Erin tahan na Im alright okay ako stop crying " Lalo kong hinigpitan ang yakap kay mommy .

" Akala ko pati kayo mawawala sa akin " sabi ko at niyakap ulit si mommy .

" Utang na loob ko ang buhay ko sakanya " Sabi ni mommy at tinuro ang bangkang nasa gitna ng dagat bigla namang sumabog iyon kaya nagulantang kami ano yun? .

" Anong nangyari? Bakit may sumabog? " Tarantang sabi nila liam at chineck kung ano ang sumabog .

" Bangka na may mga bomba " Sabi nung isang lalaki . Napaharap naman ako kay mommy

" Diba dun ka tinali ni lourdez ? " Sabi ko hinawakan naman ni mommy ang kamay ko .

" Oo at ako dapat ang nandun kasama ng mga bomba na sasabog " Napayuko naman si mommy " Kung hindi dahil sa kanya " Napaiyak naman si mommy kaya niyakap ko siya " Mahal na mahal ka niya erin sobra " sabi ni mommy anong sinasabi niya? Naguguluhan ako .

" He made that sacrifice para patunayan sayo na kaya kaniyang ipag laban dahil mahal na mahal ka niya anak " Naguguluhan ako ano ba ang sinasabi ni mommy? At sino ang nag saripisyo?

" Wait mommy! Anong sinasabi nyo? Naguguluhan ako " Takang tanong ko hinawakan ulit ni mommy ang kamay ko at niyakap at hinarap sakanya .

" Si jhayveen ang nasa bangkang sumabog " Napanganga nalang ako sa sinabi ni mommy " Tinulungan niya akong makatakas sa bangkang yun kaya nandito ako ngayon sa harap mo " Naluha nanaman ang mata kong namumugto " He did that kasi gusto niyang patunayan sayo na mahal na mahal ka niya na kaya niyang mag sakripisyo para sayo And that's how he love's you erika " Sabi ni mommy lalong lumuha ang mata ko at tumakbo palapit sa dagat .

" Jhayveeeeeeeen!! " Sigaw ko habang umiiyak napayakap naman si mommy sa akin " Madaya ka!! Kung totoong mahal mo ako hindi mo ako iiwan!! AHHHHHHHHHH!!! " Napasandal nalang ako sa ulo ni mommy bakit? Bakit napaka unfair ng tadhana? Wala naba talaga kaming pag-asang maging masaya? O hindi talaga kami sa isa't-isa? Nakakainis! Bakit kailangan pa mangyari to! Nakakainis! .

" Tama na erin " Inalalayan naman ako nila shyra na makatayo dahil lugmok na lugmok na ako . Sumakay naman na kami sa speed at sinandal ni mommy ang ulo ko sa balikat niya unti unti naman akong nakatulog dahil siguro yun sa pagod at sa dami ng iniyak ko pati mata ko bumigay sa dami ng inilabas niyang luha .

-

" E-erin? " dinig ko nang mag kamalay na ako nakita ko namang si mommy pala iyon " Mabuti naman at nagising kana " sabi niya at inalalayan akong umupo " Buong isang araw kang tulog anak natakot tuloy ako kasi akala ko coma ka nanaman pero sabi ng doktor may ininjeck pala sila para buong araw ka matulog kasi baka daw makasama sa bagong puso mo ang sobrang mastress " Pagdiditalye ni mommy napayakap naman ako sakanya .

" Thank you mom " Sabi ko at niyakap siya ng sobrang higpit ang sarap sa pakiramdam na okay na ang lahat nakakalungkot nga lang na kailangan pa mag alay ng buhay .

" Nga pala erin may ibibigay ako sayo " Tumalilod saglit si mommy at inabot saakin ang isang sobre .

" Ano to mom ? " Takang tanong ko simpleng sobra lang yun .

" Simpleng sobre siya anak pero sobrang ganda ng nilalaman niyan " Sagot ni mommy " Yan ang sulat ni jhayveen sayo noon nang macoma ka , Sorry anak dahil hindi ko nabigay sayo nag kagulo na kasi kaya nawala sa isip ko na may binigay na sulat pala para sayo si jhayveen " Napayuko naman si mommy " Kung kailan huli na ang lahat saka ko pa naalalang ibigay sorry erika " Hinawakan ko naman ang kamay ni mommy .

" Its okay mom , Baka tadhana talaga ang nag talaga na ngayon ito ipabasa siguro may dahilan kung bakit ngayon pero kung ano mang dahilan yun tatanggapin ko Wala nadin naman akong magagawa " Sabi ko ngumiti naman si mommy .

" Read it " Sabi niya napatingin naman ako sa sobre Babasahin ko ba o itatago ko nalang?

Go read it baka nandyan lahat ng sagot sa katanungan mo about sa reason ni jhayveen ..

Wag! Puro kasinungalingan ang nandyang ...

Yes erin para kahit wala na si jhayveen ay maganda ang maging imahe niya sayo ...

Go erin! Para maliwanagan ka ..

Aish! Ano ba talaga? Babasahin ko o hindi? Tsk. Bahala na binuksan ko naman ang sobre at kinuha ang isang yellow paper sa loob na nakatupi Ihahanda ko na ang sarili ko sa mababasa ko .

Dear erin'sweetie ❤

Hi sweetie? Imiss you . Sana gumising kana sweetie kasi sobrang miss na kita at hindi ko na maantay ang hug and kiss mo . Ang daya mo! Bakit mo ako tinulugan? Nag tatampo kaba? Tsk. Sige na gumising kana jan hahalikan kita para mawala yang tampo mo uyy gusto rin Haha. Ilove you .. Nakakainis ka Jhayveen! Sunod sunod namang pumatak ang luha ko .
Erin sweetie ko? May problema akong kinakaharap ngayon! Gusto kasi akong ipakasal kay lourdez para sa pamilya naming pareho at para din protektahan ka dahil nag paplanong paalisin ka ni lourdez sa mundo at syempre hindi ako papayag dahil love kita sobra ... Eto naba ang sinasabi niyang rason kaya niya nagawa ang pakasalan si lourdez? Bakit ba ngayon ko lang nabasa ito? Pag katapos ko siyang ipag tabuyan at saktan? Ako pala ang iniintindi niya simula palang! Nakakainis ang sarili ko! .
Erin? Gusto ko kapag gising mo ako agad ang una mong puntahan ha? Tatakas tayo at lalayo sa kanila! Kahit magalit pa sila ipaglalaban kita dahil ikaw lang ang mahal ko at ikaw lang ang dapat na pakasalan ko erin ikaw lang wala nang iba ... Lalong pumatak ang luha ko nakakainis! Nakakainis! Kung nabasa ko lang sana agad ito noong pag ka gising na pag kagising ko sana ay binalikan ko si jhayveen pero hindi! Namulat ako sa katotohanang pinagtaksilan nila ako at niloko niya ako pero hindi pala Ang tanga tanga tanga ko!
Hanggang dito nalang ang sulat ko erin at paulit ulit kong sasabihin sayong mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita Erika magnese wilson adamson . Sana nga ay magising kana para mapakasalan na kita .

- Ilove you erin so much . Jhayveen adamson ❤

Tuloy tuloy na pumatak ang mga luha sa mata ko gustong gusto kong puntahan si jhayveen ngayon at yakapin, iparamdam sakanya kung gano ko siya kamahal na mula pa man noon ay hindi naman nag bago yun . Bakit kailangang ganito pa ang katapusan? Talaga bang hindi kami ang para sa isa't-isa? Nakakalungkot dahil sa paglalaro ng tadhana sa huli wala ding patutunguhan .

Ngayon ay natutunan ko na na hindi sa lahat ng bagay ay dapat galit ang pinapairal , Kung may galit kaman ay wag mong kalilimutang isama ang puso mo dahil ang pinaka makapangyarihan sa lahat ay ang pagmamahal na nag mumula sa puso .

The End .........

-

Ayan Tapos na po Huhuhuhuh T.T
Salamat po sa lahat ng mga nag basa ng Last book ng The Lost Princess sana po ay nagustuhan ninyo at napakilig,Napaiyak Kayo ng story na ito at nakapulot ng Aral 😊
Thank you so much Again guys, Sa mga sumusuporta At susuporta pa Para sainyo po ito and Godbless po Labya 😘 ❤ .

The Revenge Of Miss.Princess [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now