#'29

2.3K 54 0
                                    

Erin's Pov

Nag labas na ulit ng bagong brand ang fashion shoe at talagang naging sobrang busy ko last week dahil sunod sunod ang mga buyers at clients na tumatawag para sa bagong launch na brand buti nalang at natapos na din yun at heto ako nag rerelax sa isang salon kasama si shyra .

" So ano nang susunod mong plano? " tanong ni shyra habang nakahiga ang ulo niya dahil sa nakababad na gamot sa buhok niya .

" Gusto ko nang patayin sila! " sagot ko kahit nakapikit ako ramdam kong nag tinginan yung mga employee sa akin " Para iwas stress " dagdag ko at hindi nga ako nag kamali nakatingin nga sila dahil dumilat na ako .

" Grabe ka naman! Patay agad? Pahirapan mo muna " natatawang sabi ni shyra mukha namang namutla yung mga tauhan doon .

" Pwede rin mas masaya kasing mag laro muna " sagot ko nag aalinlangan namang lumapit yung bakla sa akin .

" M-maam? M-mag h-hugas na p-po tayo " sabi niya tinignan ko lang siya pero nag iwas siya ng tingin Nakakatawang isipin na tingin mo palang kinakatakutan na .

" Okay " tipid kong sabi at sinumulan niya nang banlawan ang buhok ko at blinower pag katapos .

" You know what erich may nahagip akong chismis about sa mag asawa " sabi ni shyra habang nag lalakad kami sa mall .

" Anong chismis? Na nababaliw na sila? Malapit na " sarcastic kong sabi .

" No! Nalaman ko kasing mag a out of town daw sila dahil sobrang stress na si lourdez about sa mga ginawa mo " sabi niya .

" Bakit stress lang? Dipaba nabaliw yun? " tumawa naman ako at umupo nandito kami ngayon sa isang shake shop .

" So anong gagawin mo? " tanong niya at uminom ng shake na kabibigay lang ng waiter

" Nothing , Hayaan mo silang mag relax kasi pag uwi nila matutuluyan nayang lourdez nayan! " sabi ko at uminom din .

" Wala kang gagawin? Alam mo may naisip kasi akong sunod mong gagawin " sabi niya tinaasan ko naman siya ng kilay " Why dont you follow them? Tapos mangulo ka! Para lalong maistress si lourdez okaya sabihin mo na ding ikaw si erika Para magulantang siya at baka ikamatay niya yun " Natatawang sabi niya .

" Good idea shyra " sang-ayon ko " May isip kanaman pala " tumaray lang siya ngumiti naman ako mukhang magiging maganda ang gagawin kong show .

-

" Eto yung exact resort na pupuntahan nila " bigay ni shyra sa akin ng flyer ng resort .

" Villa gutcher ? " Basa ko sa flyer sinasadya ba talaga ito ng tadhana? Villa gutcher is one of my properties what a coinsidense nga naman

" Yes and nasa pampangga ata yan " sabi niya habang nag mamaneho .

" Villa gutcher is one of my properties " sabi napatingin naman siya sa akin " Like duh! , Pangalan palang ng resort halata mo nang sa akin what a coinsidense nga naman " dagdag ko .

" Oo nga no? Edi perfect timing pala talaga ang pag punta mo doon Yiee Im so excited to see what will happen " Sabi niya agad ko namang kinuha ang phone ko at tinawagan ang manager ng resort na iyon pinaalam ko lang na mag checheck-in Ako ipapaready na daw nila yung VIP na room at sinabi ko pang kapag may nag check-in jan na adamson ay wag ipalog at hintayin ang confirmation ko para mas bongga .

Sa haba haba ng byahe ay nakarating na kami sa resort agad naman kaming sinalubong ng mga staff doon at kinuha ang mga gamit namin pumasok naman kami sa loob at talagang pinaghandaan nila na parating ako dahil lahat ng tauhan dito ay nahilera sa gilid at binabati ako magulat kayo jhayveen sa makikita niyo .

" What? Bakit hindi pwedeng mag check-in ? What the freaking shit! " Inis na sigaw ni lourdez dun sa babae .

" Because itold them " singit ko at nanlakin namang pareho ang mata nila ni jhayveen ng makita ako .

" Hello miss.erich " sabay sabay na bati ng mga staff ngumiti lang ako .

" What the hell are you doing here? Are you stalking us? " Mataray na sabi niya ngumiti lang ako at sumandal .

" Nothing binisita ko lang ang One of my properties syaka iwant to relax na din " sabi ko " Alam mo kasi ang daming stress sa paligid eh! Pakalat kalat " dagdag ko .

" One of your properties? " Takang tanong niya .

" Yep! Villa gutcher is one that i own! Branch lang ito ng villa gutcher and the main branch is in the states " sabi ko " Grabe nga yung negosyo ko eh ang dami dami halos hindi ko na mabilang kung ilan " Pagmamayabang ko umirap naman siya .

" Let's go lourdez sa ibang resort nalang tayo " hila ni jhayveen sakanya pero pinigilan ni lourdez .

" No! Mag checheck-in tayo dito! Kahit na bilhin pa natin to! " sabi niya tumawa naman ako at rinig ko din ang entrance na tawa ni shyra .

" Grabe coz , Akalain mong mag babakasyon ka lang may buyer ka agad? What a blessing " singit ni shyra .

" Ang tanong coz , Kung may pambili ba Haha." Akamang susugurin na ako ni lourdez pero pinigilan siya si jhayveen .

" Wag na tayo dito baka lalo ka pang ma stress " sabi ni jhayveen kay lourdez oh! So sweet naman pwe! Nakakairita .

" Go! Hindi naman kayo piniplease ng resort ko para mag check-in dito! And baka naman ikahirap niyo lalo yang pag check-in dito Alam muna pang exclusive and famous person lang ang nag checheck-in dito " sabi ko nang gagalaiti naman sa galit si lourdez pero pinipigilan siya ni jhayveen nakaawa naman kayo! .

" Ihanda nyo na ang malapalasyo kong kwarto iwant to take rest nastress ako sa mga basurang ito! " Nilagpasan ko na sila sobrang sama naman ng tingin sa akin ni lourdez sorry siya she's just nothing to me! Kahit kalingkingan ko hindi siya aabot! .

" Ang galing mo dun erika " Sabi ni shyra at nagtatatalon sa kama " Gusto ko na sanang maupo tapos kumain ng pop corn para kasi akong nasa sinehan " Dagdag niya tumawa naman ako .

" Trailer palang yun at mas lalo mong abangan ang full movie " sabi ko at humiga sa kama napagod din ako sa byahe dagdagan pa ng mga nakastress na dalawang iyon ! .

-

Thanks for reading . Vote and comment Salamat ❤

The Revenge Of Miss.Princess [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now