7

282 8 4
                                    

Muntikan na akong madapa sa sinabi niya. Cute? Alam ko naman yun pero, woah, iba pa rin kapag nanggaling sa ibang tao, kay Keith. Hahahahaha makapal ba? Nako, nahawa na ata ako kina Les.

Nginitian ko si Keith at ngumiti naman siya pabalik. "First time mo ba sa Pagudpud?"

Tumango ako at sinipa yung bato sa buhangin. Hindi pa kami masyadong nakakalayo kina Kats kaya naman may sand beach pa. "Ang ganda dito no? Buti dito kayo nagtayo ng resort?"

"Sobra. Alam mo ba, pumunta ako dito two years ago para sa isang business trip at sobra talaga akong nagandahan dito. Niyaya ko si Trevor na bumili dito ng lupa at gawing resort at kung sinuswerte ka nga naman nakabili kami nung may beach pa. Ayos diba?"

Wow so rich kid pala talaga to hah. "Akala ko naman, sa family mo ito. Sa iyo pala talaga."

"Yeah, after ng graduation ko ay umalis na ako sa bahay ng mga magulang ko. Not that I don't want to live with them I just want to live indepently and to live my life the way I want to. Nakapagtayo ako ng sariling business at sa awa ng Diyos eh naging successful naman."

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Wow, nakakabilib naman ito. Alam ko may business din kami ni Belle pero hindi ganun ka-successful para makapagtayo ng ganitong kagandang resort. I bet this cost lots of money. "So, libre na kami dito?" pabiro kong sabi sa kanya.

"Oo naman, pati na sina Katsumi. My treat."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Seryoso ba to? "A-ano? Nag-bibiro lang naman ako, wag na, nakakahiya Keith."

Umiling siya at ngumiti. "No, I insist. Plus, dagdag ko na ito sa pabor ko sayo. Don't worry about it, okay?"

"Ganon ba? Nako, matutuwa nyan sina Katsumi, baka hindi na umuwi ang mga iyon pag nalaman yan." sabi ko at pagkatapos ay tumawa.

"Baka naman ma-bankrupt ako, secret na lang natin. Kunin mo na lang ang bayad nila." aniya at tumawa ulit pagkatapos

Uh-huh, mabiro din pala ito ah. Akala ko puro seryoso lang siya. Tumawa din ako sa sinabi niya. "Good idea, Keith."

Naglakad na kami ulit at heto nanaman ako, sinisipa ang mga maliliit na batong nadadaan ko. "Do you ride ziplines?" tanong niya.

"I do. Meron dito?"

I love riding ziplines, lalo na yung mga mahahaba at mataas. I love the thrill I get and of course the sceneries I can see. Kaya kapag may zipline sa pupuntahan kong lugar, lagi kong tinatry na sakyan ang mga ito.

"Oo naman! Tara, puntahan natin. We'll have to ride my car to get there though."

Hindi na ako nag-isip, agad agad akong pumayag. I mean, it's the ziplines! "Let's go!" Hila ko sakanya. Narinig ko naman ang pagtawa niya. His laugh is so manly.

"This would be hella fun." sabi ko sakanya pagkasakay namin sa kotse niya.

Ngumisi siya at tumango. "Na-try ko na ang zipline ng ilang beses at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagsasawa. You'll know why."

Hindi naman malayo ang zipline, mga ilang minuto lang ay nandito na kami. And as I expected, nasa may forest part kami. Hmm, akala ko naman may iba dito. Anyway, this would still be fun.

It's a mini adventure park. May mga atv, ropes course, dropzone at of course zipline! Pumunta muna kami ni Keith sa may counter at may finill-up siyang form. Binigyan niya din ako ng isang papel, para i-fill up ko naman. Pagkatapos ay nagbayad na siya at binigyan na kami ng bracelet like na magsisilbing entrance namin para makasakay. Pumunta ako agad sa tower na nakita ko, may zipline doon, hindi gaanong mataas pero okay na rin siya.

FakeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora