5

409 10 4
                                    

"Bakit mo pa ako isasama dun? Kayo na lang, kailangan niyo din ng time together." sabi ko kay Belle, pero kinurot lang ako.

"Elle naman eh, sumama ka na please. Please please please." tapos nagpa-cute pa siya sa akin, hah, kaya ko ring gawin yun no.

"Wag na, ako na lang muna ang bahala dito tapos ikaw mag bakasyon ka na kasama ang boyfriend mo." I smiled at her. Sana pumayag na to, makuha ka sa ngiti ko.

Umiling siya at kumapit sa braso ko "Sige na kasi, sama ka na. Mag-eenjoy ka dun at tsaka para makilala mo na din si Trevor."

Tahimik lang ako at hindi pinapansin ang sinabi niya.

"Please Elle, papayag na yan, papayag na yan." tapos parang nag-cheer pa siya. Hay, loka loka talaga to kahit kailan. I have no choice, hindi ko naman matiis to.

"Saan ba tayo pupunta?"

She shrieked and clap her hands. Oh tignan mo, ang ayos ng sagot. Mga baliw ata lahat ng mga kaibigan ko eh, may something talaga sa kanila.

Tumalikod siya sa akin tapos kinuha niya ang cellphone niya at nagtext, tapos tumawa siya ng mahina. Hala?

"Hoy, Belle, saan tayo pupunta?" at sumilip ako sa cellphone niya para makita kung sino ang itetext niya. Pero agad siyang humarap sakin tapos ngumiti na naman.

"Sa Pagudpud. Mag-ayos ka na ng gamit, aalis na tayo bukas. Three days tayo doon, yay!"

"Seryoso? Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Uhh, akala ko kasi hindi na matutuloy, kanina lang sinabi ni Trevor." ngumiti siya at nag-peace sign.

I sighed, napailing na lang ako. "Ah, sige, magpapaalam muna ako kina mama."

Tumango siya at bineso muna ako bago lumabas ng kwarto. Kinuha ko ang phone ko at nagsimulang magtext.

To mamadear ; papadear

Ma, Pa, pupunta kami ni Belle sa Pagudpud bukas. Tatlong araw daw kami dun. Okay lang po ba?

Itetext ko na din pala yung mga mokong, baka biglang pumunta dito eh wala naman ako.

To Lester;Katsumi;Jc;Seth

Mga pogi, alis muna ako hah? Pupunta lang akong Pagudpud. Ibibili ko kayong mga pasalubong promise! :)

Agad agad namang nagreply si papa. Kinuha ko ang phone ko at binasa ito.

From papadear

Sige anak, kailangan mo rin ng oras para mag-enjoy. Mag-iingat kayo, huwag mo lang sanang kalimutan pasalubong mo sa amin.

Napangiti ako, hay, si papa talaga.

To papadear

Oo naman pa. Lakas niyo sakin eh. Sige po, see you na lang po sa bahay.

Pagkatapos ay may four new messages ako, galing kina Les.

From Lester

Ingat

From JC

Sure bye

From Seth

Enjoy

Katsumi

K

Mga walang kwentang kaibigan. Tama ba naman yan? Nakakabadtrip talaga ang mga to minsan eh. Ma-replyan nga.

To Lester;Seth;Katsumi;JC

MGA WALANGYA KAYO!!! TANDAAN NYO YAN!!!!

Agad agad naman nag-reply ang apat, at sabay sabay pa talaga ha.

FakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon