3

456 7 0
                                    

Thank you so much ate for making the cover! Galing mo forevs! Oh and again, i love your story! Nice work :)

----------------

Sinabunutan ko silang apat at sabay sabay pa silang napa-aray. Kahit na si Kats na nagdadrive. Brutal talaga ako eh. Woops.

"Ano ba. Seryoso na kasi." sabi ko sakanila.

Tumawa naman si JC at inakbayan ako "Alam mo B, okay lang naman na makita mo siya ulit eh. Ano bang pinoproblema mo dun?"

Nakiakbay na din si Lester skin "JC, baka nakakalimutan mo may feelings pa to kay Eric."

Tuluyan na nila akong niyakap, pati si Seth nakisali na. "Elle, marami pang iba dyan no. Mas better at mas right para sayo. Ang tagal na nun, elle." sabi ni seth na sobrang seryoso

Kumalas na sila sa pagkakayakap "Oo nga, parang ako lang." sabi ni Lester at kinindatan pa ako.

Binatukan siya ni Seth, hahaha, kawawang lester. "Gago, pinapalungkot mo lalo sa sinabi mo eh."

Nagkamot siya ng ulo "Bakit malulungkot si beau? Tignan mo naman tumatawa na nga eh. Kinikilig sakin. Ahihi." kinurot kurot pa niya ang pisngi ko at pinanggigilan pa ako.

"Loko, huwag mo ngang kurutin ang pisngi ni Elle, mas lalapad pa yan lalo." natatawang sabi ni Kats na nakatingin pala sa rear view mirror. Tinignan ko siya at binigyan ng death glare.

"Eyes on the road!" sigaw ko sakanya. Pano naman kasi, baka ma-aksidente pa kami.

"Hay nako, binubwisit niyo pa to lalo. Ililibre na lang kita ng ice cream, B. Diba gumagaan loob mo pag kumakain nun?" nginitian ako ni JC at inakbayan ulit. Ang sweet talaga nito kahit kailan, siya ang pinaka-sweet at maalaga sa apat.

"Huy JC, malungkot din kami. Huhuhu" umiiyak pa kunwari se Les gumaya na din si Seth.

Natawa na lang kaming dalawa ni JC.

"Ang papangit niyo mga gago!"

"Ang harsh mo samin, JC. Iyak tayo Les." nagyakapan pa silang dalawa. Nakakatawa. Nilabas ni JC ang phone niya at vinideo pa sila. Mukhang magkaka-scandal ang mga to.

--

"JC, salamat sa ice cream!" sabi ko habang kinakain yung vanilla flavored ice cream. Da best to! Pain reliever to para sakin. Nasa ice cream parlor kami sa mall ngayon. Kumakain din sina Les, Seth at Katsumi. Kaso ako lang ang nilibre ni JC. Sorry sila, hindi gumana yung acting nila.

"Hmp, mas masarap to kung nilibre tayo diba seth, Kats?"

Tumango si Kats "Madamot kasi."

"Sellfish!" dagdag ni Seth.

Nagpaparinig pa silang tatlo habang si JC nagtitimpi. Nakakatawa silang panuorin. Magkakatabi yung tatlong itlog tapos kaming dalawa ni JC nakahiwalay sa kanila. Tampo daw eh.

Bigla bigla, tumayo si JC at nilapitan sila. Nagkamot pa siya ng ulo at nagsalita "Ililibre ko na lang kayo ng sine. Tara tara." pagkatapos niyang sinabi yun, yumakap sila sa kanya at sabay sabay nilang sinabing "Aylabyu JC."

Ako naman napailing na lang at hindi ko na napigilang tumawa. Buti na lang kami lang ang tao dito, yung mga staff lang makakita sa kabaliwan ng mga to. Grabe, sila lang talaga ang nakakapagpasaya sakin ng ganito.

---

Nagyaya silang manuod ng horror movie. Pagkapasok namin sa sinehan, konti lang ang tao. Sila pa ang pumili ng upuan. Doon kami sa ibaba, sa may harapan. Mas maganda daw kasi ang view doon.

"Bat pa kasi horror? Dapat yung comedy na lang." sabi ko sakanila. Hindi naman ako natatakot, wala lang talaga ako sa mood na manuod ng horror ngayon.

FakeWhere stories live. Discover now