1

857 13 4
                                    

Dedicated to her cause, i really do enjoy reading her fanfic. I think it's all for real na eh. Hahaha

-------------------------------------

"1, 2, 3, smile" Tinignan ko ang screen ng camera ko. "Teka, chin up a little." Tumango ako at ngumiti "Ayan, perfect" Dali dali akong pumunta sa may computer at isinaksak ko ang camera dito. Lumapit sa akin si Belle, ang bestfriend ko.

"Naks, ang ganda talaga ng mga kuha mo, Elle. Tignan mo oh. Wow."

Napailing ako "Oh, ano nanamang kailangan mo at pinupuri mo ako ngayon?"

Sumimangot siya "Grabe naman to. Porket, pinuri kita may kailangan ako agad?"

I gave her an apologetic smile "Hindi naman, hindi lang ako sanay."

"Tss, anyway, gusto ko sanang ipakilala sa iyo si Trevor." at ngumiti siya na parang kinikilig

"Huh? sino?" Pagtataka ko. Trevor who?

Hinampas niya ako "Yung boyfriend ko. Yung kinukwento ko sayo. Di mo na naaalala?"

Tumango ako "Ahhhh, siya"

"Hay nako, puro Eric kasi ang laman ng isip eh"

Tinignan ko siya ng masama at tinawanan lang niya ako "Hehe, joke lang Elle. Osya, umalis ka na diyan, i-eedit ko pa to. Shoooh"

Bago ko makalimutan, ako nga pala si Denielle Bernardo. At oo, babae po ako. I'm 22 years old and currently owns a studio. I'm actually a psychology graduate, eh kaso, nahiligan ko ang photography. Kaya naman nag-aral ako ulit for 2 years ng photography sa New York. Si Isabelle Salvador yung kanina, bestfriend ko na nakilala ko sa New York. She was my classmate there at ayun pag-uwi namin sa Pilipinas nagtayo na kami ng sarili naming studio. Actually, co-owner lang ako, kay Belle talaga to. I mainly work for a fashion magazine. Isa ako sa mga photographers at writers na din. Kaya naman enjoy na enjoy ko ang pagttrabaho.

"Elle" tawag niya sa akin

"Oh?"

"May girlfriend na pala si Eric?"

Tinaasan ko siya ng kilay "Tapos? Paki ko dun."

"Asus. Kunwari ka pa. Alam ko naman na na-hurt ka dahil mahal na mahal mo pa rin yun hanggang ngayon. Sige na, ilabas mo na ang sakit. Sige ka, baka mahimatay ka bigla diyan."

Napailing na lang ako "Ewan ko sayo. Magtrabaho ka na nga."

Kung nagtataka kayo kung sino si Eric. Ex ko ho siya. Naging kami nung college at nag-break din kami before mag-graduate ng college sa kadahilanang nahuli ko siyang may babae. Hindi naman niya ako techincally na niloko. Misunderstanding lang ang lahat lahat. Huli na nung nalaman ko ang totoo. Pinagsalitaan ng masasamang salita at hinusgahan ko siya. It was wrong, i know. Kung sanang pinakinggan ko lang siya dati. Pero kasi, masakit pa nun eh. Hanggang ngayon nga, after 3 years, hindi nagbabago ang nararamdaman ko para sa kanya eh. First love ko siya, kaya ang hirap pakawalan.

"Uhm, miss, okay na ba?"

"H-huh?"

"Ay, eto po, okay na" At inabot ni Belle yung picture sa customer

"Sige, salamat"

Tumango si Belle "You're welcome po. Come again! hehe"

Nang makaalis na ang customer. Hinampas ako bigla ni Belle "Hoy, ano ka ba. Mamaya ka na lang mag-emote, okay?"

"Aray hah. Hindi naman ako nag-eemote no."

"Nako, wag mo ng itago sakin. Okay lang yan, Elle." Sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya at tinapik tapik ito. "Everything is going to be alright."

"Hay nako Belle, baliw ka talaga." inalis ko na ang pagkapatong ng ulo ko "okay lang ako and nothing's wrong" I assured her

"Oh sige, paniniwalaan kita. Basta, pag may problema ka, nandito lang ako, okay?"

Niyakap ko siya "Yeah, thank you."

Kumalas na kami sa yakap "Osya, tama na ang kadramahan. Mag-eedit muna ako ng mga pictures sa itaas."

Tumango ako "Okay, dito muna ako."

Naisipan kong mag-facebook na lang. Wala rin naman akong magawa. Nakita ko sa home page ko.

Eric Gil is now in a relationship with Pauleen Garcia

Nyenye, minsan na lang nga akong mag-facebook ito pa talaga ang bubulaga sa akin.

May biglang nag-chat sa akin

Eric Gil: Denielle...

Teka, totoo ba to? Kinurot ko ang sarili ko. Totoo nga. Hoo, breathe in breathe out. Dapat kalma lang.

Denielle Bernardo: Yes?

Eric Gil: How are you?

Denielle Bernardo: I'm fine, you?

Eric Gil: I'm alright

Denielle Bernardo: Ahh, good

Ano ba yan, ang dry naman nito. Ano bang gusto nito, bigla bigla na lang nag-message. He needs something, I can sense it.

Eric Gil: May itatanong pala ako.

Denielle Bernardo: Oh? Ano naman yun?

Eric Gil: Nabalitaan ko kasi na photographer ka na pala. Totoo ba yun?

Denielle Bernardo: Yes, yes I am.

Eric Gil: Great! Then, can you be the official photographer sa homecoming party and birthday celebration ko?

Denielle Bernardo: Homecoming? Uuwi ka na?

Eric Gil: Yes, next week na. So, can you?

Denielle Bernardo: Uhm, yeah, sure.

Eric Gil: Alright, thanks. I'll just message you the full location and time. I have to go. Bye!

Magttype pa sana ako, kaso.

Eric Gil is now offline

Great, now he's coming home.

------------------

First chapter, posted! Yeaaa. ;) How was it guys? Should i continue this? or just delete this whole story cause i suck? Hahaha. You tell me! Vote/Comment please

FakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon