Inilabas ko ang cellphone ko para kuhanan sila ng picture. I took a lot of pictures of them. I even use one picture as my phone wallpaper.

Pagkatapos ko silang kuhanan ng picture ay nagpasya muna akong lumabas para magdilig ng halaman. Paglabas ko ay sakto namang mukhang paalis si Zeus. Napangiti siya nang makita ako.

"Hi," bati niya saka kumaway. Ngumiti rin ako saka lumapit sa kanya.

"Hello. Saan ang punta mo?"

"Sa pastry shop," sagot niya. "You look happy. Ngayon lang kita nakitang ganyan. Napapasaya ka talaga niya, 'no?"

Nawala ang ngiti sa mukha ko nang sabihin niya iyon. Now that he mentioned it, I think I need to talk to Zeus about his feelings for me. Alam kong ilang beses ko nang sinabi na hinding-hindi ko masusuklian ang nararamdaman niya para sa akin pero sa tingin ko ay kailangan ko pa rin siyang kausapin. We need to have closure. Para rin hindi na talaga siya umasa sa akin.

"I'm sorry, Zeus. Mahal ko talaga siya, eh."

Tumango siya. "I know. Ako lang naman itong mapilit kahit na ilang beses mo nang sinabi na wala akong pag-asa sa'yo. Umaasa kasi ako na makakalimutan mo siya. But I was wrong. You still love him. And now, you're happy with him."

"I'm really sorry, Zeus. I'm sorry for hurting you. Hindi ko gustong saktan ka."

He smiled. "I know. You don't have to apologize, Bree. Ako ang nagdesisyong mahalin ka at wala kang kasalanan doon. Don't worry about me. I'm okay. As long as you're happy, I'll be okay."

Napangiti na rin ako. "I am very happy, Zeus."

"Sabihin mo lang sa akin kapag sinaktan ka niya. Aagawin talaga kita sa kanya," natatawa niyang sabi.

"I'm sure Hero won't do that. But thanks anyway," I said. "And by the way, baka matagal pa ulit bago tayo magkita. Nagbabalak na kasi kaming umuwi sa Manila pagkatapos ng schedules niya rito sa Cebu."

Nawala ang ngiti sa mukha niya nang sabihin ko iyon. Alam kong hindi niya nagustuhan ang narinig niya. Kahit papaano naman, nalulungkot din ako dahil hindi ko na sila makikita ni Zyrine. Pero ano nga bang magagawa ko? Hindi naman kami pwedeng manatili rito dahil nasa Manila ang pamilya ko at doon din ang trabaho ni Hero.

"Thank you for everything, Zeus. Salamat sa inyong dalawa ni Zyrine. Dahil sa inyo kaya maayos kami ng kambal ngayon. Hinding-hindi ko makakalimutan 'yong kabutihan niyo sa amin," sabi ko.

Ngumiti siya nang tipid. "Mukhang matagal ko na nga ulit kayong makikita. We'll still remain as friends, right?"

"Oo naman. Kahit na magkakalayo tayo, kaibigan pa rin ang turing ko sa inyo ni Zyrine."

Tumango siya. "So... can I at least hug you one last time?"

Napangiti ako sa tanong niyang iyon. Ako na mismo ang lumapit sa kanya para yakapin siya. Kahit papaano, mami-miss ko rin siya pati na rin si Zyrine.

"Be happy, Zeus. I'm sure you'll find someone who can love you the way you love me. Ipagdadasal ko na mahanap mo na 'yong babaeng para sa'yo," sabi ko habang nakayakap sa kanya.

"I'm sure I'll find her soon," he replied.

Pagkatapos naming mag-usap ay nagpaalam na rin siya para umalis. Sinabi ko sa kanya na balak ko ring kausapin si Zyrine siguro mamaya o bukas tungkol sa plano namin ni Hero. Pagkaalis niya ay itinuloy ko na ang balak kong magdilig ng mga halaman.

Pagkatapos ko namang magdilig ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Tulog pa rin ang tatlo. Humiga ako sa tabi ni Hero saka ko siya niyakap. Nang gawin ko iyon ay bigla naman siyang gumalaw. Mukhang nagising ko yata siya.

Dating My Sister's Idol (The Neighbors Series #3)Where stories live. Discover now