Thirty-Six

29.7K 661 17
                                    

Chapter 36
Legal

**

I woke up feeling sore. Napakunot-noo ako nang maramdaman ko ang sakit sa bandang ibaba ko nang bahagya akong gumalaw. Memories from last night suddenly flooded my mind.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang mukha ni Hero na ngayon ay kasalukuyan pa ring natutulog.

Napangiti ako nang maalala ko ang nangyari sa amin kagabi. I already gave myself to him. Naalala ko kung paano siya naging maingat sa akin nang sabihin kong virgin pa ako. He doesn't want to hurt me. Muntik pa nga naming hindi ituloy ang ginagawa namin dahil ayaw niya akong masaktan pero pinilit ko siya. Sa huli, pumayag pa rin siya sa gusto ko. And that's how it happened.

Ramdam ko ang pananakit ng buong katawan ko ngayon dahil naka-dalawang rounds kami kagabi pero ayos lang. Everything that happened are all worth it. It was worth it because Hero was the one who took away my innocence. Hinding-hindi ako nagsisisi na ibinigay ko sa kanya ang sarili ko dahil mahal na mahal ko siya.

Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg ni Hero saka ko siya niyakap nang mahigpit. Naramdaman ko naman ang paggalaw niya at ang paghigpit din ng yakap niya sa akin. Naramdaman ko rin ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko hudyat na gising na siya.

Tiningala ko siya para tingnan. Namumungay ang mata niya habang nakatingin sa akin. Napangiti siya nang makitang gising na rin ako.

"Good morning, baby," he greeted. "How was your sleep?"

"I slept just fine."

Inilagay niya ang tumatabing na buhok ko sa likod ng tenga ko. "How are you?"

I bit my lower lip. "I'm fine. Just a bit sore."

"I'm sorry, baby. Nasaktan yata kita," nag-aalala niyang sabi. Mabilis akong umiling.

"You don't have to apologize. Sabi naman nila, ganoon daw talaga sa una. Besides, you were gentle with me last night. You really tried hard not to hurt me."

"But I still hurt you."

Sumimangot ako. "Hayaan mo na nga iyon. Tapos naman na, eh. Normal lang na masaktan ako sa una. Ayaw mo no'n? Ibig sabihin ikaw ang nakauna sa akin?"

"I really don't care if I'm your first or not but honestly, I'm really glad that I am."

Ngumiti ako saka ko hinaplos ang buhok niya. "I'm also glad that you're my first. I love you, Hero."

"I love you more, baby," he replied before kissing my forehead. "But seriously, baby, are you really okay?"

"Okay nga lang ako. Masakit lang ang katawan ko pero tingin ko, kaya ko naman. Uuwi na tayo mamaya, 'di ba?"

Tumango siya. "Yeah. Mamayang hapon pa naman kaya makakapagpahinga ka pa. I want you to rest today, baby. Wala na rin naman tayong gagawin sa labas. Nasubukan na natin lahat ng activities kahapon kaya okay lang na rito na lang tayo."

Napanguso ako at napatango na lang dahil sa sinabi niya. Mas okay na sundin ko na lang siya dahil ayoko rin namang maglakad sa labas nang ganito kasakit ang katawan ko. Mas okay na magpahinga ako dahil bibiyahe kami mamaya. Besides, I still need to organize my things.

We stayed a few more minutes in bed cuddling. Mga ilang sandali pa ay pinauna na ako ni Hero na magbihis habang tumatawag naman siya para magpahatid ng breakfast sa kwarto namin. Pero natapos na siyang tumawag ay nanatili pa rin akong nakahiga sa kama. Tinatamaad kasi ako.

"Do you want me to carry you inside the bathroom? Or do you want me to help you dress up?" he asked while putting on his shirt. Pagbangon niya kanina ay napansin kong naka-boxers na siya. Siguro isinuot niya kagabi bago siya natulog.

Dating My Sister's Idol (The Neighbors Series #3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt