Chapter 6

149 4 0
                                    

Joyce' POV


Tahimik ang buong byahe namin ni Lawrence. Akala ko talaga iiwan nya ko pero nagulat ako ng bigla nya akong ayain pauwi. Alam kong mali lahat ng nangyari kanina. Sobrang malaking problema ang nagawa ko. Sa kagustuhan kong pantayan ang sakit na ipinaramdam sakin ni Vincent naging makasarili ako. Nakalimutan ko pa tuloy na may dalawang puso nga pala akong dapat ayusin. Haaay.. Ano bang dapat kong gawin para maitama ang lahat?


"Are you hungry?" Tanong ni Lawrence habang nagmamaneho. Ngayon ko lang napagtanto na hindi nga pala kami nakakain kanina.


"I'm... S-orry."


"Where do you wanna eat?" He said as if he didn't heard me.

Ewan ko ba pero mukhang iniiwasan nyang pag-usapan ang mga nangyari kanina kaya hindi na lang ako umimik.


"Let's eat here."


**

Palabas na kami ngayon sa isang restaurant dito sa Alabang. Tapos na kaming kumain at nagpaalam na rin ako sa kanya. Gaya ko alam kong gusto nya ring mapag-isa.


"See you tomorrow. Be at my office 7 am sharp." Tuluyan na syang pumasok sa kanyang kotse.

Naawa ako kay Lawrence dahil pati sila ni Jiann nadamay sa lecheng buhay pag-ibig ko. Mukhang mali ako ng unang impresyon sa kanya. Hindi naman pala sya mayabang saka arogante. Mas lalo tuloy akong nakadama ng matinding kunsensya. Imbes na heartbreak na lang problema ko ngayon nadagdagan pa..

Napagdesisyonan kong hindi na muna umuwi sa apartment. Biyernes pa naman kaya wala ang kapatid ko. Ayokong magmukmok magdamag dahil hindi malayong mabaliw ako sa sobrang katahimikan. Kaya eto nasa bahay ako ng mga bestfriend kong sina Jem at Travis.


"Umamin ka nga Ligaya, anong problema mo?" Bungad sakin ni Jem habang umiinom kami ng beer. Hindi ako makapagsalita. Ang hirap mag-explain kay Jem.. . Masyado kasing madaling mahigh blood si Bakla.


"Spill it out. We're here to help you." Malumanay na sabi ni Travis na syang kakambal ni Jem ngunit di gaya nito ay lalaki sya. Sinubukan kong huminga ng malaim bago magsalita.


"Nakita ko na sya.."


"Nakita mo na sya?" Pag-uulit na tanong sakin ni Jem. Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka.


"Finally nakita ko na si Vincent.." Nasabi ko na rin.


"What?? As in face to face? Paano? Saan? Kelan?Baki-"


"Jem, let her speak. Dami mong tanong." Putol ng kakambal nito.


"Travis she is crying! Nasasaktan ang bestfriend ko at kailangan kong maliwanagan kung bakit! Joyce ano ba kasing nangyari?" Nag-aalalang sagot ni Jem. Noon ko lang napansin na tumutulo na pala ang aking mga luha. Nagsimula na akong ikwinento sa kanila ang lahat. Maging ang naidulot kong gulo kina Lawrence at Jiann. I tried not to sound so weak pero hindi ko nagawa. Parang prinoproseso pa rin ng magkakambal ang mga sinabi ko kaya naman mas pinili kong magsalitang muli.

Tears of JoyWhere stories live. Discover now