Chapter 7

125 4 0
                                    

Joyce' POV


Umuwi ako kagabi sa bahay namin. Nagulat nga si Mama at kung kelan gabing gabi na daw saka ko pa naisipang dumalaw. Hindi ko rin alam pero dito ako dinala ng mga paa ko. Pagkatapos ng mga nangyari kagabi pakiramdam ko sobrang binigay ko na lahat ng meron ako. Nagpakababa ako pero hindi pa rin ako yung pinili nya. Masakit pero dapat siguro ay tanggapin ko na lang ang katotohanan. Pero paano? How will you "unlove" a person?


"Ohh anak ang lalim naman ng iniisip mo?" Putol ni Mama sa pagmomoment ko. Kanina pa siguro siya nasa loob ng aking kwarto.


"Wala po May. Masakit lang po talaga yung ulo ko." Pagdadahilan ko na medyo malapit naman sa katotohanan.


"Namumugto ang mga mata mo.. Kapag handa ka na lagi mong tatandaan na nandito lang si Mamay para makinig.." Niyakap lamang ako ni Mama. Haaayyy..


"I love you Mamay.." Paglalambing ko.


"Mahal ka namin. We are so proud of you Anak.. You are so precious for us, please don't let yourself be drowned in the past. Learn how to forgive and eventually you will learn how to forget. Mahalin mo rin sana ang sarili mo hindi yung puro nalang ibang tao.." Paalala sakin ni Mama. God is really good na kahit ano pang pagsubok hindi niya ipararamdam sayo na nag-iisa ka. It is indeed true that Mother knows best.


**

Umalis na ako sa bahay namin. Medyo nakakamiss rin pala yung lugar kung saan ka lumaki. Kahit every month naman akong bumibisita ngayon ko lang napansin na marami na rin pa lang pagbabago ang nangyari dito. Ibang ibang sa dinsenyo na kinalakihan ko' yung kwarto ko nalang ata ang hindi pa nakakamove on. Parang ako mismo.. Haayy.. Ayan ka na naman.. Paano makakamove on kung patuloy mong binabalikan?


Simula ngayon dapat maging masaya na si Ligaya. Good vibes na lang dapat. Papasok pa lamang ako sa opisina ni Mr. Samaniego ng magsalita ito.


"You're 5 minutes late!" Bungad na bati nito habang nakatutok ang tingin sa kanyang relo.


"Kas-"


"I don't wanna hear any excuses. Whatever it is, for me it's not enough." Seryosong putol nya sa sinasabi ko. Sasabihin ko sana ang daming tao sa elevator. Kung bakit ba naman kasi yung isang elevator ay pang VIP lang at hindi pwedeng ipagamit sa iba.


"Ano ba kasi talaga ang gagawin ko dito?" Naiiritang tanong ko dito. Oo may kasalanan ako sa kanya pero hindi ibig sabihin nun magpapakaalalay na ako ng bongga.


"We are going to Tagaytay."


"Again??" Gulat na tanong ko. "Ahh ok.. Gets ko na. Pramis akong bahala ipapaliwanag ko lahat. Sana lang pakinggan nya tayo.."


"Lets' go.."


Sa wakas nakarating na rin kami. Bawas awkward moment dahil natulog lang naman ako buong byahe. Hindi rin ako masyadong nakapahinga ng maayos kagabi kaya bawing-bawi ako ngayon. Pero teka bakit parang ibang lugar ata ito. Hindi naman ito yung restaurant kahapon. Parang mansion ito eh, paano ba naman may isang malaking bahay akong natatanaw sa harapan ko. Napaliligiran ito ng mga puno at halaman. Ang ganda talaga.. Sobrang nakakarelax siguro dyan sa loob.. This is my dream house! Kanino kaya yan? At nasan na nga ba yung kasama ko??

Tears of JoyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz