Chapter 45[END??]

Start from the beginning
                                    

Binasa ko ang nakasulat.....


Dear Zake,

Sana tinanggap mo ito at binabasa na ngayon. Salamat pala at pinaramdam mo sa akin ang buhay na may asawa at may nagmamahal din pabalik sa akin. Ay mali pala...Diba di mo ako minahal?? Hehe. XD Char...Lol..Charness.
Sana maging masaya kayo ni Alien na girlfriend mo. Sana mahalin mo siya ng buong buo at alagaan mo siya. Sorry pala dahil naging hadlang ako sa love story niyo ni Alien. Siguro nga wala na talagang taong may magmamahal sa akin dahil tanga ako, bobo at sayad. Sorry din kasi pumayag ako sa kasal na yun at naging pabigat pa ako sayo.Sorry kung naging miserable ang buhay mo ng dahil sa akin. Sorry kung inuubos mo ang oras mo sa babaeng tulad ko na tanga. Sorry talaga Zake.Sorry. Aalis na kami ng bansa at pupunta sa secret. Pero pupunta talaga kami sa bagong planeta na exo planet. Sana wag kayong maging masaya ni Alien at sana makauwi na kayo sa mars kung saan kayo nararapat...

Kehbye.

Magandang tanga na si Xia. :)


"Tanga..." Tanging nasabi ko ng matapos kong basahin ang letter.

"Tanga?? Yun lang ang sasabihin mo sa kanya? Matapos mo siyang sabihan ng mga masasakit na salita dadagdagan mo pa ng tanga? Eh gago ka talaga Zake!!" Sigaw ni Justin.

"Kung di mo siya kayang mahalin, sana ako nalang ikaw. Kasi minahal ka niya eh. Tapos anong kagaguhan yun Zake? Ginamit mo si Ellaine para sabihin na niloko mo lang siya at di mo talaga siya minahal?? Fck bro!! Sana sinabi mo na di mo siya kayang mahalin at sasaktan mo lang siya!!" Sigaw ni Justin.

"So, binasa niyo to?"tanong ko sa kanilang dalawa.

"Nag usap pa kaming tatlo ni Xia kahapon at sinabi niya sa min ang lahat."sabi ni Rain.


"K-kelan siya umalis??" Tanong ko.


"Kagabi..."
Sagot ni Rain..

Napapikit ako ng mata at kinuha ang bote sa mesa at tinapon sa pader.

"Fck!!! Bakit ngayon niyo lang sinabi??!" Sigaw ko.

"Eh kasi nalasing ako kagabi at nakalimutan ko tuloy na ibigay sayo yan." Sabi ni Rain.

Tinignan ko si Justin na matalim parin ang tingin sa akin.

"At ikaw??" Tanong ko sakanya.

"Nalasing din at natulog na may kasamang prosti.May angal ka?" Nakataas kilay niyang sagot.

Napasabunot ako sa buhok ko dshil sa inis.
Gago Zake!!! Kasalanan ko naman eh!!!  Kagabi pa siya umalis?? Eh umaga na ngayon!!

"At ngayon iiyak ka diyan?? Gago" Sabi ni Justin.

Di ko namalayang umiiyak na pala ako. Ang bading, shit!!

"I'm not." Sabi ko at huminga ng malalim.

Umupo silang dalawa sa tabi ko.
"Eh ano yan?? Sipon?" Tanong ni Justin. Tinignan ko siya ng masama.

"May problema ka pare. Di mo yun sasabihin kay Xia dahil kitang kita namin mismo sa mga mata mo namahal na mahal mo si Xia. May mali ba?" Kalmadong tanong ni Rain.

"I'm the one....w-who killed her parents''


"WHAT?!!!" Sabay nilang sigaw sa akin.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pumunta sa kwarto ko at sinara ang pinto. Napasandal ako sa pinto at tuluyan ng nagbagsakan ang mga luha ko. Napaupo ako habang nakasandal parin sa pinto at napasabunot sa sarili ko.

Shit.....I'm so sorry mahal ko.I'm so sorry. Kailangan kong gawin yun para sa ikabubuti mo. Para sa ikabuti ng kalagayan mo.
Kailangan mong kalimutan ako. I'm not the right guy for you. I'm the one who killed your parents. Ang mga magulang na kailangan ng bawat anak. I'm so sorry.....Sana mapatawad mo pa ako sa mga sinabi ko. Sa mga kasalanan ko. Salamat dahil minahal mo ako kahit masama ang pakikitungo ko sayo noon. F*ck. Ikaw ang nagpabago sakin tapos iiwan mo pa ako. Kung hindi dahil sayo, di ako naging matino ngayon. Nangbababae parin ako at walang pakialam sa buhay. Pero ng dumating ka sa buhay ko, binigyan mo ng kahulugan ag buhay ko.

But I am not the right guy for you.......



_________________________________________________________

Heyoooooowwww :-(
May maganda akong balita.....
Huhuhuhuhu....
:-(

Nagpaplano akong gumawa ng book 2!!!! :-(
Huhuhuhuhu...

GAGO KA ZAKE.... huhuhu.. :-(

Stay With Me #COMPLETEDWhere stories live. Discover now