Part 4

745 28 0
                                    

First day ko ngayon bilang alalay ng SSG officers. Ay hindi pala, ni Mr. Fake President lang. Hindi naman kasi ako inuutusan ng ibang officers eh, si Adrian lang talaga na akala mo kung sino.

"Ms. Flores, may dumi pa sa ilalim ng mesa oh." Utos ni Adrian.

Hindi na ako nagsalita at tinignan lang sya ng masama.

"Paki arrange na rin nitong mga folders pagkatapos mong magwalis dyan." Utos pa nya. Ugh! Kapal talaga ng mukha, kung makautos akala mo sinuswelduhan ako ng malaking pera, ni peso nga wala.

"Tulungan na kita dyan Keish." Sabi ni Marco. Mabuti na lang talaga nandito si Marco dahil palagi nya akong tinutulungan. Sana si Marco nalang yung naging crush ko. Gwapo rin naman sya, mas gwapo nga lang si Adrian. Mabait, hindi tulad ni Adrian. Mayaman pero hindi kasing yaman ni Adrian. Matalino pero hindi rin kasing talino ni Adrian. Ugh! Why am I comparing him to Adrian? Tsk tsk.

"Salamat Marco ha. Ang bait mo talaga. Hindi tulad ng iba dyan." Sabi ko at tinignan ng masama si Adrian.

"Pinaparinggan mo ba ko?" Tanong ni Adrian.

"Ay sorry! Tinamaan ka ba?" Nakangisi kong sabi.

Nakita kong medyo naiinis na yung mukha nya.

"Marco, gawain nya yan kaya pabayaan mo sya dyan." Sabi ni Adrian kay Marco.

"Okay lang President. Wala naman akong ginagawa at saka kawawa naman tong si Keisha." Nakangiting sabi ni Marco at kinindatan ako. Nakakatawa talaga tong si Marco.

"Ayieee mukhang may nagkakadevelopan dito ah." Panunukso ng ibang officers sa amin ni Marco. Napangiti naman itong si Marco pero ako, medyo nahihiya. Hindi naman kasi ako close sa kanila no. Tinignan ko naman si Adrian at nakakunot ang noo nito habang nakikipagtitigan sa kanyang laptap.

"Naku! Hindi no, hanggang friends lang kami." Nahihiya kong sabi.

"Dyan naman talaga nagsisimula lahat di ba. Sa friends friends na yan. Sabi nga nila 'Friendship is the beginning of love'." Sabi naman ng representative ng Education department, nakalimutan ko yung pangalan nya.

"Hindi talaga, friends lang talaga. Di ba, Marco?" Siniko ko si Marco para sabihin nyang oo.

"Ah oo, friends lang talaga." Sagot nya naman.

"Uy President, anong pinapanuod mo dyan sa laptap mo at nangingiti ka dyan?" Tanong ng baklang si Carl na auditor. Isa rin sya sa naging close ko na dito. Madaldal kasi.

Napalingon kami agad kay Adrian na nakangisi nga pero agad naman sumimangot. Anong problema nito? Eh kanina lang pagtingin ko nakakunot ang noo nito eh.

"Mag-uusap nalang ba kayo dyan? Tapusin nyo na yang ginagawa nyo." Striktong sabi ni Adrian.

"Yes President!" Sabay sabi ng mga officers with matching salute.

Napaka bossy talaga ng lalaking to. Siguro itong mga officers lang at ako ang may alam ng tunay nyang ugali.

Isa-isang nagpaalam kay Adrian ang mga officers. Apat na lang ulit kami na natitira. Si Adrian, Marco, Marielle at ako. Kanina pa sana to nakauwi si Marco kung hindi nya ako tinulungan. Kanina pa kasi parang may nagtetext sa kanya at medyo padilim na rin.

"Mauna ka nalang Marco, malapit na rin naman akong matapos dito eh. Salamat ulit sa tulong mo." Sabi ko.

"Wala yun, basta ikaw. Pero sigurado ka bang kaya mo na yan?" Tanong nya.

"Oo, kaya ko na to." Pagsiguro ko. Nagpaalam na si Marco kay Adrian at sa amin ni Marielle. So kaming tatlo na lang ang nandito.

"Marielle, bukas mo na lang tapusin yang ginagawa mo. Malapit na magdilim kaya mauna ka na." Sabi ni Adrian.

"Talaga po President? Naku salamat po, kanina rin pa kasi ako hinihintay ng sundo ko eh." Sabi naman ni Marielle at mabilis nagpaalam sa amin.

Wait! Paano ako? Hindi nya rin ba ako sasabihan na umuwi na?

"Keish, I mean Ms. Flores." Tawag nya.

"Yes po Mr. President?" Nakangiti kong sabi para pauwiin na rin ako nito.

"May magsusundo rin ba sa'yo?" Tanong nya.

"Sa akin po?" -ako

"May nakikita ka bang ibang tao rito?" -siya

"Wala po. Meron po ba?" Kinakabahan kong sabi at nagpalingon-lingon.

"Slow." Mahina nyang sabi na rinig ko naman.

"Bukas mo na tapusin yan. Let's go home." Sabi nya habang nililigpit ang kanyang mga gamit.

"Hay buti naman at naisipan mo ng umuwi." Sabi ko.

Kukunin ko na sana yung bag ko malapit sa pinto nang biglang nawala ang ilaw. Bigla ako napasigaw at napatakbo papunta kay Adrian at... at nayakap ko sya ng mahigpit. Bumalik naman agad ang ilaw at napatingin ako sa mukha ni Adrian na nagulat sa ginawa ko.

----

Please feel free to click the star to vote if you love this chapter 😉🙏

CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now