Part 1

1.7K 46 0
                                    

Hi, I'm Keisha Flores. Some people say that I'm beautiful, tall, and smart, but I'm not famous. I'm an 18-year-old HRM student at a university.

May crush ako noon sa University namin, take note ha NOON!. Pangalan niya ay Adrian Ortiz - mayaman, matalino, gwapo, matangkad, at sikat sa aming paaralan. Siya ay isang graduating student sa Engineering Department.

Nakilala ko siya noong tumakbo siyang SSG President sa aming Unibersidad. Sa una, hindi ko inamin sa aking mga kaibigan na nagkakagusto rin ako sa kanya dahil ayokong isipin nila na kasabay ko rin silang nagkakagusto sa kanya. Pero habang tumatagal, tila ba nahulog na rin ako sa kanya. Madalas kasi siyang nakangiti kapag nagtatagpo kami sa hallway. Nakita ko rin siyang tumutulong sa kanyang mga kaklase sa paglutas ng mga math equations. Ngunit hindi ko inakala na mayroon pa siyang ibang ugali na nakakabwisit.

Isang araw, pumunta ako sa opisina ng SSG upang magpa-sign ng aking clearance. 

Kinatok ko ang kanilang pinto at binuksan kaagad ni Adrian ang pinto para ako'y papasukin. 

"Magandang hapon po, Mr. President," bati ko kay Adrian na nakangiti. Hindi ko pa alam ang tunay niyang ugali sa oras na iyon. 

"Ano po ang inyong kailangan?" seryosong tanong niya sa akin habang nakatingin sa'kin. 

"Magpapapirma po sana ako ng clearance," mahinahong sabi ko sa kanya. 

"Ano po ang inyong pangalan?" tanong niya ulit.

"Keisha Flores po," sabi ko, at nag-type siya sa kanyang computer. 

"May dalawang event sa paaralan na hindi ka pumunta." 

"P- po?" natataranta kong sagot. 

"Bingi ka ba?" naiinis niyang tanong. 

"Ha? Hindi po," depensa ko.

 "Alam mo ba ang mga consequences kapag hindi nakadalo sa mahahalagang events ng paaralan?" 

"Kasi po nung mga panahon na 'yun, naospital po kasi yung lolo ko at wala pong magbabantay," paliwanag ko. 

"Kaya kasalanan ko ba kung bakit naospital yung lolo mo?" tanong niya.

"Hindi po sa ganun, kaya lang baka pwede--" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil binigyan niya ako ng maliit na papel na may nakasulat na: 

"Clean the comfort room ng HRM Department ng tatlong araw." 

"That's your punishment for not attending two events of our school," seryosong sabi niya habang inaabot ang maliit na papel sa akin. 

"Seryoso po kayo dito?" nanlalaki ang mata kong tanong sa kanya. 

"I'm busy. Pwede ka ng lumabas," sabi niya habang tinuturo ang pinto. 

"Grabe naman po 'tong parusang 'to. Baka gusto mong ireklamo ko kayo sa admin ng school na 'to," matapang kong sabi. 

"Give me the paper," nilahad niya ang kanyang kamay, kaya napangiti ako nang ibigay sa kanya ang papel. 

May binura siya at pinalitan. Takot pala itong si Mr. President. 

Napangisi na sana ako. Akala ko pinalitan niya ito ng mas madaling parusa, ngunit... "FIVE DAYS TO CLEAN THE COMFORT ROOM?" gulat kong sabi. 

Aba, ang kapal ng... "Sumang-ayon ang admin ng school na 'to sa mga consequences na ibibigay namin, kaya kung wala ka nang reklamo, you may go," sabi niya at nag-smirk. 

Wala akong nagawa kundi ang lumabas ng kanilang opisina nang nakabusangot. Nakakainis ang lalaking 'yun. Binoto ko pa naman siya noong eleksyon dahil akala ko mabait siya. 'Yun naman pala ay pakitang-tao lang. Totoo talaga ang kasabihang "looks can be deceiving."

----

Please click the star to vote if you love this chapter 😉

CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now