Seven

1.1K 46 4
                                    

Thirty minutes na mas maaga ako nakarating sa cafe, suot ang pinakamagandang dress na may'roon ako.  Laking gulat ko dahil pagpasok sa loob ay nakita ko agad si Jimin na kumakaway sa akin habang nakaupo sa bandang dulo na lamesa.  May suot siyang baseball cap at mask, siguro ay para hindi siya makilala ng mga tao.  Lalapitan ko na sana siya pero bigla naman akong naunahan ng tatlong dalaga na nakasuot pa ng school uniform.

"Excuse me, kayo po ba si Jimin Oppa ng BTS?" tanong no'ng nasaa gitna.  At bago pa nila malamang si Park Jimin nga ng BTS ang kausap nila ay sumingit na ako.

"Soo Hyun-ah!" sigaw ko at mabilis na lumapit kay Jimin na tinawag ko muna sa ibang pangalan.  "Kanina ka pa ba dito?  Pasensya ka na kung ngayon lang ako. Ang daming tao rito, mabuti pa siguro ay lumipat tayo sa mas tahimik na lugar para makapag-usap tayo ng maayos."  Hinila ko ang braso niya kaya napatayo siya.  "Let's go!"

Mabilis pa sa buhawi nang umalis kami ni Jimin sa lugar na 'yon at saka nagtungo na lang sa isang park.

"Mabuti at natakasan natin sila," sabi ko pagkaupo sa bench habang humihingal pa dahil sa ginawa naming pagtakas sa mga babaeng 'yon.

Naupo naman si Jimin sa kabilang dulo ng bench.  Ilang minuto ang lumipas na wala kaming ginawa kundi ang tahimik na panoorin ang mangilan-ngilang tao na dumaraan.  Hindi crowded ang park.  Ito na ang tamang lugar para mag-usap, ang mabuti pa siguro ay umpisahan ko na. 

"Jimin..."

"Sino si Soo Hyun?"

Sabay na sabay pa kaming nagsalita.  I called his name at siya naman ay...

"Ha?" pagtataka ko.

Inalis niya ang mask na nakatakip sa mukha.  "Ang sabi ko, sino si Soo Hyun?  Why did you call me Soo Hyun earlier at the cafe?"

Imbes na sumagot ay nataranta ako.  "Huy, ano ka ba!  Ibalik mo 'yang mask mo.  Baka may makakilala sa'yo, mahirap na!"

Its a good thing na sobrang kaunti lang ng tao ngayon kaya wala pang nakakapansin sa amin.

"Ibabalik ko 'to, kung sasagutin mo ang tanong ko, sino ba si Soo Hyun?" seryoso niyang tanong.  Ako naman ay biglang kinabahan kahit wala akong ginagawang masama.  At anong ibig sabihin ng mga tingin na ito sa akin ni Jimin? 

Galit ba siya dahil tinawag ko siya kanina gamit ang ibang pangalan?  Teka, ganito ang lalaking ito kapag

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Galit ba siya dahil tinawag ko siya kanina gamit ang ibang pangalan?  Teka, ganito ang lalaking ito kapag...

"I'm jealous!"

Hanggang ngayon ay ume-eccho pa rin sa tainga ko ang mga sinabing ito ni Jimin.  Kanina kasi ay naisip ko siyang pagtripan sa pamamagitan nang pagtawag sa kaniya sa ibang pangalan.  Hindi ko makakalimutan kung paano niya akong tingnan ng seryoso, gano'n pala siya makatingin kapag nagseselos.

Pilit kong binaliwala ang aking naalala.  Ayokong mag-assume na nagseselos si Jimin.  Bakit naman siya magseselos kung wala naman kaming relasyon?

"Si Kim Soo Hyun ay isa sa mga cast ng TV drama na Haerul Pum-Eun Dal.  He's my favorite actor.  Pangalan niya ang naisip kong itawag sa'yo kanina para hindi mabisto ng mga babaeng 'yon na ikaw nga si Park Jimin na member ng BTS," paliwanag ko.  "Okay na ba?  Now, baka puwede mo nang isuot uli 'yang mask mo para hindi ka dumugin ng mga tao dito.  Remember, sikat ka na ngayon."

"Okay," aniya at nag-suot na uli ng mask.  "By the way, ang sabi mo ay marami kang gustong sabihin sa akin.  Ako rin kasi, may sasabihin sa'yo.  Puwede bang ako na ang mauna?  I just want to ask you some questions."  Tumango ako at pagkatapos ay mataman siyang tiningnan.  "Do you still love me?"

Napatakip ako ng bibig dahil sa pinaghalong tuwa at gulat.  Gusto ko na siyang sagutin ng 'oo' pero naunang tumakas ang mga luha ko at hindi ako nakapagsalita, lalo na sa sumunod niyang sinabi.

"Kasi ako, mahal na mahal pa rin kita.  And I want us to be together again.  Puwede ba, Emi?"

Hindi na ako nagpakipot pa dahil ito naman talaga ang dahilan kung bakit ako pumunta dito sa Seoul at nag-apply bilang make-up artist ng BTS. 

Niyakap ko si Jimin ng mahigpit at gano'n din ang ginawa niya.

"Saranghae, Jimin-ah," sabi ko habang patuloy pa rin ang pag-iyak.

"Nado Saranghae, Emi-ya," sagot ni Jimin at pagkatapos ay hinalikan niya ako sa ulo.

This time, I say no more to Someday...  Because now, we are together again.

May 17, 2017

A/N:

Haerul Pum-Eun Dal - Moon Embracing The Sun
Saranghae - I Love You
Nado Saranghae - I Love You Too

Someday JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon