One

2.5K 64 19
                                    

"Emi, sigurado ka na ba diyan sa gagawin mo?" tanong ni Mommy na kasama ko ngayon sa aking kuwarto.  Tinutulungan niya ako sa pag-iimpake ng mga gamit.

"Yes Mom, sigurado na ako," sagot ko. "I swear, Ma, matatanggap ako bilang make-up artist ng BTS."

"Sa tingin mo ba ay matutuwa si Jimin na makita ka pagkatapos ng lahat ginawa mo noon?" sabi ni Mommy matapos umiling. "Anak, ipapaalala ko lang ulit sa'yo. Ikaw ang nakipag-hiwalay kay Jimin. Tandang-tanda ko pa ang mga sinabi mo sa kaniya habang ipinagtatabuyan mo siya. Ang sabi mo sa kaniya ay hindi mo na siya mahal at —"

"Ma, tama na, please!  Huwag niyo na pong ipaalala sa'kin ang mga sinabi ko noon."  Sa tuwing ipinapaalala sa akin ni Mommy ang mga bagay na sinabi ko noon kay Jimin ay para bang gusto kong bumalik sa nakaraan at bawiin lahat iyon.

"Emi, sikat na si Jimin ngayon. Marami na siyang tagahanga. Maraming mga fangirls. Napapaligiran na rin siya ng mga magagandang female idol at mga celebrities. Sa tingin mo ba ay mapapansin ka pa niya? Huwag mo na lang ituloy ang binabalak mo. Sa ibang kompanya ka na lang mag-apply bilang make-up artist at huwag na doon sa agency na humahawak sa BTS. Ayoko lang naman na masaktan ka."

"Salamat sa concern, Ma. Pero buo na po ang pasya ko. Mahal ko po si Jimin. Kahit maliit lang ang chance na magkabalikan kami, susubukan ko pa rin," malumanay kong tugon. Matagal na panahon ko itong pinag-isipan kaya siguradong sigurado na ako. Pupunta ako sa Seoul at mag-aaply bilang make-up artist ng BTS para muling mapalapit kay Jimin. Gagawin ko ang lahat para matanggap ako.

"Sasabihin mo ba sa kaniya ang tungkol sa kalagayan mo?"

"Hindi po. Wala namang dahilan para malaman pa niya 'yon."

"Hindi ka na ba talaga mapipigilan?"

"Hindi na po, Ma."

Tiningnan muna niya ako nang mabuti bago muling magsalita. "Kung iyan na talaga ang gusto mong gawin, hindi na kita pipigilan. Pakinggan mo na lang itong payo ko sa iyo, anak. Huwag mong ipipilit ang bagay na alam mong imposibleng mangyari. Maliwanag ba?"

Tumango at pagkatapos ay lumabas na si Mommy ng aking kuwarto. Pagkatapos kong mag-impake ay naglilinis naman ako ng kuwarto kong matagal ko ring iiwang bakante.

Habang nagpapahinga sa aking kama ay kinuha ko ang cell phone ko at tiningnan ang isang picture ni Jimin na naka-save sa gallery.

Habang nagpapahinga sa aking kama ay kinuha ko ang cell phone ko at tiningnan ang isang picture ni Jimin na naka-save sa gallery

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kumusta ka na Jimin? Hintay lang dahil malapit na 'ko," sabi ko sa picture. Ngumiti ako.

"Someday... We will be together again."

May 14, 2017

Someday JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon