"Malandi ka talaga Renz!"

65 0 0
                                    

Malandi talaga ako, aminado ako dun. Lahat kinakausap ko lalo na kapag babae yan, sige lang ako ng sige. Kaya pagkafollow ko kay Mariel o Yhel , kinausap ko kaagad.

Yhel: Kuya, thank you po sa follow back. GV po. :)

Ako: Wala yun! Ganda mo pala. :"> Magsabi ka lang kapag may problema ka, okay? Kahit na ano pa yan. ;)

Yhel: O sige po, thank you po Kuya. :)

Hindi na ako nagreply kasi baka makahalata siya. Pero habang nagbabackread ako sa blog niya, ang gaan agad ng loob ko sa taong 'to. Gusto kong mapalapit siya sa akin. Gusto ko siyang maging kaibigan. Ang ganda niya, ang cute niya ngumiti, ang lalim ng mata niya at gugustuhin mo talagang tumingin sa mga ito. Ang sarap pa niyang yakapin kasi malaman siya. Teka, kaibigan lang talaga dapat muna. Ayaw ko muna magkalovelife kasi alam kong masasaktan lang ako. Ayokong dumating sa punto na iiyak na naman ako at magmumukmok.

Kinabukasan...

May pinost si Yhel sa blog niya, nasasaktan daw siya at nahihirapan sa mga tao sa paligid niya. Gusto ko siyang kausapin kaya naglakas loob na akong kausapin siya.

Ako: Anong problema mo Yhel?

Yhel: Wala naman. Yung mga kaibigan ko kasi, nagagalit sila sa akin. Hindi ko alam kung bakit, lumalayo na daw yung loob ko sa kanila at nakakalimot na daw ako. :(

Ako: *INSERT-LAHAT-NG-MGA-PAGPAPAGAAN-NG-LOOB-HERE* (at with matching :* pa yan ha?)

Yhel: Salamat! Friends na tayo ha? Thank you talaga, puwede makuha number mo?

Ako: (Sh*t! Hinihingi niya number ko!!!!) Eto oh, 0917******* text mo ko ha lalo na kapag kailangan mo ng kausap? :">

Buong gabi kami magkatext ni Yhel at nalaman ko na sa Manila din pala siya nag-aaral kagaya ko. Pareho kaming nasa U-belt lang ang school kaya puwede talaga kami magkita nito at mas maging malapit sa isa't-isa. Tourism ang course niya, chicks talaga to! Ang problema lang sa kanya, hindi siya mahilig gumala. Paano ako makakadiskarte nito? Haays. Hindi. Magagawan ko 'to ng paraan. Yayain ko 'tong lumabas! Kaso paano? Nahihiya ako. Baka mareject ako. Pero diba friends muna? Ang gulo ko din eeh. Gusto ko friends lang muna kami tsaka na kapag pupuwede na talaga at may spark sa aming dalawa. Haays. Mag-isip ka nga ng mabuti Renz! Mag-isip ka! Baka masaktan ka na naman.

 Habang nagdadasal ako, sabi ko kay Lord, "Lord, friends na lang muna kami ha? Wag niyo muna akong hayaan lumandi. Kapag lumandi ako pakikurot yung singit ko po. Pero kung para kami sa isa't-isa, pilitin niyo po! PLEASE PO? Haha. Good night po. I love you."

Yeobo, Mahal KitaWhere stories live. Discover now