Pagsunod

43 0 0
                                    

Sabi ni John Lloyd sa My Amnesia Girl,  “Sabi sa census may 11 milyon na tao sa Metro Manila. Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sa’yo? Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas. Maaring nakatabi mo na siya, pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya pero humarang yung pedicab. May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga tanong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap, eh yung na sayo na pinakawalan mo pa.” Pero paano kung yung taong magpapasaya sa'yo habambuhay eh inadd ka na sa facebook kaso ayaw mong kausapin, finollow ka na sa twitter kaso hindi mo minemention o finollow ka na sa tumblr kaso ayaw mong ifollowback.

----------------------------------------

Kapag lovelife talaga ang usapan, lagi akong kawawa. Hindi kasi ako magaling diyan eeh. Lagi akong talo, lagi na lang akong iniiwan kahit na nagmamahal naman ako ng sobra. Ang saklap no? Pogi naman ako at matalino pero bakit ganun? Feeling ko nga ang perfect ko na eeh kasi mabait din ako at killer smile pa. Pero bakit kapag sa lovelife, talo ako?

One day isang araw nag-open ako ng twitter account ko, sabi ko, "Ang pogi ko." Dami nagreact may mga nag-RT pa minumura ako, galing ko daw mag joke. Kaasar. Lumipat ako ng tumblr, eh famous here, nagpost ako, "Sino pong puwede kausap?". Yes! May kumausap kaso, "Kuya, check blogs?". Okay, checked. Ang ganda ng blog, cute, mukhang friendly, okay, followed. At dito nagsimula ang kuwento namin ni Mariel.

Yeobo, Mahal KitaΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα