Chapter Seven

6 1 0
                                    

"Parang kahapon lang para kayong aso't pusa. Ngayon naman may endearment na kayong loves, iba ka talaga Gio!" panunukso ni Casey sa aming dalawa ni Gio habang magkakaharap kami sa sala ng bahay kasama si Max at Gab.

"Ate Casey, iba talaga ang karisma ko, alam na alam mo dapat yan." balik ni Gio sa kanya

Hah! Iba talaga ang kapal na mukha ni Gio, pero dahil 'friends' na daw kami ... pagbigyan! Kaya nanahimik na ako, kahit kating kati na ang dila kong barahin siya.

"Mas nagmukha ka ngang bad boy, when the last time I see you parang pa cool guy lang." natatawan pag alaala ni Max.

"Cool guy? nah..." naiiling na sabi ko .. 'insert sarcasm' hahaha.

"Bakit loves, di ka makapaniwala na cool ako?" tanong sa akin ni Gio

Pinandilatan ko siya ng mata, kulit sabi nang wag akong tawagin ng ganun eh!

"Ehem!" napatingin kaming apat sa nag ehem, na hindi mo alam kung sinadya niya. Kanina pa kasi siya tahimik.

"Okay ka lang ba Gab?" Nag aalalang tanong ni Casey sa kanya.

Tango lang ang tinugon nito at saglit na tiningnan at agad din namang umiwas.
K dot!

"Teka Sandra, wala ka bang pasok ngayon?" baling sakin ni Casey.

"Pasok?" Nagtatakang tanong ni Gio, "Nagtratrabaho ka?" dugtong niya.

Tumango ako. "Sa bayan."

"Talaga? At ano namang trabaho mo doon?" tanong ulit niya.

"Server." Naunahan ako ni Gab na sumagot.

"—Sandra?" nang aasar na tanong ulit niya pero nakatingin naman kay Gab.

Tumingin din sa kanya si Gab. Nagsusukatan kung sino ang unang bibitiw.
Sabay silang nagbawi ng tingin ng magsalita ako.

"Ah..huh!" awkward kung sigaw, pati tuloy si Casey at Max ay napatingin sakin. "Ha-ha! magluluto nga pala ko ng hapunan natin! tama! tama!" muntanga kong sabi.

Wew, ang awkward ng situation na to..

"Oo nga pala! Ipagluluto mo pa ako ng favorite ko ulam. Yezz!" Excited na sabi ni Gio sabay tayo at hila sa akin, dahilan para mapatayo din ako, "Tutulungan na kita." hinila na niya ko ng tuluyan pero bago yun may naramdaman akong humawak sa kabilang braso ko.

"Tutulong din ako." Nahihiyang sabi ni Gab habang nakatingin sa ibang direksyon.

Napatigil si Gio sa paghila sa akin. Ang hitsura tuloy namin ay parang pinag aagawan nila ako.

"Wow! Nag saya naman nito!" sabay palakpak ni Casey ang bumasag sa katahimikan. "Tara babe, tumulong na din tayo sa kanila." dugtong pa niya.

"What?!" iritableng sabi ni Gio sabay buga ng hangin at hindi pa din binibitawan ang kamay ko. "Mag imbita pa kaya tayo ng kapitbahay para masaya!" sarcastic niyang pahabol.

"Hmmm.. I have a better idea. Bakit di na lang tayo kumain sa labas? di ba?" suggestion naman ni Casey at di pinansin ang pinsan niya.

"Oo nga, less effort tayong lahat." pag sang ayon ni Max.

"Mukang mas masaya yan." Kesa kasamang mag luto tong dalawang tukmok! Sabay bawi ng   parehas kong kamay kay Gab at Gio.

"Tss!" iritable na din si Gab.

"Okay! Tara na! Sinong sasabay sa amin ni Babe ko?" tanong ni Casey pag kalabas namin ng gate, dalawang kotse ang nag iintay sa amin.

I'm not into cars. I don't like it.
Reason? Wala lang.

Basta alam ko yung gray ay kay Gab at black naman ang kay Max.

"Sa akin kana sumabay Sandra." Alok ni Gab habang hawak ang susi niya at akmang pupunta na sa kotse nyang gray ng pigilan ako ni Gio.

"Wait! Anong sasabay? Doon siya sasabay sa amin sa kotse ni Max." Tuloy tuloy na wika ni Gio.

Biglang kumunot ang noo ni Gab na ibig sa sabihin ay naiirita na siya.

"Wooops.." pumagit na sa amin si Casey, "Sa isang sasakyan lang tayo sasakay para ... happy! Okay na?" sabay hila sa akin.

"Okay .. dito na ako sa passenger seat .. kayong tatlo.." sabay turo sa amin ng tatlo nila Gab at Gio, "Sa likod kayo.."
What?! Tsss..

"So, saan niyo gustong kumain?" tanong ni Casey habang nag dridrive ang boyfriend niya papuntang bayan habang kami... Nasa gitna ako ng dalawang kumag, nasa kanan ko si Gab habang si Gio ay nasa kaliwa ko.. at parehang badtrip.

Kahit ako hindi ko maintindihan kung inis o asar na ang nararamdaman ko ngayon. Bago kasi sumakay sa kotse ay naghilahan pa sila sa aking dalawa para lang mauna kung sino ang tatabihan ko. Like hello?!

Kaya sa huli ay parehas akong kumawala sa hawak nila. at naunang sumakay sa kotse kaya ngayon, pinagigitnanaan nila ako.

Nakakahalata na ako ah!

"Kahit saan" sabi ni Gio
"Kayo nang bahala." walang gana namang sagot ni Gab.

"K dot. Sama ko sa inyong dalawa ni Max." Matinong sagot kay Casey.

"Orayt! Kayong dalawa saan namin kayo ibababa para—" hindi na natapos yung sasabihin ni Casey dahil pinutol na siya ni Gio.

Bastos talaga!

"Sasama kami sa inyo." walang gana niyang sabi dito.

Pinarada ni Max ang sasakyan niya sa tapat ng isang Cafe, iba ito sa pinagtratrabahuan ko. Mas simple lang parang starbucks lang sa Manila.

Pagpasok namin ay pinaupo kami ni Max at Casey sila na daw ang bahalang umorder, kaya kami namang tatlo ay naghanap ng mauupuan. Napili namin yung parang sofa na pabilog na pang animan. Kulay pastel blue at royal blue ang motif nitong cafe, kaya ang mga upuan nila ay royal blue samantalang ang kisame at pader ay pastel blue tapos ang lamesa nila ay gawa sa kahoy. Relaxing ang atmosphere nito, may makikita ka ding book shelves na pwede mong hiramin habang nasa cafe ka.

"Saan ka nga pala nagtratrabaho Sandra?" pukaw ni Gio sa pagmamasid ko sa cafe

"Cafe din, doon malapit sa park." sagot ko

"Hmmmm.." parang may naisip na naman siyang kung ano.

Creeeppppyyy! Weeew!

Pinabayaan ko na lang, nang mapatingin ako kay Gab na natihimik na naman. Anong bago?? Di ba?

"Gab, okay ka lang?"

Before & AfterWhere stories live. Discover now