Chapter Four

8 2 0
                                    

"Hay, medyo nakakapagod. Ang daming nagdedate sa coffee shop, puro pa mga students, yung mga pinang dedate naman nila galing sa bulsa ng mga magulang nila. Mga kabataan talaga!" reklamo ni Roanne habang nagpapalit kami ng damit, tapos na kasi ang shift namin. Marami ngang customer, nakakapagod pero enjoy pa rin.
    
"Dito na ako dadaan, may kukunin lang ako sa kaibigan ko. Ikaw ba?" tanong sa akin ni Roanne pagkalabas namin ng coffee shop.

"Uuwi na. O paano, ingat ka sa pag uwi ah." habang kumakaway sa kanya.

"O sige, babye!" kumaway na din siya at biglang tumakbo. Mukhang sasali sa karera tong si Roanne ah! hahaha

Naputol ang pag-iisip ko ng may magsalita sa likuran ko.

"Kamusta?bati nito sa akin habang nakangiti.

"Gab?!" anong ginagawa nito dito, at talagang nakita ko na naman siya.. take note:'na naman'. "Anong gina—" di ko na natapos yung sasabihin ko kasi pinutol niya na ako.

"Pinasundo ka ni Casey, baka daw kung mapaano ka pa." sagot sa akin ni Gab.

"Ah." paano kaya nalaman ni Casey? Ay, oo nga pala. nag iwan ako ng note.

"Sumakay ka na." walang buhay nitong sabi, na nakasak na pala sa loob ng kotse

"Di mo na lang sana ako sinundo kung labag sa loob mo.." bulong ko sa sarili ko. May mood swing ba siya, kanina nakangiti ngayon parang may sapi. psh!

"Kung bubulong paki hinaan sa susunod o kaya naman isipin mo na lang para sigurado." naka irap niya sabi sa akin pag katapos istart ang kotse niya.

Ganun ba ako kalakas bumulong, shocks! May pairap irap pa siya, bading siguro to! Omygulay! My crush siya kay Max! Noooooo! Shocks, ano ba tong iniisip ko?! ERASE! ERASE! Hiyaw ko sa isip ko habang sinasampal sampal ang magkabila kong pisngi.

"Baliw ka ba?!" pasigaw na tanong ni Gab.

Huh! Tinawag pa akong baliw, siya nga tong bading eh. "Kung ako baliw, ikaw naman bad—" pinigilan ko ang sarili ko. "Ayusin mo na lang ang pagdridrive, gusto ko pang mabuhay ng matagal." relax kong sabi, pinag cross ang braso ko at binaling ang ulo ko sa labas..walang kwenta kung makikipag away pa ako.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Buong biyahe pauwi ay naging matiwasay, Buti na lang.

Pagdating sa bahay ni Casey ay bumaba agad ako.

"Salamat sa pagsabay mo sa akin. Ingat ka sa pag uwi." sabi ko sa kanya. Pumasok na agad ako at hindi na siya inantay na sumagot. Walakocare! hahaha.

Nagmamadali akong umakyat sa kwarto ko, hindi ko nakita si Casey pag dating ko. Magpapalit muna ko ng damit.

Natanggal ko na ang pang itaas ko at akmang kukuha ng damit sa drawer ay shaka naman nawala at parang napatanga ako sa lalaking kanina pa pala nakatitig sa akin habang nakaawang ang bibig.

Tsaka ko lang naalala na wala na nga pala akong pantaas at tanging panloob lang ang suot ko kaya naman...

"AAAHHHHH!!!!" sigaw ko at dumampot nang kahit ano pantakip sa dibdib ko.

At kung sineswerte ka nga naman, b-bakit boxers pa?! Wala naman akong ganito?! Shocks!
Binato ko ang boxers at nakakita ng tuwalya at agad binalot ang katawan ko.

Binalikan ko ng tingin ang lalaking sumulpot galing sa loob ng banyo.

"S-sino ka?! P-paano ka nakapasok dito?!" nabubulol kong tanong.

Natauhan naman ang hinayupak at manyak na lalaki.

"Ikaw ang dapat kong tanungin, sino ka ba at bigla ka na lang naghuhubad?!" sigaw na tanong nito sa akin.

Before & AfterWhere stories live. Discover now