Chapter Five

15 2 0
                                    

"Wow, we have here a knight in shining  armour offering his castle to a commoner.." sarcastic ni sabi ni Gio habang padabog na binaba ang kinakain niya sa lamesa. "Bahala na kayo diyan. Basta akin yung kwarto na yon." sabai niya sabay tayo at umakyat sa kwarto NIYA.

"Gio!" sigaw ni Casey " Pagpasensyahan niyo na si Gio, kakausapin ko na lang siya later." paghingi ng sorry ni Casey

Natahimik ako, he called me 'commoner'.. kapal talaga ng apog. Dapat talaga di ko na siya pinatulan.

"Sorry din Casey." pagsosorry ko kay Cassy. "At, Gab. maraming salamat sa offer mo pero gusto dito na lang sana ako." baling ko naman kay Gab.

"Okay lang. Nagsusuggest lang naman eh." nakangiti sabi ni Gab.

Nakikita kong sincere naman si Gab sa pag offer niyang tumira sa bahay niya, pero baka maging pabigat ako at hindi ako komportable.

"Casey, makikishare na lang ako ng room sayo ah." binalikan ko naman ng tingin si Casey.

"Sandra ano ka ba! syempre naman. Mas okay nang nadito ka." natatawang ganti ni Casey. "O sige. Aakyat muna ako kakausapin ko lang si Gio." sabay tayo niya at umakyat nasa taas.

Sinundan ko siya ng tingin. Kailangan kong makisama sa baliw niyang pinsan na dinaig pa ang mood swing ni Gab. Speaking of Gab...

"Aalis na din ako, may pupuntahan pa ako." paalam niya

"Sige ihahatid na kita." at sinabayan siyang lumabas. "Gab.. maraming salamat sa offer mo na patirahin ako sa bahay niyo, pero okay lang ako dito kay Casey." sabi ko habang palabas kami ng gate.

"Tss, inoffer ko lang yun kasi kawawa naman si Casey sa inyong dalawa ng pinsan niya parang laging may gera." nakairap sa sabi ni Gab

Hay! Gabby .. mabait kana sana sa paningin ko eh.

"Salamat pa din." nakangiti kong ganti sa kanya.

"Sige na." at sumakay na siya ng kotse at pinaharurut.

"Iisipin ko na lang na concern ka, hahahaha" mahinang bulong ko sa sarili at pumasok na.

Pagpasok ko sa loob ay tahimik pa rin, mukang kinaka usap pa niya yung pinsan niya. Kaya naisipan ko munang pumunta sa kusina..Hmmm, magluto na lang kaya ako. Mabuti pa nga!

Chineck ko ang laman ng ref. May mga prutas, gulay, karne at mga sweets kagaya ng cake, may fresh milk din, itlog at juice.

Andami pa lang laman ng ref ni Casey! Ano kayang masarap lutuin.

"Ohh, Sandra?!" gulat na sabi ni Casey

"C-casey, chinecheck ko lang yung ref, magluluto sana ako eh." nagulat din naman ako sa kanya.

"Ah, o sige. Pwede bang mag request?" nakangiting tugon ni Casey sabay upo sa isang stool sa kitchen.

"Request?" maang na tanong ko. Pagkanta ba yan, pwede!

"Lutuin mo naman yung favorite kong sinigang na baboy." habang nagpapa cute na sagot ni Casey

"Hahahaha, yun lang ba. Seat back and relax, matitikman mo na ang Sinigang na baboy ala Sandra." natatawang biro sa kanya.

"You know what Sandra. Kanina nagulat ako nang may narinig akong sumigaw ta nakikipag away kay Gio. Akala ko tahimik ka lang, may tinatago ka pa lang baho sa katawan mo, hahahaha." tawang tawa niyang biro sa akin.

"Baho talaga?!" di makaniwalang tanong ko

"Oo!" walang pakundangang sagot ni Casey. "Mukang hindi na matatahimik ang bahay ko dahil sa inyong dalawa." biro pa nito.

Before & AfterWhere stories live. Discover now