Chapter Three

8 2 0
                                    

Nagising ako dahil may kumalabog sa ibaba, kaya napabangon ako at nagmadaling bumababa.

"Im ooookkaayy, you're oveer reacting. See I can still stand." Narinig kong sabi ni Cassy at mahahalatang may tama. Sinubukan pa nitong tumayo at bumitaw kay Max pero natumba na agad namang nasalo ng boyfriend nito.

"C-cassy.." nilapitan ko ito. At lalo kong nahalata na lansing nga ito dahil pulang pula ang muka at leeg.  "Bakit niyo naman siya hinayaang malasing?" may halong inis kong tanong kay Max, na kasunod si Gab at dala dala ang gamit ni Cassy

"Hi *hik* Saaandraa!" bati ni Cassy sa kanya na halos pumikit na ang mga mata.

"I know, ladies drink lang naman ang ininom niya. Pero ayan na ang nangyari. Ah, Sandra pwede bang ikaw na ang magpalit ng damit niya?" tanong ni Max

"Oo naman, kukuha lang ako ng tubig para mapunasan ko siya." sagot niya kay Max na ngayon ay buhat buhat na si Cassy at umakyat na sa kwarto nito. Kala naman niya hahayaan kong palitan niya ng damut si Cassy, like Hello?! Kahit mag jowa pa sila, I don't care! Sus.

Tumuloy na ako sa kusina at kumuha ng maligamgam na tubig.

"Bakit hindi ka sumama sa party?" pagharap ko sa pinto ay siya namang paglitaw ni Gab.

"Ahh, may pinuntahan kasi ako sa bayan." sagot ko kay Gab. Eh, ba't ba ako nagpapaliwanag dito sa mokong na ito.

"Sa bayan?" tanong ulit nito.

'Hindi hindi, sa gubat. Kasasabi ko pa lang ng bayan. Ulit ulit lang.' Pinigilan ko yung sarili kong lumabas yong iniisip ko sa bibig ko at, "Ah, oo. sa bayan." Pati tuloy ako nagiging paulit ulit na. tss!

"Talaga. Si—" hindi na natapos ni Gab yung sasabihin niya kasi dumating si Max.

"Sandra.. Ah, okay na si Casey." sabi ni Max.

"A-ah, O-oo." Bakit ba ko nabubulol..azar!

Nagmadali akong umakyat sa kwarto ni Casey, nilinisan at pinalitan siya ng damit. Pagbaba ko ay nandoon pa din ang dalawa. Ano namang drama nitong dalawa na to?

"Akala ko umuwi na kayo?" nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Inantay lang namin na matapos ka." sagot ni Max sa akin.

"Ganun ba? Okay na siya, mahimbing ang tulog." nakangiti kong sabi kay Max. Nabaling naman ang tingin ko kay Gab na nakatitig na pala sakin na parang binabasa ako, agad din siyang umiwas nang tingin nung nahalatang nakatitig din ako sa kanya. Pinagpapantasyahan ako ni Koya Gab. hahaha!

"Okay. Thanks Sandra. At, nga pala, bigyan mo na lang ng coffee si Casey pag gising niya para mawala yung sakit ng ulo niya." paalala sa akin ni Max. Hay, napaka sweet naman nitong boyfriend ni Casey. No! Erase! Erase!

"Ikaw na ang bahala sa kanya." dugtong pa ni Max bago lumabas ng gate.

"Okay, Ingat kayo." paalam niya sa dalawa. Bago siya pumasok at isara ang gate, nahuli ko na naman yung kakaibang titig ni Gab. Tinanguan ko lang siya bago tuluyang pumasok sa loob. Pagpasok ko sa loob, sumandal ako sa pintuan ng kwarto, at napatulala sa kawalan. Ano bang nangyayari, Si Gab, he's really acting weird.

                       •••

         'Cassy, ngayon nga pala yung umpisa ko sa trabaho. Sweet Tooth, 3 pm ang uwi ko -Sandra'

     
Dinikit ko ang note ko sa ref. Pinagtimpla ko siya ng kape, initin na lang niya kung tanghali na siyang magising. I need to go na. Malelate ako nito eh.

Pagkatapos kong mag ayos ay tumuloy na ako sa labas at may hindi inaasahang bisita pala..

"Gab?" tanong ko dahil hindi ko talaga inaasahan "Ang aga mo namang bumisita?" tanong ko ulit

"Ah, titingnan ko lang kung okay na si Casey, ibinilin kasi siya ni Max, may emergency lang." pag eexplain nito.

"Ganun ba, natutulog pa siya. Natimpla ko na yung kape niya. Pwede bang initin mo na lang kasi mukhang maya maya pa siya magigising." Sabi ko sa kanya, napatingin naman ako sa relo ko, "Shocks! Baka malate ako! Ah, Gab ikaw nang bahala kay Casey."

Nung may dumaang tricycle ay agad kung pinara, "Kuya, sa bayan po." Binalingan ko si Gab at kinawayan ko. Mukhang may sasabihin pa siya pero di na natuloy dahil umarangkada na si Kuya.

Pagkadating sa bayan ay nagbayad agad ako at tumakbo sa coffee shop.

"Sandra?!" gulat na bungad sa kanya ni Roanne, oo nga pala, hindi nito alam na natanggap siya. Dapat makabili ng ako ng cellphone, hay!

"Hi, Roanne." nakangiti kong bati sa kanya.

"Mag aaply ka?" tanong niya sa akin.

"Oh, Good morning Sandra, you're just on time. Nasa locker na ang uniform, you can now change. If you need something, you can ask other servers, okay?" bati and paalala ni Ms. Fatima sa akin, tumalikod na siya at tumuloy sa office niya yata.

"Ohmy! Natanggap ka na? Kailan ka nag apply? Bakit di mo man lang ako sinabihan. kaninis ka." tuloy tuloy na tanong nito.

"Haha, Oo natanggap na ako, kahapon lang. Hindi kita nasabihan kasi off mo daw pala." sinagot ko naman lahat nang tanong niya. Ang jolly at daldal talaga nito.

"Wow, Congrats!" niyakap ako ni Roanne nang mabilis at.. "Welcome to Sweet Tooth!" hahahaha, ang cute!

"Thanks, Roanne!" nakangiting sagot ko naman sa kanya.

"Later, ipapakilala kita sa mga Tooth Fairies, pero mag palit ka muna ng damit, okay?" sabi sa kanya ni Roanee.

"Tooth Fairies?" tanong ko, ang cute, hahaha. Pang ilan ko na bang sinabi yun? nvm

"Oo, tawag sa aming mga servers dito. Sige na. hahaha" tulak niya sa akin papasok sa locker room.

Before & AfterWhere stories live. Discover now