Punyeta, Shindee! Gwapo lang natameme ka na? Gising, gaga!

Para makabawi ay bigla siyang yumuko at tinakpan pa ang mukha niya kasabay ng paghikbi niya.

"May maitutulong ba ako?" concern na turan nito sa kanya.

Umiling siya. "Walang makakatulong sakin.." pagkabigkas nun ay humikbi-hikbi pa siya. 

Para bang ang bigat-bigat ng problemang dinadala niya ng mga oras na yun.

"How can you say that? Baka makatulong ako sa problema mo."

Pinunasan muna niya ang luhaang mata bago tumingin sa lalaki na para bang kaawa-awa siya.

"Iniwan ako ng boyfriend ko. Gagong yun. Pagkatapos kong ibigay ang lahat sa kanya, lolokohin lang pala niya ako." 

Walang ano-ano ay biglang siyang umiyak ng malakas. As in malakas na makakapukaw ng atensyon ng mga tao.

Hindi nga siya nagkamali. Nakuha nga niya ang atensyon ng mga tao sa station.

"Tarantadong yun! Papatayin ko siya kapag nakita ko pa siyang buhay!" 

Sinamahan pa niya ng pagpadyak ang drama niya.

"T-teka, Miss. Please, stay calm. Nakakahiya na sa mga tao." natatarantang sabi nito sa kanya. 

Ngunit lalo pa niyang nilakasan ang pag-iyak niya.

Maya-maya ay naramdaman niyang hinawakan nito ang braso niya ay hinatak sa isang tabi. 

Nagulat man ay hindi siya nagpahalata. 

"Here. Masyado ka ng maingay, Miss. Nakakaattract ka na ng atensyon ng mga tao. So, tell me. Paano ba kita matutulungan sa problema mo?" 

Mag-uumpisa pa sana siyang umiyak ng pigilan siya nito. Itinapat nito ang palad sa mukha niya.

"Stop crying okey? Hindi lahat ng problema nadadaan sa pag-iyak lang. Why don't you accept the fact na ayaw na sayo ng boyfriend mo kaya ka niya iniwan? Eh di maghanap ka din ng iba. Im sure sa ganda mong yan, marami kang manliligaw." sabi nito sa pagitan ng pagtitig sa mukha niy.

Hindi man niya gusto ay pinamulahan siya ng pisngi. Kakaiba talaga ng epekto sa kanya ng lalaking kaharap niya ngayon.

Ngunit napansin niya si Richie sa di kalayuan. Sinesenyasan na siya nito na madaliin na niya ang trabaho. 

Walang kaabog-abog ay yumakap siya sa lalaking kaharap niya.

Nagulat siya sa biglaang sensasyong pumukaw sa kanya sa pagkakayakap niya dito. 

Na mukhang ito din ay nabigla sa ginawa niyang pagyakap.

Sinusob pa niya ang mukha sa dibdib nito habang ang dalawang braso niya ay nakayakap sa maskuladong katawan ng lalaki.

"Huwag mo akong iiwan please. Baka hindi ko makayanan ang sakit at bigla na lang akong magpakamatay.." 

Naramdaman niyang hinagod nito ng marahan ang likuran niya. 

May sinasabi ito ngunit hindi niya masyadong pinansin. Mas tinuon niya konsentrasyon sa bulsa nito na kinalalagyan ng wallet. 

Mabilis at bihasa niyang nakuha ang wallet nito na wala pang segundo. Sa mga katulad niyang hustler na sa pandurukot, chicken feed na lang ginawa niya pagkuha sa wallet nito na hindi nararamdaman ng lalaki.

Kasabay ng pagdukot niya sa wallet nito ay walang anumang dumaan sa likuran ng lalaki si Richie at balewalang kinuha ang wallet na nasa kamay niya. Dirediretsong lumakad ito palayo sa kanila.

Shindee : Ang Snatcher ng Puso koWhere stories live. Discover now