22| Wow, ang gulo ko.

196 4 0
                                    

It's been months since nakapaghang-out kami ni Cather ng kaming dalawa lang. We've been busy with our academics and organization kaya hindi na kami nakapaglaan ng oras ng para sa aming dalawa. But this time, kasama ko na yung nognog kong best friend sa mall habang nakain kami ng shawarma at ng takoyaki.

So the usual, nagkukwentuhan kami at nagkukumustahan nang bigla kong napansin si Marian kasama yung mga alipores niya na nag-iikot sa isang beauty shop. Sa tagal kong hindi nakita ang kaibigan ni Arki, bigla akong nagandahan sa kaniya kahit na ang baluga ng ugali niya.

Siniko ko si Cather at itinuro sa kaniya si Marian. "Cather, tingnan mo  yung babaeng yun. Yung nakaoff shoulder na white tapos nakapantalon na itim. Yung medyo ash blonde ang kulay ng buhok. Maganda ba?"

Agad namang nakita ni Cather kung sino tinutukoy ko. Tumango naman siya. "Oo naman. Ganda kaya. May halo siguro si ate. Tingnan mo nga oh, ang payat pa niya tapos ang tangos ng ilong."

Napangiwi ako. "Eh ako? Itabi mo nga mukha ko sa kaniya. Kanino ka magkakagusto kung lalaki ka?"

Biglang natawa si Cather. "Tungak ka ba, Aris? Tinatanong mo ba talaga sa akin yan?"

"Oo. Kaya nga nagtatanong ako sayo di ba? Hindi mo ba narinig sinabi ko?"

Nginusuan ni Cather yung direksyon ni Marian. "Syempre si ate. Susko, Aris. Lakas ng topak mo na ikumpara mo sa kaniya ha!" Tapos lalo pa siyang tumawa. "De, joke lang Ris. Syempre, sayo pa rin ako no. Maganda ka naman din, mas lamang lang si ate ng isang paligo sayo."

Napailing na lang ako. "Wow naman, bestfriend. Napakahonest mo ha. Truth hurts ika nga ano?"

Tinapik ako ng mahina ni Cather sa braso, "Joke nga lang sabi ko. Ikaw pa rin maganda syempre. Bakit mo ba tinatanong?"

"May gusto yan kay Arki." Matipid kong sagot.

Nanglaki mata niya sa sinabi ko. "Ha? Kilala mo yun?"

Tumango ako. "Oo eh. Remember nung nasa Baguio kami ni Arki? Apparently, childhood friend sila ni Arki. May gusto siya dun sa unggoy na yun."

Ngumiti ng nakakaasar si Cather sa akin. "Oh, selos ka?"

"Hindi ah!" Inirapan ko sya. Wow ha feel niya selos ako.

"Sus! Lakas makadeny eh. Mas lalong napaghahalataan ka na gusto mo na si Arki." Lalo pang tumawa si Cather sa akin tapos sabay siko pa sa tagiliran ko na para bang kinikiliti niya ako.

"So... Ano name ni ate?" Tanong ni Cather.

"Marian. Pero ewan ko lang kung ano apelyido."

Ilang saglit lang ay pinagsisipa na ni Cather paa ko sa ilalim ng lamesa na pinaguupuan namin dito sa foodcourt. "Eto na! Marian Eriah Welsh. Wow taray sa pangalan ha."

Sinilip ko kung ano yung tinitingnan ni Cather sa cp niya. Yun pala nahanap niya yung facebook ni Marian.

"Friend mo si Arki sa facebook?" Tanong ko nung napansin ko na nasa friends siya ni Arki sa FB.

"Aris, duh. 2017 na ngayon. Puh-lease." Nagscroll si Cather sa photos ni Marian. "Look! Shet, ang kinis ni ate! Edi sya na naka-two piece! Tingnan mo oh, ang lulusog ng dibdib!"

After niyang sabihin yun, biglang nilapat ni Cather kamay niya sa dibdib ko. Pero mabilis lang din niya tinanggal. Pero kahit na, nagulat ako sa ginawa niya. "Tapos ikaw? Mehhh. Non-existent dibdib ni bestfriend."

Binatukan ko siya. "Nanantsing ka na nga tapos manglalait ka pa! Sama mo!"

Tumawa si Cather.  Nagpatuloy lang siya sa pagscroll sa pictures ni Marian. Hindi ko na idedeny pa, talagang ang ganda ni Marian. Ang sexy, ang tangkad, ang puti, lahat na lang nasa kaniya na. Bakit kaya hindi ito nagustuhan ni Arki? I mean, they would've been perfect together. Mr and Ms. Perfect sa mundong Milennial. 

Obviously, This Is Not LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon